نخستین 200 خط.
DOCTOR CHA
Nag-ROSC siya. Tingnan n'yo ang vitals niya.
Dr. Cha!
Dr. Cha!
Buksan mo ang mga mata mo!
Dr. Cha!
Ano'ng nangyari?
Dr. Cha!
Ano'ng nangyari sa kaniya?
Humawak siya sa pasyente na sini-CPR kaya nakuryente siya.
Hay, 'di talaga siya nag-iingat.
Hala.
Gising ka na.
Ayos ka lang ba?
Bakit ako nandito?
Hindi mo ba naaalala?
Hinimatay ka pagkatapos mong makuryente.
Talaga?
Po?
Kahit med student 'di magkakamali sa ganiyan.
Gumawa ka ng eksenang hindi makakalimutan ng buong ospital.
Sapat na'ng pahinga mo, bakit hindi ka pa tumatayo?
A, oo. Pasensiya na.
Bakit mo ginawa 'yon?
Hindi ko alam.
Nawala ako sa focus.
Hay, nakakahiya.
Hindi 'yon ang problema.
Hindi mo ba alam kung gaano ako nagulat? Lalo na kanina…
Nagkataong nasa ER si Papa,
kaya sinigawan niya lahat at binuhat ka niya papunta rito.
Ngayon ko lang siya nakitang gano'n.
Tumabi kayong lahat!
Hindi!
Hindi!
Ginawa 'yon ng papa mo?
Tingnan mo ang lagay ng mama mo at bantayan mo siya.
Alam kong mahirap, pero alam kong naiintindihan mo 'ko.
Galingan mo.
Ako lang ang gumagawa ng lahat.
Bakit ko ba kasi…
Ano'ng nangyari sa kaniya?
Humawak siya sa pasyente na sini-CPR kaya nakuryente siya.
Hay, 'di talaga siya nag-iingat.
Mas matulungin ka kaysa sa 'kin.
Puwede ko 'yong sabihin. Pero ang totoo, pakialamero ka lang talaga.
Pero ayos na rin,
sinagot kita dahil sa ugali mong 'yon.
Pero parang may iba kasi ngayon.
Hindi ba masyado kang malapit sa babaeng 'yon?
-Ako? -Oo.
Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na 'to.
Selos?
Sus, masyadong grabe 'yon.
Palakaibigan…
'yon ang pinakamalapit na salita.
Masyado ngang grabe ang salitang selos.
Wala 'yon. Ano lang…
Sabihin na lang natin na palakaibigan.
Hindi.
Masyado namang mababaw.
Sabihin na lang nating naaawa.
Bahala ka. Isipin mo kung ano'ng gusto mong isipin.
'Yong sinabi mo kanina,
"Sinagot kita"?
"Sinagot"?
Alam kong ako ang unang nagkagusto, pero sinamantala mo naman ata?
Hindi mo alam?
May power dynamics ang mga relasyon.
Mas gusto mo 'ko kaya mas mataas ako sa 'yo.
Ang…
Ma'am.
Nandito ka na pala.
Wala akong masyadong alam sa art schools,
kaya hindi ko alam kung pa'no kita matutulungan.
May plano ba ang mama mo kung paano ka niya tutulungan?
Ang mama ko po?
Noong naghahanda ka para sa med school,
sa sobrang dami niyang alam, puwede na siyang college counselor.
Wala po siyang gaanong alam sa mga art school admissions.
At ngayon,
wala po siyang oras dahil sa trabaho niya.
Sandali lang, Professor.
May dumi kayo sa buhok.
Dito.
Salamat.
O, anak.
May problema ba?
Tama ba ang narinig ko?
"Anak"?
May anak siya?
Gumagaling na ang sugat mo.
Mukhang makakalabas na po kayo ngayong linggo.
-Hay, salamat naman. Salamat, Dok. -Wala po 'yon.
-Bukas na lang uli. -Sandali lang.
Heto.
Ginawa ko 'to gamit ang tanim naming mansanas.
Inumin n'yo 'yan.
-Salamat. -Sige.
Grabe, 'di ba?
Heto, regalo.
Gawa ang apple juice na 'to sa mansanas na puno ng pagmamahal at alaga.
Pinaghirapan 'yan, kaya 'wag n'yo 'yang sasayangin.
-Salamat po. -Salamat po.
Ano'ng nakakatawa?
Professor, naaalala n'yo 'yong matandang resident?
'Yong nakisabay sa 'yo pagkatapos ng dinner party.
-Si Dr. Cha Jeong-suk? -Oo.
Nakuryente siya, hinawakan niya kasi ang pasyente habang sini-CPR.
Grabe, 'di ba?
Kumusta na siya? Ayos lang ba siya?
Nasaktan ba siya?
Oo, sabi nila nagtatrabaho na ulit siya.
Saka, dapat lang na magpanggap ang first-years na ayos lang sila
kahit hindi naman talaga.
Mabuti naman.
Pero nakakatawa ba 'yon?
DR. CHA, NABALITAAN KO ANG NANGYARI…
Magpapaopera ka na po?
Oo.
-Hindi na po kayo pupunta sa US? -Ayokong pumunta do'n.
Dito ako magpapaopera.
Naniniwala ako sa 'yo.
Kahit na wala po akong masyadong magagawa sa operasyon n'yo,
masasabi ko pong tama ang desisyon n'yo, Chairman Oh.
Gagawin po namin lahat.
Ayos ka lang ba?
Hinimatay ka habang nililigtas ako.
Sino po'ng nagsabi sa 'yo?
Nakita ko.
Pero nakahinto po ang puso n'yo noon.
Sabihin nating may naranasan akong kakaiba
na hindi ko inaakalang mangyayari sa 'kin.
Paulit-ulit niyang sinasabi na gusto na niyang lumabas.
Hanggang sa huli, nakakaabala siya.
Talaga naman, 'no?
E 'di, hindi na siya makakapunta sa US tulad ng gusto niya?
Hinimatay na lang siya bigla.
Akala mo ba nakalimutan ko ang birthday ni Eun-bi?
Ano'ng gusto mong gawin ko?
Gusto mo bang iwan ko ang matandang 'yon?
Papatayin niya 'ko.
Puwedeng bang hayaan mo na…
Ngayon lang naman, hindi naman madalas.
Sige na!
"Matanda"?
Ang ganda ng panahon ngayon.
Dapat naggo-golf ako ngayon e.
Hindi ka ba nag-aalala sa tatay mo?
May rason kung bakit "phoenix" ang tawag sa matandang 'yon.
Siguradong babalik siya tulad ng isang phoenix.
Sa sobrang pagmamahal niya sa pera niya, hindi 'yon basta aalis.
'Di ba gusto mo na rin naman siyang mawala?
Hoy, ano'ng akala mo sa 'kin?
Aanhin ko 'yon?
Sa 'kin din naman mapupunta lahat.
Tarantado kang bata ka!
Buwisit ka.
Nasa'n siya?
I-charge sa 200J
I-charge sa 200j
Isa, dalawa, kinukuryente na.
Hindi ko alam kung naranasan ko ba ang kabilang buhay,
o nakalabas ako sa sarili kong katawan.
Basta,
noong nakita ko ang kamatayan
naisip kong kailangan ko pang mabuhay.
Kahit na gaano pa kagulo ang buhay, mas ayos na buhay ka kaysa patay na.
Kapag namatay ako, ako lang ang mawawalan.
Dr. Cha.
I-schedule mo na ang operasyon.
Sige po, Chairman Oh.
Naiintindihan ko po kayo, bilang muntik na ring mamatay.
Dapat lumaban ka hanggang huli at gawin mo lahat ng gusto mo.
-Para wala kang pagsisihan. -Gano'n nga.
-Hala. Ayos lang po kayo? -Ayos lang ako.
Tinakot n'yo po ako. Chairman Oh, mag-ingat po kayo.
Ayos lang ako.
Alam n'yo po ba na may dalawa akong pasyente na matigas ang ulo?
Paulit-ulit nilang sinasabi na ayaw nilang magpagamot.
Pero ngayon, magpapaopera na po ang isa sa kanila.
Grabe 'yong iyak niya no'ng nalaman niya ang kondisyon niya.
Naawa ako sa kaniya.
Pero magaan na po ang loob ko ngayon.
No'ng una kong malaman ang lagay ko,
umiyak din ako.
Kasi sobra akong nagpapasalamat.
Para 'tong isang regalo…
dahil hindi ko kayang patayin ang sarili ko.
Ang lakas ng loob kong pumatay ng iba,
pero hindi ko kayang patayin ang sarili ko.
Sabi n'yo po hindi n'yo kaya,
pero paano n'yo po 'yon nagawa?
-Dok. -Bakit?
Puwede n'yo ba 'kong bigyan ng gamot sa lagnat?
May sakit ka ba?
Masama po ang pakiramdam ko.
Namatayan po kasi 'yong kapalitan ko, kaya ako pa rin ang nandito.
Naku, mahirap magbigay ng gamot habang nasa ward.
Pero susubukan kong bigyan ka.
No comments yet. Be the first to leave one.