De første 200 linjer.
DOCTOR CHA
May problema ka,
'di ba?
Oo.
May problema ako
pero ni hindi ako makapaniwala
kasi parang hindi totoo.
Sa tingin ko, alam ko kung ano 'yan.
Hindi.
Hindi mo alam.
Sa tingin ko, alam ko kung ano 'yan!
Gusto mong patayin ang dalawang lintik na 'yon.
Niloloko ka ni Professor Seo.
Umuulan.
Isara mo, bilis.
Naku po!
-Ba't hindi gumagana? -Gawan mo ng paraan, please!
Sinusubukan ko!
Ni hindi mo masara ang bubong ng kotse mo?
Ngayon ko lang binuksan 'to!
Ano'ng gagawin natin?
Ang lamig!
Grabe!
Hindi ito ang oras para tumawa!
Ang lamig!
Ano ba, huwag ka na ngang tumawa!
Gaano ba kalala ang away n'yo at naging ganiyan ang lagay mo?
Pa'no ka guguhit ng ganiyan ka? Malapit na ang entrance exam!
-Ano? -Sabi mo tapos ka nang magalit!
Dapat iniwasan mo na lang siya, dapat hindi ka na nakipag-away!
Dapat ba hindi ako lumaban no'ng sinabunutan niya 'ko?
Ano?
Bakit ako lilipat ng academy?
Pinipilit niya akong lumipat!
Tinatrato niya rin ako na parang nanira ng pamilya!
Mauuna na 'ko.
-Ingat. -Ang galing n'yo po ngayong araw.
Ingat kayo.
I-rang.
KABANATA 11
Buti na lang,
mukhang hindi naman 'yan magpepeklat.
May masakit pa ba sa 'yo?
Ano ba'ng nangyari?
May umaaway ba sa 'yo sa eskuwelahan?
Nasa tamang edad na ang mga kaibigan mo, hindi na sila mga bata.
Bakit nila 'to gagawin sa 'yo?
Sino'ng gumawa nito?
-Tita Mi-hee. -Ano 'yon?
Naaawa ako kay Mama.
Sa mama mo?
PUMUNTA SA CLINIC KO SI I-RANG…
PUMUNTA SA CLINIC KO SI I-RANG…
AKO NA ANG BAHALA SA KANIYA 'WAG KANG MAG-ALALA
Sino 'yan?
May inumin din na hindi nakakalasing.
No'ng birthday ng lola ko,
kasama ko ang pamilya ko para kumain sa labas.
Nasa hotel kami.
Tapos aksidente kong nakita si Professor Seo do'n.
Nakita ko rin kung sino 'yong babae.
Noong high school ako,
ginawa rin 'yon ng papa ko.
Sobrang nalungkot ang mama ko no'ng nangyari 'yon.
Sampung taon niyang tiniis 'yon.
Kaya alam ko kung ano'ng nararamdaman mo.
Nakakasira talaga ng bait…
ang ganitong mga bagay.
Ano naman ang naramdaman mo?
Naisip mo ba
na sana naghiwalay na lang ang mga magulang mo?
Noon,
akala ko 'yong galit ni Mama kay Papa ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy.
Kapag naghiwalay sila,
akala ko mawawalan si Mama ng dahilan para patuloy siyang mabuhay.
Kaya sinabi ko kay Papa…
na 'pag hiniwalayan niya si Mama,
tatalon ako mula sa bubong.
Tinakot ko siya.
Alam kong may problema ka rin.
Kaya salamat
sa pagpapagaan ng loob ko.
Hindi ko pinapagaan ang loob mo.
Talagang…
madalas lang 'tong nangyayari.
Hindi tulad ng inaakala natin.
Matulog ka na.
Salamat sa paghatid sa 'kin.
Sige.
Sandali…
May sasabihin ako sa 'yo.
Kayong dalawa.
Ni Jung-min.
Alam kong boyfriend mo
ang anak ko.
Kung titingnan naman,
bagay kayong dalawa.
ESPESYALISTA SA COLON AT RECTAL SURGERY SEO IN-HO
WALANG DOKTOR
-Pakitingnan 'yong consultation request. -Sige.
Kaya mo bang magtrabaho ngayon?
Kailangan, e.
Ito lang ang kaya kong gawin ngayon.
-Nakikita mo ba 'to? -Oo.
Mukhang may problema sa parteng 'to.
-Gumuguhit siya, 'di ba? -Oo.
Matanggal man ang cast niya, 'di agad niya maigagalaw ang braso niya.
At hindi makakagalaw ang kamay niya nang maayos.
Mga tatlo o anim na buwan pa ang kailangan
para umayos ang nerves niya.
Paano mo nalaman 'yon
samantalang madali mong napalaki ang mga anak mo?
Pasensiya na at 'di ko sinabing nagtatrabaho si Seung-hi sa ospital.
Pero naipaliwanag ko naman na kung bakit hindi ko sinabi noong una.
Ngayon ko lang nalaman na magkaibigan ang anak ni Seung-hi at si I-rang.
Puwede ko bang itanong kung saan mo nabili ang bracelet mo?
Binili 'to ng asawa ko para sa 'kin, kaya hindi ko alam kung sa'n 'to nabili.
-Nasa'n si Choi Seung-hi? -Ha?
Nasa seminar room lahat ng professor ngayon…
Pangalan lang ba ang sinabi niya?
"Nasa'n si Choi Seung-hi?" Ang dinig ko, e.
Hala, hindi nga?
May pagbabago ba sa academic research fluid na ginagawa natin?
Plano naming mag-apply ng collaborative multidisciplinary team study.
Kaya naghahanda kami ng sama-samang research plan
para sa infectious diseases at pulmonology departments.
Kailangan nating magkaraoon ng regular meetings.
Oo, kailangan nating mag-meeting.
Pero sana magsabi rin kayo sa email ng kung ano na'ng balita…
Ano'ng kailangan mo?
Professor Choi.
Kailangan kitang makausap.
Kung hindi naman importante, puwedeng mamaya na lang, nasa--
Importante 'to.
O gusto mo, dito na lang?
-Ano 'yon? -Mag-usap tayo sa opisina mo.
Papuntahin mo siya rito.
Si Seo In-ho.
Hindi mo ba 'ko naririnig?
Sabihin mo kay Seo In-ho
na pumunta siya rito.
Ngayon din.
Tawagan mo siya.
Uy.
Kakatapos ko lang kitain ang isang pasyente. Libre ako.
Sa opisina mo?
'Wag ka nang magtanong, pumunta ka na lang dito.
Pumunta ka rito ngayon.
Maliban kung gusto mo
na pag-usapan ng buong ospital ang pangangaliwa mo.
PROFESSOR'S OFFICE
FAMILY MEDICINE SPECIALIST CHOI SEUNG-HI MAY DOKTOR
WALANG DOKTOR
-Honey. -Manahimik ka.
Magsabi ka ng totoo.
Ang kaibigan ni I-rang, si Eun-seo.
Si Seo In-ho ba
ang tatay ng anak mo?
Honey, ang totoo n'yan…
Oo. Anak siya ni In-ho.
Bigla kaming nagkita sa isang ospital sa Chicago
kung saan kami nagsanay.
Do'n nabuo si Eun-seo at pinanganak ko siya.
Pero hindi na 'ko nakipagkita uli sa kaniya.
Pero no'ng bumalik si Seung-hi sa Korea at nagtrabaho rito,
naging malapit ulit kami sa isa't isa.
Wala ba kayong mapagkuwentuhan ng love story n'yo?
Ang dami n'yong sinasabi
parang ayaw n'yo maunahan, e.
Kung gano'n, mahal n'yo ba
ang isa't isa?
Sana magtagal kayo.
Hindi. Ang totoo n'yan…
-Maghihiwalay na kami… -Sino'ng nagsabi?
Wala akong planong makipaghiwalay.
Kahit na maghiwalay kayo
o magsama habang-buhay,
wala na 'kong pakialam do'n.
Sinimulan ko ulit ang residency ko pagkalipas ng 20 taon at tatapusin ko 'to.
At kayo namang dalawa,
'wag n'yo kaming bigyan ng kahihiyan ng anak ko.
At Choi Seung-hi.
Umalis ka na rito.
Marami ka pang ospital na puwedeng pasukan.
'Di ba galing ka sa mayamang pamilya?
Alam kong ginawa n'yo ang lahat
para umalis ako rito.
Hindi na gagana sa 'kin 'yan, kaya ikaw na ang umalis.
Bibigyan kita ng isang buwan
para umalis
at lumayas sa harap ko.
At ikaw, Seo In-ho!
Maghintay ka lang.
Iniisip ko pa kung ano ang dapat kong gawin sa 'yo.
No'ng sinabi mo na kailangan muna nating mag-isip,
akala ko nakikipaghiwalay ka.
'Yon siguro ang gusto mong marinig.
Desperado ka na sigurong bitiwan kita.
Hindi naman sa gano'n.
Kung gano'n…
No comments yet. Be the first to leave one.