De første 200 linjer.
HEARTBEAT
ANG MGA TAUHAN, PANGALAN ORGANISASYON, GRUPO, KAGANAPAN,
AT PINANGYARIHAN AY KATHANG-ISIP LAMANG AT SINUNOD ANG MGA ANIMAL SAFETY GUIDELINE
Noong unahang panahon,
sa lugar na 'to nakatira ang mga nilalang na imortal.
At may mga taong sakim na gustong maging imortal
sa pamamagitan ng pag-inom ng kanilang dugo.
Hulihin n'yo sila! Nandoon sila!
'Wag n'yo silang patatakasin!
Tara.
Patawad. Kasalanan ko 'to.
Panginoon, dinala ko po ang hinihingi n'yo.
Gawa sa pilak ang ulo ng palaso na nakakapatay ng mga bampira,
at gawa sa kahoy ng hawthorn ang pana.
Woo-hyeol.
Ayos ka lang ba?
Paano 'to?
Siguradong masakit 'yan.
Tumakas ka na. Bilisan mo.
Kailangan mo nang umalis.
Di sila titigil na hanapin ka ngayong alam na nila kung ano ka.
Ayos lang ako, kaya umalis ka na.
Bilisan mo!
Hindi...
Ano'ng ginagawa n'yo? Panain n'yo siya!
Patayin n'yo siya!
Hulihin ang halimaw na 'yan!
Hindi!
"Seon Woo-hyeol."
"Naging mabuti natin siyang kaibigan."
"Hindi natin siya makakalimutan."
"Siya ang ating pinuno."
"Matipuno at magaling manamit na pinuno."
"Kahit na palagi siyang napapaligiran ng mga babae,
wala siyang pakialam at..."
Ano?
"Napakapalakaibigan niyang tao."
"Kahit na iwan niya tayo,
mananatili ang mga alaala niya sa mga puso natin
at di natin siya makakalimutan."
"Kung kaya,
plano kong itago ang isa sa mga paborito niyang coat
para habambuhay ko siyang maaalala."
- Seop, pumili ka rin ng isa. - Ayos lang ako.
Di ba sinabi mo na maganda ang sombrero ni Woo-hyeol?
Dahil sa suot niya 'yon.
Masyadong malaki ang ulo ko.
Sino'ng may pakialam?
Kunin mo na lang at saka mo na isipin.
Hindi, ayos lang talaga ako. Di bagay sa 'kin magsombrero.
E, di kunin mo na lang, tapos ibigay mo sa 'kin.
Parang di na 'yon kailangan.
- Kung gano'n... - Sinabi kong gusto ko ng lamay
pero pinagtataksilan n'yo na ako.
Kailan ka lumipad diyan?
Woo-hyeol, di ka dapat diyan nakaupo.
Wala pa kami sa pinakamahalagang parte.
Ikaw.
Ibebenta mo ba ang bahay na 'to kapag nawala na ako?
Sinasaktan mo naman ang damdamin ko.
Woo-hyeol, ako 'to, si Lee Sang-hae.
Higit 130 taon na tayong magkasama.
- Wala ka pa rin bang tiwala sa akin? - Oo.
Ganoon? Kalimutan mo na ako!
'Wag mong pulutin 'yan!
Alam mo ba ang hirap ko sa paggawa ng eulogy na 'to?
Dumugo na ang ilong ko dahil tatlong araw akong gising para maisulat 'to!
Binigay ko ang lahat para maisulat ito.
Paano mo 'to nagagawa sa akin?
Butler Joo.
Hindi niya ako pinansin.
Ikaw lang ang nag-iisang mapagkakatiwalaan ko ng bahay na 'to.
Alagaan mo 'to nang mabuti.
Maaasahan n'yo po ako, sir.
Habambuhay akong maglilingkod hanggang sa susunod na salinlahi.
Bitiwan mo ako. Woo-hyeol.
Hayaan mo akong tanungin ka.
Iniisip ko na 'to noong unang araw ko pa lang.
Bakit ba gustong-gusto mong maging tao?
Ngayon mo ako tinatanong niyan?
Sagutin mo ako.
Bakit mo ba ginagawa ang lahat para maging tao?
Dahil 'yon sa...
Butler Joo.
Saka na pag naging tao na ako.
Pambihira. Gustong gusto ko nang malaman!
Imposible 'to sa tingin ko.
- Mga bampira kami. - Ano ba'ng problema mo?
Kailangan naming uminom ng dugo ng tao para mabuhay.
Takot sa amin ang mga tao.
Pero...
wala kaming masyadong pinagkaiba sa mga 'to.
Di sinisipsip ng mga lamok ang dugo ng tao hanggang sa mamatay sila.
Tulad n'on, di namin sinisipsip ang dugo ng tao
hanggang sa mamatay sila.
Ganito lang karami ang kailangan namin.
Ikahahaba rin ng buhay n'yo kung kaunti lang ang iinumin namin.
Ayaw namin sa araw,
pero lumalabas din kami paminsan-minsan.
Kapag mas matagal kaming nasa arawan,
mas maraming dugo ang kailangan namin.
Kaya kailangan naming mas madalas uminom ng dugo.
May kapangyarihan ba kami?
Kaya naming lumipad at malakas kami.
Pero di namin ginagamit sa labas
dahil kailangan naming humalo sa mga tao.
Bakit di niya kami tulungang maglinis? Nakakainis talaga.
- Ano'ng sinabi mo? - Wala po.
Pero may silbi ang kapangyarihan namin kapag naglilinis.
Ayos.
Grabe, ang ganda ng tindig mo.
Sukat na sukat sa katawan mo.
Mahilig kang manalamin, 'no?
Nagustuhan mo ba?
Paano ko malalaman?
Sa kasamaang palad,
di namin nakikita ang sarili namin
sa salamin.
Nagustuhan ko.
Salamat.
Sa paglipas ng panahon, nakalimutan na ng mga tao ang mga bampira.
Kaya nagagawa namin na makihalubilo sa mga tao
at patuloy na mabuhay.
Sobrang guwapo niya.
Tingnan mo.
Sobrang guwapo niya.
- Sobrang guwapo niya. - Tiningnan niya ako.
Sobrang sikat ko.
Hindi sila sa 'yo nakatingin.
Di kami nagkakalayo ni Woo-hyeol.
Parehas kaming may mata at ilong.
Pero magkaiba ang hitsura.
Ang hitsura?
Pangit ka.
Makakasakay na po kayo.
Butler Joo, makakarating ba tayo sa tamang oras?
Makakarating po tayo.
Baka dumating ang taong 'yon ngayon.
Isang araw, darating din sila.
HEARTBEAT EPISODE 1
Shaded Oasis.
Ang pinakasikat na lugar sa Gyeongseong
na ibig sabihin ay "silong mula sa araw."
Dito nagpupunta gabi-gabi
ang mga nilalang na mas gusto ang gabi kaysa umaga.
Ang galing niyang sumayaw!
Wala nang mga nanghuhuli ng bampira.
Pero may mga bampira pa ring nabubuhay kasama ang mga tao
nang di nila alam.
Butler Joo, kailangan ko ng alak na malakas ang tama.
Malakas ang tama.
Banayad na cocktail.
Matapang na cocktail.
Pamatay ng babae.
'Wag n'yong paghahaluin.
Uminom ka.
Parang lasing na ako.
Mas maganda 'yon.
Mas sasaya ang gabi.
Ano?
Wala, wala. Uminom ka na.
May kasintahan ba?
May kasintahan ako?
Maniwala ka man o hindi, wala.
- Ang kasintahan ko ay... - Hindi ikaw.
'Yong may-ari.
Hayaan mo na siya.
Puwede tayong pumunta sa tahimik at...
Lumabas na tayo. Bigyan mo lang ako...
Para kang langaw na umaali-aligid. Tigilan mo na ako, puwede?
Langaw?
- Kung langaw ako, tae ka! - Ano?
- Tae? - Ganoon ang amoy mo!
- Ano? - Hoy!
Tumigil ka na at bumalik ka na sa trabaho.
- Masakit. - Masakit?
Makikiraan.
- Halika. - Di ka marunong tumingin!
Sir.
Bakit sobrang guwapo mo?
Paanong walang mali sa 'yo?
May kasintahan ka na ba?
Makikiraan, mga binibini.
Di rin sila nagpunta ngayong gabi.
Ano'ng ginagawa mo?
Sinabi ko na sa 'yo
na bawal uminom ng dugo ng tao sa Shaded Oasis.
Di ko siya pinatay. Tinikman ko lang nang kaunti.
Ipinagbabawal ang pag-inom ng dugo ng tao
sa Shaded Oasis.
Di pa rin ba sumusuko si Seon Woo-hyeol?
Na maging tao? Pambihira.
Tumigil na rin siyang uminom ng sariwang dugo.
Bampirang di umiinom ng dugo ng tao?
Isang kahangalan.
Sino kayo para pag-usapan nang ganiyan si Woo-hyeol?
Kapag nagsalita pa ulit kayo,
tatanggalin ko ang mga pangil n'yo.
- Nilalamig ka ba? - Ayos lang ako.
Matagal ko nang libangan ang obserbahan
No comments yet. Be the first to leave one.