Las primeras 200 líneas.
Heto ako iniisip kung saan ilalagay ang kamera.
Sandali lang.
Ngayon ay ika-23 ng Hulyo. At...
Marami nang nagbago mula sa simula ng tape na ito.
Ang asawa ko ay nasa kulungan.
Nakalabas na ako ngayon ng isang lingo at isang araw.
Nakulong ako mula noong ika-24 ng Mayo.
Pero alam ko na kahit gaano kadehado ang lagay ko ngayon,
magiging maayos ang lahat.
Siya ay... Siya ay babalik.
Isang motorsiklo.
-Yan ang aking... -Siya ay babalik.
Mas malakas kaysa dati.
Kambal ang ipinagbubuntis ko. Ipapakita ko sa inyo ang kambal.
Tignan niyo sila.
Ang kambal na ito ay 22 linggo na.
Isod. Laurence, pag hindi ka gumalaw...
Magandang umaga.
Anim na taong gulang na bata.
Magandang umaga.
Ngayon ang unang araw ng iskwela, anak.
Hoy. Hoy. Hoy.
Magandang umaga, Robert.
Ngayon ay ika-24 ng Agosto. Unang araw sa kindergarten ni Remington.
Ano'ng gagawin mo sa kindergarten, Rem?
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya at maghahanap ng mga kasintahan.
Magandang umaga, mahal.
Maririnig mo ang pagbagsak ng yelo.
At nandiyan din ang kambal sa yelo.
Hoy, Ding-a-ling 2 at 1.
Ang lamig.
Nakakatuwa!
Nakakabaliw ito, mahal.
Hala! Naku po!
Sige.
May plano ka na bang magpakasal?
-Kasal na ako. -Hindi nga?
-Sa tatay ni Remington. -Kailan?
Isa at kalahating taon na kaming kasal.
-Halos isa at kalahating taon na. -Nasaan siya?
Umalis siya ng bayan ngayon.
Ayokong magloloko ka doon kasama yung ibang bata, okay?
-Sige po. -Makinig ka.
Makinig ka. Sa gitna, makinig ka. Yun ang dapat mong gawin ngayon.
Pero hindi kami tumatakbo ni Jared.
-Nasan ang ulo ko, Remington? -Nandito.
Ikaw, dapat lumaki kang lalaki.
Ilagay mo yan doon.
Tay, ngayon ay taglagas na.
Ang mga puno ay nagbabago na ng kulay, ngayon ay ika-18 ng Oktubre.
Ika-18 na ng Oktubre ngayon?
Gusto ko lang ipakita sayo ang mga bahay na ito, Tay.
-Tignan mo alin ang kukunin natin. -Oo, tignan mo alin ang kukunin natin.
Sila ay-- Grabe, ang bait nila. Malapit sila sa isa't isa.
Bale, Tay, ito ako, ito ang aking sarili. Balik na sa'yo.
Maganda ang panahon ngayon, mahal. Sana ay kasama kita ngayon.
Bakante ngayon ang tabing upuan ko.
At isipin mo, nakilala kita nung 16 ako.
Labing-anim na taong gulang.
Alam ko sa simula pa lang may iba na sa'yo.
O, mahal kita, Robert. Mahal kita, Robert.
Alam mo, may alam kang istorya.
Nakikita mo bang ngiti na ito, Robert.
Alam mo gaano ako ngingiti pag-uwi mo?
Nigga...
Nigga, ano?
Ngumingiti. Ako at ang mga anak ko
ay marahil maglalakad nang ganito buong araw.
Sasakit ang ngalangala ko palagi.
Ano'ng sabi?
Ano'ng ginawa ni Sibil Fox?
Pakiramdam ko, tinamaan ako.
Gusto ko.
"Tinatawag itong Big Easy.
Pero ang totoo, kung walang maayos na transportasyon,
kaya niyang--" Sabi natin na "maayos na transportasyon," lalayo kami
tapos, "Ito ay napakahirap."
Tama.
Tapos babalik sa akin habang nagpapakilala ako.
"Kapayapaan at pagmamahal, kapamilya, ako si Fox Rich.
At bilang asawa at nanay ng anim na bata...
Alam ko ang kahalagahan ng transportasyon.
Bilang asawa at nanay ng anim na bata...
Kinalulugod ko ang oportunidad na maging iyong personal na tagapangasiwa
sa Rich Motors ng New Orleans."
Ayos.
"Alam ko ang kahalagahan ng maayos na transportasyon
para sa'yo at sa pamilya mo para bumiyahe.
Kung tutuusin, mas mahalaga ang sasakyan kaysa bahay, kung ako'ng tatanungin mo.
Kasi pwede kang matulog sa sasakyan, pero di mo pwedeng imaneho ang bahay."
-Yun na yun. -Ayos.
Tingin ko ang gagawin natin ay subukan ang lahat ng sinasabi mo.
-Sige. -Tapos gagawin din natin...
Pwede ka rin tumingin sa balikat ko
at pwede natin gawin yung iba na magkasama at siguraduhing tama yun.
-Ityempo yun sa sinasabi mo. -Gusto kong...
makita ang itsura ko, buhok at labi...
-Kaya nating gawin yun. -At tignan ang kalalabasan ng kuha.
Sige. Kailangan ko ng ilang sandali.
-Kuha lang kami ng tamang ilaw para sa'yo. -Sige.
Tignan ko lang kung ano'ng ginagawa natin dito.
Tinatawag man nila siyang Big Easy, pero ang totoo,
pag nasa New Orleans ka na walang transportasyon
ay talagang mahirap.
-Ayos. -Kailangan kong iunat ang balikat ko.
-Subukan ulit natin. -Isang beses pa.
O hanggat kailangan pa talaga. Atras ka nang kaunti.
Pinanganak ako bilang Sibil Verded Fox
noong ika-18 ng Agosto, 1971.
Ang nanay ko ay guro
at ang lola ko ay kasambahay ng nanay ni Hank William.
Nanggaling ako sa mga taong may malaking pagnanais na may makamit,
may magawa sa aming sarili.
Ang aking nanay,
tinuruan niya ako habang bata pa
na ang pangarap ng Amerikano ay totoo.
At sasabihin niya,
"Sibil, magagawa mo yan pag sinubukan mo."
At heto ako isang batang babae na taga-lunsod
at determinadong sumubok.
Narito ang pamilyang Rich.
Ano'ng tingin mo diyan?
Nakilala ko ang asawa ko, si Robert, noong ako ay 16 anyos.
Ikinasal ako sa aking kasintahan noong hayskul.
Binili namin ang una naming bahay,
nagpundar kami sa una naming negosyo.
Uunlad na sana kami.
Papalapit na sa bahay ni Tita Sandra.
At wala siyang kaalam-alam sa darating.
-At ayan na sila. -Ayan na.
Surpresa!
Surpresa!
Hindi ko man lang napansin na nandoon na lahat ng kailangan ng pamilya ko.
Magkakasama kaming lahat.
Makinig kayo, ang istorya ko ay istorya ng mahigit na 2 milyong tao
sa Estados Unidos
na nabibitag para makulong ang mahihirap at taong iba ang kulay.
Nakikiusap ako na lumabas kayo. At may isang bagay pa. Ano nga ulit yun?
O, magiging live tayo.
Kung hindi kayo makakapunta,
makikisuyo na lang ako na panuorin mo ang live na palabas
mamayang 7 ng gabi sa aking Facebook page
dahil ito ay ipapalabas ko ng live galing sa aking karanasan.
Makinig kayo, ito ay hindi lang pakikipagusap.
Ito'y talagang isang karanasan, at sana makasama ko kayo doon.
Tulane University, 7 ng gabi mamaya sa Roger Memorial Chapel.
Kapayapaan at pagmamahal.
Hoy, ikaw, pumunta ka nga rito.
Dapat lagi itong nakalinya. Lagi dapat nasa linya ang sinturon mo.
Diyos ko. Sino'ng kumuha ng damit palabas sa dryer nang ganiyan?
Mga kababaihan at kaginoohan, samahan ninyo ako
sa pagbibigay ng masiglang Green Wave na pagtanggap.
Sa aking nanay, ang tagapagsalita ngayong gabi,
Fox Rich.
"Nais ko lang iklaro sa simula pa lang.
Alam kong hindi ako nakatakas na walang anuman kundi ang aking buhay."
Ika-16 ng Setyembre, 1997,
ninakawan naming mag-asawa ang Grambling Federal Credit Union.
Grabe, yun ang nasabi ko noon. Bakit ko nagawa yun?
Ano ba ang naisip ko?
Pangarap namin ni Rob na magbukas ng unang hip-hop store ng Shreveport.
KULTURA
Kaso kami ay naghihirap.
At ang pinaka-natatandaan ko noon
ay ang pagnanais na hindi kami susuko.
At kami ay naging desperado.
Ang mga desperadong tao ay gumagawa ng mga desperadong bagay.
Ganoon lang kasimple.
Noong binaba ko ang aking asawa at kaniyang pamangkin
para magnakaw ng bangko,
noong bumaba sila ng sasakyan,
alam ko na...
pumasok na kami sa ibang mundo...
na hindi namin makakalimutan.
Noong oras na yun,
ang armadong pagnanakaw ay mayroong lima hanggang 99-taon na sentensya.
At noong ika-15 ng Hunyo, 1999,
ang asawa ko ay hinatulan ng 60 taon ng pagkakabilanggo
ng walang probasyon,
parol o pagsususpinde ng sentensya.
Animnapung taon...
ng buhay bilang tao.
Sabi ng nanay ko, "Madaling makapasok sa ganitong bagay."
Halos 20 taon na rin.
Halos 20 taon na rin.
Dalawang dekada na.
Nakalipas na ang 20 taon.
Mahirap makalabas.
Halos alipin na sa tagal.
At ang mga puti ang nagpanatili sayo doon
hanggang naisip nilang oras na para makalabas ka.
At iyon ang sitwasyon dito.
Isang pansariling paghihiganti.
Pansariling paghihiganti.
Oo.
Sabi ko sa anak ko, sabi ko, “Ganito ang gagawin mo,
ang itali mo ang buhok mo
na parang ikaw ay nababaliw.
Magsuot ng damit, isang pares ng pantalon at sapatos,
at pumunta ka sa patyo sa korte."
No comments yet. Be the first to leave one.