نخستین 200 خط.
NOONG 1905, LUMAGDA ANG IMPERYONG KOREANO SA SAPILITANG KASUNDUAN SA JAPAN.
BUMUO ANG MGA KOREANO NG MGA HUKBONG MATUWID.
DAHIL SA KAMPANYA NG PAGLIPOL SA HUKBO NG JAPAN,
UMATRAS ANG MGA SUNDALO SA MANCHURIA AT YEONHAEJU.
Magmula ngayon, dapat sumunod at tumalima kayo sa Imperyong Hapon!
GYEONGSEONG, OKTUBRE 1915
Magtiwala kayo sa Gobyerno-Heneral at Kumpanya ng Pagsulong ng Silangan!
Dagdag!
Sa ngalan ng pagkakapantay-pantay, dapat iulat at ideklara n'yo ang inyong lupain!
At legal n'yong tatamasahin ang inyong mga karapatan bilang mga may-ari ng lupa.
Tabi, pakiusap! Tabi!
Yayaman kayong lahat!
Manong!
Nandito na.
Nandito siya.
Ang taong hinahanap mo.
TAEPYEONG-DONG, 18-JEONG, 30-RI NAYON NG MYEONGJEONG, HILAGANG GANDO
Mamatay ka!
Tenyente Lee.
Hinihintay ka ni Major Miura. Maghanda ka na, sir.
Mahalagang okasyon 'to para sa 'yo,
at inutusan akong siguraduhing dadalo ka.
A, kailangan mong suotin ang uniporme mo.
Ang taong gusto kong ipakilala sa inyo,
gaya ng alam na ng ilan sa inyo,
ay dati kong alipin.
Kung walang tulong ng Dakilang Imperyo ng Japan,
mananatili siyang walang pangalang alipin habambuhay.
Di ko siya magiging pinakamalapit na kaibigan,
kasamahan at kapatid.
Isa siyang bayaning lumipol sa Russian artillery sa Sapyeong
at tunay na makabayang sumupil
sa mga nagkakagulong tao no'ng Kampanya ng Paglipol sa Hukbo.
Salubungin n'yo ng masigabong palakpakan si Ikalawang Tenyente Lee Yoon.
"Wag nang uulitin 'yon?"
Nahirapan akong ayusin ang piging na 'yon,
samantalang nagpapakalasing ka?
Anim na taon na.
Anim na taon na kitang hinihintay.
Hindi ko sinabing babalik ako sa hukbo.
Paano mo nasasabi sa 'kin 'yan?
Aalis ako bukas.
May dapat akong kitain.
Baka di na ako makabalik.
Ano ba 'yang sinasabi mo?
Anong baka hindi ka na babalik?
Biro ba ako sa 'yo?
Ano? Dahil pinalaya kita at kinaibigan pa kita?
Magdahan-dahan ka.
Dati mo akong master.
Kung di dahil sa 'kin, wala ka dito ngayon, tanga!
Ako ang nagsunog ng mga dokumento ng pagka-alipin mo no'ng 1894.
Ginawa kitang sundalo,
bayani sa digmaan, at tinulungan kitang makiugnay, inutil!
Ang pinakabatang major na tubong Joseon sa Hukbong Hapon, si Shohei Miura.
Sino'ng nagbigay sa 'yo no'n?
Sapat na ang nagawa ko.
-Kaya pakawalan mo na ako. -Ano? Pakawalan ka?
Sandali, dahil…
Dahil ba 'to sa insidente sa Gurye, anim na taon na ang nakalipas?
Sumusunod lang tayo sa utos no'n.
Paulit-ulit kong sinabing wala akong magagawa!
Buwisit.
Dapat pinatay na kita no'ng araw na 'yon.
Bakit napakaingay mo?
Hindi kami makapag-usap!
Hindi puwede 'to.
Tumayo ka muna. May baril ka ba?
Hawakan mo 'to. Hawakan mo 'to at tumayo ka diyan, ha?
Para mapasabog ko ang lintik na ulo mo.
Papatayin mo ako at aalis ka o mamamatay ka dito. Tapusin na natin 'to.
Ano'ng problema? Natatakot ka bang babarilin ulit kita?
Kung natatakot ka, wag kang umalis. Manatili ka sa tabi ko, buwisit!
Iba na ngayon.
Noon, wala akong dahilan para mabuhay.
Pero mayroon na ngayon.
Dapat ba nating pagpasyahan na ang tadhana?
Firsty, asungot ka.
Wala tayo dito kung pinatay mo ako no'n.
Dapat no'n pa 'to,
pero ako, si Firsty, ay nagpapasalamat sa pagpapalaya mo, Master.
Hoy, Lee Yoon. Tumigil ka.
Lee Yoon!
Major, wag!
Bitiw! Bitiwan n'yo ako!
Lee Yoon! Hoy!
GYEONGSEONG
WONSAN
CHŎNGJIN
HOERYŎNG, MYEONGJEONG
Yoon!
Ang laki mo na, bunso!
Aba naman, Seon-bok. Maganda nga ang pera.
Pera lang ang paraan para igalang ang aliping babae.
Iginagalang ka ba?
Oo naman!
Masyado ko silang pinahirapan. Tinatawag na nila akong bruha.
Bruha na ang aliping babae!
Malamang pagod ka.
Pumasok ka.
Naku, pumunta ka kaagad dito.
Sandali, anim na taon
mo bang hinintay ang sulat ko?
Malamang nahirapan kang hanapin siya. Salamat.
Hindi naman. Di mo kailangang magpasalamat.
Pero pinayagan ka ba ni Master na payapang umalis?
Pinagbantaan ko siya.
-Papatayin ko siya pag pinigilan ako. -Dapat pinatay mo siya.
Naaalala mo ba 'yong binugbog niya ako?
Dahil lang di ko napainit 'yong kuwarto?
Bastos ang tarantadong batang 'yon.
Masakit ang likod ko hanggang ngayon. Kahit marami na akong kinitang pera,
tanda pa ng katawan ko ang kahirapan.
Buwisit.
Naku, nahuli na naman ang mga asungot na 'yon.
Bakit mo pa ipaglalaban ang kalayaan kung mapapatay ka lang nang ganiyan?
Gawa ng mga Hapon?
Di ko alam kung mga Hapon o nakakabayong bandido.
-Bakit sila papatayin ng bandido? -Para sa pera.
Dito, di tao ang mga mandirigma. Pera sila.
Wag mong isiping magkatulad ang Gando at Gyeongseong.
Sinakop na ng Japan ang Gyeongseong.
Pero dito, kahit gustong-gusto nilang lahat 'to,
wala pa talagang sumasakop.
Walang malinaw na master.
Lupain ng Tsino, pera ng Hapon, at mga mamamayan ng Joseon.
Sino sa tingin mo ang sasakop sa lugar na 'to?
Ano ba 'yon?
Yoon. Heto.
Dalhin mo 'to lagi. Hindi biro ang alikabok dito.
Natapos na. Tara na.
-'Yon na ba ang nayon? -Oo.
Ang Myeongjeong, pinakamagandang lungsod sa Hilagang Gando.
Napakaganda, 'no?
NAYON NG MYEONGJEONG
Dalawang mami nga dito.
Maupo ka. Masarap ang mami dito.
-Wala gaanong tindahan ng tubong Joseon. -Walang may pera para magbukas.
Ako ang pinakamayamang tubong Joseon dito.
Kumita ka ba do'n?
Naku. Hindi, hindi ako gaanong kumikita diyan.
Nagbebenta ako ng baril.
Maraming labanan sa paligid.
Kung inatake ng hukbo ng kalayaan ang tropang Hapon,
kukunin nila ang mga armas dahil maibebenta 'yon.
Mura kong bibilhin, at mahal kong ibebenta sa mga Tsinong warlord.
Pag gipit, nagbebenta ako sa mga bandido.
Ibinebenta ko kahit saan.
Salamat.
Sige, kumain na tayo. Heto.
Siya nga pala,
paano mo balak tumira dito?
Hahanapin mo ang tao,
pero paano mo balak maghanapbuhay?
-Di ako pumarito para mabuhay. -Ano'ng sinasabi mo?
Ano, pumarito ka para mamatay?
Sino ba 'yan?
Wag mong gawin 'to. Wag!
Ano 'yon?
Puta, ito na naman. Kumakain ako dito.
Hoy, tumayo ka na.
Walang magandang idudulot ang pakikialam. Mas mabuting umiwas.
Paalam. Tara na, tumayo ka na!
Sandali lang.
Yoon!
Lintik. Takot na takot ako!
Bakit ka nakatayo do'n at nakatitig sa kanila?
Sino siya?
Si Jang Ki-ryong. Nakakabayong bandido siya.
Mga tauhan ni Nodeoksan 'yong mga patay ro'n.
Walang tigil ang pag-aagawan nila sa mga merkado sa Myeongjeong at Gando.
-Punyeta. -Ano'ng ginagawa ng pulisya?
Naku, ang mga tangang 'yon ay…
Ayan na sila.
Nakikita mo ba 'yong nasa harapan?
Superintendent Ōoka ng konsulado. Siya ang namamahala sa sentro.
Ang pinakamasahol na putang ina.
Linisin mo 'to.
Aalisin lang nila? Di nila huhulihin ang pumatay?
Hindi kapag si Jang Ki-ryong ang pumatay,
ang pinakamahusay na bandido sa Hilagang Gando sa pagpatay sa mga mandirigma.
Hay, buwisit.
Pikit-mata sila dahil pinapatay niya ang mga mandirigma?
-Laging tubong Joseon ang namamatay. -Pero di na gano'n kasama ngayon.
Hindi magtatagal, dadanak ang dugo.
May balitang darating na ang Hukbong Hapon.
Sasakupin nila ang Manchuria at Gando.
Diyos ko. Sa pagwawala ng mga nakakabayong bandido, pulisya,
at Hukbong Hapon, isipin mo ang mangyayari sa 'tin at sa mga hukbo ng kalayaan.
Kaya, Yoon,
mag-ingat ka sa mga mandirigma ng kalayaa't lumayo ka sa tubong Joseon.
Walang bansang magtatanggol sa 'tin.
Kaya kailangan nating ingatan ang sarili natin.
Sunugin mo.
Tara na.
Tara na!
Yoon.
Aalis ka na?
Di ako makatulog, kaya maaga akong aalis. Ba't gising ka na?
May mga tangang nagbabarilan kagabi, at nagising ako.
No comments yet. Be the first to leave one.