نخستین 200 خط.
Ipagtanggol Ninyo kami sa laban.
Protektahan Ninyo kami
mula sa kasamaan at panunukso ni Satanas.
Ihagis Ninyo sa impiyerno
si Satanas at mga masasamang espiritu
Magtiwala ka sa awa ng Panginoon
at ikumpisal nang tapat ang iyong mga kasalanan. Amen.
Amen.
Nakita ko…
ang diyablo.
Nabulag ako ng kasakiman ko,
hindi ako huminto
na para bang sinasapian ako ng diyablo.
At may nagtangkang pahintuin ako.
Sabi niya
ibubunyag niya…
ang mga kasalanan ko sa mundo.
Inakala kong
sinusubukan niya akong pabagsakin
dahil sa inggit…
EPISODE 13 THE PAST, THE ORIGINAL SIN
Nagustuhan ko talaga ang palabas.
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nahuhumaling ka sa tradisyon.
Noong tao ka pa…
Seo Yi-sun.
'Yon ang pangalan ko.
Seo Yi-sun.
Gusto ko 'yon.
Ano'ng nangyari sa kaniya sa huli?
Nagpakamatay siya.
Ginawa niya 'yon
para hindi siya mapunta sa langit.
Ayaw rin naman talaga niya.
At di rin siya nararapat doon.
Naaawa ako sa kaniya.
Nga pala, nagsinungaling ka sa 'kin.
Sabi mo hindi masaya o malungkot na katapusan 'yon
kundi isang pangkaraniwan at walang kuwentang katapusan.
Sa pagkakataong ito,
sisikapin kong maging masaya ang katapusan.
Alitaptap?
Oo.
Ang muli nating pagsasama
matapos ang mahabang panahon
ay maaaring
pangalawang pagkakataon ko.
Sa pagkakataong 'to,
hinding-hindi na kita gagawing miserable.
Bakit nandito ka sa labas?
Kailangan ko ng kapayapaan at katahimikan paminsan-minsan.
Nagiging payapa ka sa panonood sa mga tao?
Puwede ka nitong saktan
at bigyan ng kapayapaan.
May kaniya-kaniya tayong pananaw sa buhay.
Ayokong maulit kay Do-hee ang masalimuot na nangyari noon.
Ano'ng gagawin ko?
Hinihingan mo ba 'ko ng tulong?
Hindi, di mo rin naman ako tutulungan.
Tinatanong ko lang…
ang opinyon mo.
Hindi matatawag na sakuna
kung maiiwasan 'yon.
Hindi ka talaga nakakatulong.
Akala ko ba di mo kailangan ang tulong ko.
Walang silbi ang kasiyahan kung walang sakuna.
Di pahahalagahan ng mga tao ang kasiyahan kung palagi nilang nararamdaman 'yon
Kung magsalita ka parang may halaga ang sakuna.
Pero napakawalang kuwenta n'on.
Masyadong maiksi ang buhay ng tao,
kahit pa puno 'yon ng kasiyahan.
Minsan,
nakakalason ang kasiyahan.
Gising na, Do-hee.
Sandali lang.
Kumain tayo ng lutong bahay gaya ng gusto mo.
Lutong bahay?
Nasaan na 'yong lutong bahay?
Pumikit ka muna sandali.
Sandali lang.
Ano 'yan?
Naaalala mo na gusto ko ang lutong bahay.
Siyempre naman.
Di ko nakakalimutan ang anumang sinasabi mo.
Asawa ko.
Mukhang masarap.
- Kain na tayo? - Sige.
Pero bago 'yon, uminom ka muna ng tubig.
Teka lang. Magsisipilyo muna ako.
Babalik ako agad. 'Wag kang kakain nang wala ako.
Hintayin mo 'ko!
Pero sige, inumin mo na ang tubig!
Disyembre na pala.
Ang bilis ng panahon.
Mula no'ng blind date hanggang sa kasal…
Parang napakatagal na no'n.
Oo nga.
Maraming nangyari sa taong 'to.
Kung iisipin mo,
ito ang magiging unang Pasko natin nang magkasama.
Oo nga pala, ayaw mo sa Pasko.
Di 'yan totoo.
Gusto ko na 'yon ngayon.
Gusto ko ang kahit anong gusto mo.
Di na 'ko makapaghintay sa unang Pasko natin.
Oras na para magpatugtog ng kantang Pamasko.
Bakit napaka-traffic?
Baka may aksidente.
Do-hee.
Ano?
Ano nga ang pinag-uusapan natin?
Pasko.
Oo nga.
Pasko.
Iba na lang ang pakinggan natin.
Salamat.
Inumin mo.
Ayos 'yan para sa ganitong oras.
Nagising ako agad ro'n.
Bago 'to, a.
Nagulat akong gusto mo 'kong makita.
Ikaw kasi ang mas nakakakilala kay Do Do-hee higit kanino man.
May nangyari ba sa kaniya?
May nakita kaming aksidente nang papasok kami.
Tingin ko
pinaalala n'on ang aksidente ng mga magulang niya.
Gusto ko siyang pasayahin sa lahat ng oras,
pero parang palagi siyang…
nakokonsiyensiya sa pagiging masaya.
Baka dahil sa pagsisisi
o pagkabalisa 'yon.
Sabi niya dati
na ang ilang taon na nakasama niya ang mga magulang niya
bago sila pumanaw
ang pinakamasasayang araw ng buhay niya.
Naging miserable ang buhay niya sa panahong pinakamasaya siya.
Kaya siguro natatakot siyang maging masaya.
Tumira ba agad siya kay Ju Cheon-suk pagkatapos ng aksidente?
Hindi, nagpalipat-lipat siya ng bahay sa mga kamag-anak niya.
Kukunin siya ng mga kamag-anak niya para sa mana at pera sa insurance,
pero iiwanan lang din pag naubos na ang pera.
No'ng una ko siyang makilala,
para siyang porcupine.
Napakailap niya sa lahat,
kasi iniisip niyang baka maiwan na naman siya.
Si Tita Cheon-suk ang nag-iisang nakapagbukas ng puso niya,
pero nawala rin ito sa kaniya.
Kahit papaano naging abala si Do-hee sa paghuli sa pumatay kay Tita Cheon-suk.
Pero mukhang nabuksan muli…
ang dating sugat nito.
Pasok.
Oras na para sa miting.
Sige.
Nagpaplano kami ng promotional event
para mas makilala
ang bagong produkto ng Mirae F&B
at makaakit tayo ng mga mamimili.
- Ms. Choi? - A, oo.
Tungkol do'n sa lugar,
naiisip naming gawin sa mga gym, marathon, university festival, at iba pa.
May iba pa?
Pangkaraniwan na ang mga 'yan.
Gusto ko sa lugar na bago at uso.
E kung
sa Sunwol Theater?
'Yong pinamamahalaan ni Director Jeong?
Narinig n'yo na ba 'yong "mga usong tradisyon"?
Sikat na sikat ngayon ang tradisyonal na kultura.
Pinag-uusupan din ng lahat ang pagsayaw ni Ms. Jin.
Hindi yata magandang idea 'yan.
Sino ba si Ms. Jin?
Siya 'yong pumunta rito
no'ng muntik nang mamatay si Mr. Jeong.
Niyakap pa nga niya ito sa harap nang lahat.
Sinabi mo pa nga no'n,
na mas masaya 'yon kaysa sa Love and War, tanda mo?
Ano'ng pinagsasabi mo? Di ko sinabi 'yon.
Pasensiya na.
Gusto ko 'yon.
Makipagtrabaho tayo sa Sunwol Theater.
- Ms. Do. - Ano?
Si Ms. Shin na ang bahala ro'n.
Sige po.
- Ms. Do. - Ano?
Naging miserable ang buhay niya sa panahong pinakamasaya siya.
Kaya siguro natatakot siyang maging masaya.
- Gu-won! - Uy.
Ayos lang ba kung gaganapin ang promotional event
ng bagong produkto ng kompanya sa Sunwol Theater?
Kahit anong gusto mo, Do-hee.
'Wag mong sabihin 'yan.
Pormal kitang inaalok,
kaya sana pag-isipan mo 'to bilang Executive Director.
Kung gano'n, pormal kong tinatanggap 'yon.
Sige.
Ngayon, magpapadala ang marketing team ng kompanya
ng isang proposal.
Ito 'yon.
- Tingnan mo. - Sige.
Ipapaliwanag ko muna sa 'yo.
Titingnan namin ang schedule ng palabas at magpapasiya ng petsa…
No comments yet. Be the first to leave one.