نخستین 200 خط.
Mayroon nga bang
kapalarang itinakda?
Kung mayroon man,
imposible bang
matakasan natin ang kapalarang 'yon…
na kusang umuulit?
EPISODE 12 THE SAVIOR OF DESTRUCTION
Magandang umaga po, Senyorito.
Ang ganda po ng araw ngayon, Senyorito Yi-sun.
- Magandang umaga po, Senyorito. - Magandang umaga po, Senyorito.
Senyorito!
Dati akong tao.
Sapat na ang presensiya ko
upang makuha ang pagmamahal at paggalang ng buong nayon.
Gano'n ako kaespesyal.
Senyorito!
Senyorito Yi-sun!
Puwede bang 'wag kang sumigaw?
'Wag mong tawagin ang pangalan ko. Nakakawala ng dating.
Parating na ang guro n'yo. Di kayo puwedeng umalis ngayon.
Magagalit ang inyong ama pag nalaman niya.
Sasaya ang lahat kung mananahimik ka.
Hindi tumitikom ang bibig ko.
Ganito na talaga 'to.
Basta, hindi kayo puwedeng umalis.
Kung aalis kayo,
'wag n'yo akong apakan kasi masakit, pero puwede n'yo akong hakbangan.
Pambihira talaga!
E di mas mabuti.
Tahimik kong mapagmamasdan ang tanawin.
Grabe, hinakbangan nga niya ako.
Tumakas kayo nang hindi nagsasabi sa 'kin!
Wala po akong kaalam-alam!
Napakatigas ng ulo niya, 'no?
Malapit lang dito ang pinakamagandang puwesto, e.
Sandali!
Ang lamig!
Pasensiya na sa pang-aabala.
Nagpunta ako rito para magpahinga sa aking pag-aaral.
'Wag kang matakot.
Hindi ako masamang tao. Ako si…
Seo Yi-sun.
Kilalang-kilala ka nang lahat dito sa nayon.
Kung gano'n, sikat pala ako sa nayong ito.
Gayumpaman,
ngayon lang yata kita nakita.
Taga-ibang nayon ka siguro.
Dahil imposibleng hindi ko makilala ang isang magandang tulad…
Ang ibig kong sabihin,
masyado akong abala sa pag-aaral para makipag-usap sa mga babae.
Oo, 'yon nga.
Gano'n ba?
Pero hindi 'yon ang bali-balita.
Ano'ng mga bali-balita?
Ikaw ang nag-iisang anak mula sa isang maharlikang pamilya.
Pabaya ka sa pag-aaral,
pero hindi ka na dinidisiplina ng iyong ama
magmula nang pumanaw nang maaga ang iyong ina dahil sa sakit.
At dahil do'n, nakilala ka
bilang pinakapabayang tao sa mundo.
Mukhang
napaka-interesado mo sa 'kin.
Marami kang alam tungkol sa 'kin,
pero wala akong alam tungkol sa 'yo.
Ano'ng pangalan mo?
Senyorito!
Senyo…
Senyorito Yi-sun!
Paano n'yo nagawang iwan ako nang…
Sandali lang!
Bakit ganiyan ka makatingin sa 'kin?
May bago na naman kayong dahilan para pabayaan ang inyong pag-aaral.
- Pag nagtuon ako sa pag-aaral… - Gayumpaman,
talaga nga palang maganda siya.
Kilala mo siya?
Opo.
Kaninong maharlikang pamilya siya nanggaling?
Hindi siya galing sa maharlikang pamilya.
Isa siyang tagapagtanghal ng pamahalaan na kalilipat lang dito mula Hanyang.
Tagapagtanghal?
Sikat daw siya sa Hanyang dahil sa galing niya sa pagsasayaw at talino.
Ewan ko kung bakit siya lumipat sa maliit na nayong ito.
Para ba makilala ako?
Ano nga ulit ang pangalan niya?
Ano'ng pangalan niya?
- Uminom po kayo, panginoon. - Sige na po, panginoon.
- Sige na nga. - Ang ganda mo ngayon.
Ako po si Wolsim.
Ano?
Pambihira naman!
Mayabang daw talaga 'yan kahit no'ng nasa Hanyang pa.
Walang modo ang babaeng 'yon.
Wolsim.
'Yon pala ang pangalan niya.
Paumanhin.
Nagpunta ako no'ng isang araw dahil gusto kitang makita.
Paumanhin kung naging bastos ako.
Paano ka naging bastos?
Hindi ko alam, pero…
'Wag kang humingi ng tawad kung di mo alam ang dahilan.
Sandali…
Senyorito!
Alam kong mas gusto n'yong matulog kaysa kumain,
pero paminsan-minsan, 'wag kayong tamarin,
makakasama 'yan sa kalusugan n'yo.
Sino kayo?
Tulog ka pa ba?
Matagal mo na akong pinagsisilbihan.
Pero hindi kayo gumigising nang ganito kaaga.
- Ano'ng nangyari? - Seok.
Simula ngayon, pagtutuunan ko na ng pansin ang pag-aaral ko.
Bakit po?
Ito ang tunay na ako.
Ikukuha ko kayo ng gamot.
"Nagtanong si Xu Fan tungkol sa kabutihan."
"Ayon kay Confucius, ang ibig sabihin, mahalin ang inyong kapwa."
Ano'ng ginagawa mo?
Binibini!
Pagkakataon nga naman!
Talaga ba?
Binabasa ko ang The Great Learning habang pinakikinggan ang talon.
Pinagmamasdan ko ang kalikasan habang nag-aaral.
Siguro 'yon din ang ipinunta mo rito,
kaso hindi tayo puwedeng makitang magkasama.
Mas mabuti pa kung doon ka na lang pumuwesto.
Nauna na ako rito.
"Nagtanong si Xu Fan tungkol sa karunungan."
"Ayon kay Confucius, ang ibig sabihin, unawain ang inyong kapwa."
MGA KASABIHAN SA GREAT LEARNING
Ano, dito ka na ba nakatira?
Mas nakakapag-aral ako nang maayos pag nandito ako.
Parang hindi ka naman nag-aaral,
kung ako ang tatanungin.
"Kapag mali ang dahilan, hindi masusunod ang kautusan."
"Kapag hindi nasunod ang utos, hindi matatapos ang trabaho."
Kamangha-mangha!
'Wag kang mag-alala.
Ako na ang kukuha.
Pero mapanganib.
Ilang taon akong nagsanay sa espadahan, pamamana, at paninibat
para palakasin ang isip at katawan ko.
Sisiw lang 'to…
Sisiw lang 'to sa akin.
Babalik ako.
Pero…
'Wag kang mag-alala.
Senyorito!
Senyorito!
Tumigil ka!
Hintayin mo ako!
Senyorito!
Senyorito!
Senyorito Yi-sun!
Senyorito!
Senyorito Yi-sun!
Nahanap ko na!
Ako, si Seo Yi-sun, ang nakahanap!
Binibini.
Ito na ang sapatos mo, binibini.
Nahanap ko na.
Ano bang pumasok sa isip mo?
Para lang sa sapatos?
Papaano kung may nangyaring masama sa 'yo?
Nag-alala ka ba
para sa 'kin?
Bakit naman ako mag-aalala sa 'yo?
'Wag mo nang uulitin 'yon, ha?
Ayos ka lang ba?
Ilang taon akong nagsanay sa espadahan, pamamana, at paninibat…
Akin na 'yan.
Hindi, ako na.
Patuyuin mo muna ang damit mo.
Hindi na, malapit na 'to.
Wala nang hihigit pa sa init ng katawan ng isang tao.
Masusunog na 'yong sapatos ko.
Ano ba?
Giniginaw ako.
Ano ang hitsura ng Hanyang?
Sa tingin ko, mas malaki at mas masaya roon kaysa rito.
Mas malaki siya, mas maraming tao, at di hamak na mas maingay.
Paano ka napadpad dito?
Pasensiya na sa pagiging usisero ko.
Tumanggi akong sumayaw para sa isang mataas na opisyal.
Alam kong isang hamak na tagapagtanghal lang ako,
pero hindi ko magawang igalaw kahit ang mga daliri ko
kapag ayaw kong sumayaw.
Matapos kong tanggihan ang hiling ng isang makapangyarihang tao,
ang laki ng pasasalamat ko dahil buhay pa rin ako.
Siguradong may dahilan ka…
kung bakit hindi mo nagawang sumayaw noon.
Daig ko pa ang isang mataas na opisyal dahil araw-araw kitang napapanood.
Di ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo.
Nakabawi ka na sa 'kin.
Talaga?
May alitaptap.
Mahal kita, Wolsim.
Akala ko kasi gano'n din ang nararamdaman mo.
Oras na para gumising mula sa panaginip na 'to.
Ang pinaka walang-kuwentang emosyon ng tao
ay ang pag-ibig.
No comments yet. Be the first to leave one.