نخستین 200 خط.
TAHANAN
Hindi ko mapigilang isipin ka.
Kung kamusta ka na, ano ang ginagawa mo.
At sa totoo lang, hindi ko alam kung gugustuhin kong okey ka.
Pero natutuwa akong sumagot ka sa akin.
Hindi ko alam kung nasa Hong Kong ka pa rin, o...
Babalik na kami ni Clarke sa States. Kailangan na,
para sa mga anak namin.
Kailangan nilang mabuhay.
Siguro... kailangan naming lahat mabuhay.
Pati ikaw.
Ano?
Kantahin mo.
- Hindi ko ito alam. - Kailangan alam mo.
Alam mo, mas naramdaman ko ang pagiging Koreana ko rito sa Hong Kong.
Iyan ang sinasabi ng mga kaibigan mo tungkol sa akin.
"Kasintahan ito ni Charly, Koreana siya."
Sa tingin nila astig ito.
Ang pagiging Korean at Korean-American
magkaiba, 'di ba?
Kahit papaano may alam ka tungkol sa Korea, 'di ba?
Narinig mo na ba ang tungkol sa mga nagpoprotesta?
Lee Han-yeol at Park Jong-chul?
Inspirasyon sila.
Hindi ko alam. Sobrang layo ng Queens sa South Korea.
Gusto ka lang nila makilala.
Sa States, makikilala iyon bilang pag-aaklas.
Napakasensitibo niyong mga Amerikano.
Napakasensitibo ko?
Gusto n'yo ba ng tubig?
- Oo. - Dumating na ang mga bagong gamit natin.
- Salamat. - Aalis na ako. Kakausapin ko pa si boss.
Kailangan mo ba talagang umalis?
Matagal na akong hindi nakakapagtrabaho kaya medyo kakaiba.
At ginagawa akong mahirap.
Mamaya na ulit.
Tama na.
Buwan ang bibilangin hanggang marinig ang hiling natin.
At inaasahan mo ba na may darating na resolusyon sa Occupy Movement?
Wala akong karapatan para magsalita.
Pwede bang ikwento mo ang pag-aresto?
Palaging may personal na sakripisyo kung saan may taong kailangang tumindig.
Pinakaresponsable ang henerasyon natin sa sandaling ito.
Dapat tayong lumaban...
Mercy!
Mercy!
Halika.
Natanggap ko ang mensahe. Okey ba rito?
Wala akong panahong arugain ka, didiretso ako sa punto.
May reklamo sa'yo.
Iyong lalaki sa Tregunter party?
Hinipuan niya ako habang nagsisilbi ako ng pagkain.
Dapat kasuhan ko siya.
Para lumabas ang katotohanan.
Katotohanan.
Tumawag ang kliyente at sinabing may nawawalang pera ang bisita.
Malinaw ang deskripsyon niya sa'yo.
Malinaw na ano? Anong sinabi niya?
Kilala ka niya.
Ano? Paano?
Masuwerte ka't hindi siya magsasampa ng kaso.
Pero inosente ako.
Hindi ito patas. Ano ang gagawin ko sa pera?
Halos nababayaran ko lang ang renta.
Ilang linggo nalang darating na ang nanay ko, at natatakot ako.
Gusto ko na may magandang balita kapag nakita ko siya.
At hindi kailanman.
Minsan naghahanap ako sa mga balita ng mga kwento
tungkol sa mga mamamatay tao o mga batang nalalaglag sa bintana
pagkatapos iwang mag-isa ng kanilang ina,
o sa babaeng nag-aalaga ng chimpanzee
at pinakalma ito bago dumating ang kaibigan,
pero iba ang epekto ng gamot sa unggoy
at pinunit ang mukha ng kaibigan.
Siguro gumagaan ang loob ko
kapag kaguluhan ang nababasa ko,
tungkol sa masasamang pangyayari sa paligid natin.
Para pwede magkunwari na okey lang ang buhay ko.
Hindi gaanong masama ang ginawa ko.
Siguro para hindi ako masyadong nag-iisa.
Natutuwa ako na okey lang ang boss mo.
Sigurado kang ayaw mo?
Sige.
Uubusin ko ito.
Parang ang lakas mong kumain.
Hindi kaya.
Ang ganda, nagustuhan ko.
Sobrang payat mo dati.
Ibig sabihin masaya ka.
Maligo kaya muna tayo?
Hoy.
Hoy, Mercy. Mercy.
David? Anong ginagawa mo rito?
Gusto kitang kausapin.
Pwedeng mag-usap tayo?
Anong nangyayari?
Sinasabi niyang umalis na siya.
Sa tingin ko hindi ka niya gusto.
Pasensya, ako nga pala si David.
Charly.
Tumatawag ako, at...
Pasensya, pwede bang mauna ka na?
- Oo, sige. - Susunod na lang ako.
Sige.
Alam kong kailangan pa nating pag-isipan.
Kailangan kong malaman ang iniisip mo.
Wala ka namang pakialam dati.
Parang ayaw mong makialam sa nangyayari sa akin.
Alam ko. Wala ako sa katinuan dati. Pasensya na.
Ngayon ko lang napagtanto na regalo ito.
- Regalo? - Oo, ang sanggol.
O may ginawa ka na...
O, Diyos ko. Ginawa mo na ba?
- Ang alin? - Ano?
Hindi, hindi ko ginawa?
Nagdesisyon kang alagaan na lang?
Hindi ko alam.
Mercy, medyo huli na. Ano ka na, apat, limang buwang buntis?
May kakilala akong OB na pinupuntahan ng lahat.
Nasa Matilda siya.
Ritz sa Peak ito. Siya raw ang pinakamagaling.
Babayaran ko, syempre.
Okey lang.
- Hindi mo kakayanin. - Gagawa ng paraan.
- Tumigil ka, Mercy. - Ayaw kong kailanganin kita.
Ako ang ama. May karapatan akong maging parte ng mga desisyon mo.
May karapatan? Sigurado ka ba?
Alam mo? Gawin mo ang gusto mo.
Sa wakas sige.
Alam mong ginagawa ko lang ang tama, okey?
Ginawan pa kita ng tseke, para hindi ka na mahirapan
sa pera at iba pang bagay.
Salamat. Pero kung itutuloy ko ito, itutuloy ko ito nang mag-isa.
Sige. Aalis nalang ako.
Sige. Bahala ka.
Hoy. Iyon si David.
Narinig ko.
Kailangan na nating bumalik sa protesta.
Sandali, may gusto akong sabihin sa'yo.
Tungkol ba sa lalaking iyon?
Gus?
Hindi.
Ganyan kami nagkakilala.
Sino?
Ako at si David.
Nandoon siya noong gabing nawala si Gus.
Sobrang bait niya,
hinatid niya ako pauwi.
Kung sasabihin mo na naging kayo dati,
okey lang.
Hindi, hindi naging kami. Iyon...
Hindi iyon tungkol doon.
May asawa siya at...
Nabuntis niya ako.
Ano?
Buntis ka ngayon?
Pero sinabihan ko siyang huwag nang lumapit sa akin.
Gaano na ka tagal na alam mo?
Hindi ko alam.
Ilang buwan na.
Ilang buwan na?
Ngayon alam mo na ang sinasabi ko.
Sobrang gulo.
Kahit malayo na ako, hindi ko maiwan ang sumpa,
at palaging nandiyan lang,
at nagkakagulo na bago pa ako magkaroon ng pagkakataon...
Pagkakataon?
Pagkakataong lumigaya.
Para mabuhay. Para makawala sa sumpa.
Paano mo nasabing hindi ka pa nabibigyan ng pagkakataon? Sa akin?
Hindi iyan ang ibig ko sabihin.
Sinisisi mo ang lahat sa sumpa na para bang wala kang opsyon sa buhay mo,
sa iyong kaligayahan.
Hindi katulad ng karamihan sa mundo, marami kang pagpipilian.
Huwag kang umalis.
Masuwerte ka at hindi mo man lang nakikita.
Nagtapos ka sa Amerika, may pasaporte ka ng Amerika.
May kalayaan ka.
At ngayon nabuntis ka ng isang mayamang dayuhan.
Sino na naman ang may kasalanan ngayon?
Ang asawa niya? Kasama rin ba siya sa sumpa mo?
Ako ba?
O wala ka nang maisip maliban sa sarili mo?
Charly. Charly, gusto kong sumama sa'yo.
Bakit?
Para maipagmalaki mo sa inyo na nagprotesta ka?
Hindi mo ito laban, at hindi kailanman.
Turista ka.
Hindi naman maaapektuhan ang kinabukasan mo. Pwede ka namang umalis.
Isang biyaya na sigurado akong hindi mo nakikita.
Sa totoo lang, hindi talaga kita iniisip.
Pwede kitang kalimutan dahil hindi kita masyadong kilala,
at mas madali kapag ganyan.
Hanggang ituro ng kaibigan ko kung gaano ito kagulo,
at napagtanto ko na tama siya.
Hindi ko maisip kung ano ang dapat mong isipin sa akin.
Kung gaano ka kagalit sa akin.
At dapat lang.
Magagalit din ako.
Tingnan mo kung sino ang nasa bahay.
No comments yet. Be the first to leave one.