पहली 200 पंक्तियाँ।
Ang labanan ang malaking kumpanya tulad ng Boeing
ay hindi nangyayari araw-araw.
Pakitaas ang kanang kamay.
Nangangako ka bang ang testimonya mo
ay pawang katotohanan lang, kasihan ka nawa ng Diyos?
Opo.
Lalaban ang Boeing hanggang dulo.
Bale ang utos niya sa mga tao ay labagin ang mga patakaran
na puwede silang managot, at maharap sa kasong kriminal.
Puwede nating mailagay sa panganib ang publiko.
Sa tindi ng implikasyon ng mga sinasabi niya
napahinto ako do'n.
Matapang si John para magsalita.
Pero naisip ko sa sarili ko
na baka may mamatay dahil dito.
Naka-schedule kami para ituloy ang deposition ni John
kinabukasan.
Pero alas diyes na, wala pa si John.
Kaya tumawag ako sa hotel
at pinatawagan ko siya sa kuwarto,
pero nagri-ring lang.
Tinanong ko kung may puwedeng umakyat at tingnan kung natutulog pa siya.
Sabi nila, "Wala siya rito."
Tinanong ko, "Nasa labas ba 'yong sasakyan niya?"
Bumalik 'yong manager sa telepono, galing raw siya sa sasakyan sa labas
at tiningnan niya 'yong passenger side.
At doon na siya tumawag sa 911.
Binigyan na naman ng Boeing ang mundo ng dahilan para matakot lumipad.
Nasunog ang ilang bagong Dreamliner plane ng kumpanya.
Isa sa Boeing 777 ang nasira ilang minuto pagkatapos mag-takeoff.
Ito ang bahay ng mga magulang ko matapos sumabog ang makina
ng 777 sa ere.
Isang daan at dalawampu't siyam na pasahero ang inilikas.
Limang tao ang nasugatan.
Limampu ang nasugatan matapos mawalan ng kontrol ang flight.
Isang pasahero ang namatay sa pagsabog.
Napakadelikado ng mga nangyayaring ito.
Pag nakakakita ka ng sunod-sunod na balita at insidente,
magtataka ka kung paano pa lumilipad ang Boeing.
Ako yong batang tumitingala sa eroplano tuwing may dumadaan.
Parang, "Ah."
Oo.
Mahilig talaga ako sa aviation.
Nagtrabaho ang papa ko sa F-14,
kaya lagi akong pumupunta sa gates para manood ng eroplano.
Lumaki ako sa Seattle area,
at naisip kong magtrabaho sa Boeing balang araw.
Sobrang saya ko nang kunin ako ng Boeing pagkatapos ko mag-aral.
Napakagandang kumpanya ng Boeing.
Kapag may suot kang Boeing na damit,
lalapitan ka ng mga tao at kakausapin ka.
Nakaka-proud lang.
May ignition na tayo.
Umaangat na.
Matagal akong naging rocket scientist, pero gusto kong lumipat sa eroplano.
At gusto kong magtrabaho sa pinakamahusay na gumagawa ng eroplano.
Sa mahigit isang siglo, binago ng Boeing ang paglalakbay sa mundo.
…ang pinakamalaking aerospace company sa mundo.
Proud akong nagtatrabaho sa Boeing. Proud pa rin ako hanggang ngayon.
Binago ng Boeing ang buhay ko.
Mahirap lang kami,
pero nagbago talaga 'yong takbo ng pera namin.
Sa pagtatrabaho sa Boeing,
karangalan ang magtrabaho roon.
Ito ang Boeing.
Gumagawa sila ng eroplano,
at laging isa lang ang nasa isip nila.
Gawing mas maayos pa kaysa sa kinakailangan.
Napaka-unique ng Boeing company dahil kung may di pagkakaintindihan man,
ang quality department ang gumagawa ng final decision
kung tatanggapin ba o hindi 'yong trabaho.
-Okay, ready na tayo, di ba? -Oo.
May dalawa o tatlong mata sa lahat ng ginagawa mo
para lang masigurong tama 'to.
Mukhang hindi 'yan gagana.
Noon, quality ang preno ng sistema.
Kung may problema, pinapatigil ito ng quality managers.
May support ng management.
-Hintayin natin maging ready. -Sige.
Tapos, biglang nagbago 'yong buong atmosphere.
Ano'ng pakiramdam na maging CEO na darating ka--
Kumusta 'yong unang araw mo? Ano'ng nakita mo sa Boeing?
Nagsimula kami sa umpisa,
kailangan ng ground-up discussion.
Ang pagbagsak ng Boeing.
Matutunton mo ang malaking parte nito sa pagkuha sa CEO na si Jim McNerney.
Siya 'yong parang perfect para sa trabaho.
Nag-aral siya sa Yale para sa BA
at sa Harvard para sa MBA.
Mukha siyang senador ng US mula sa Central Casting.
Matagal na executive si Jim McNerney sa General Electric at protegee
ng pinakamaimpluwensiyang CEO ng ika-20 siglo,
na si Jack Welch.
Parte ako, gaya ng marami, ng American dream.
Si Jack Welch ang unang CEO ng malaking American company
na naka-focus para lumago ang kita sa kahit anong paraan.
Mabilis niyang ipinatupad ang outsourcing,
offshoring, mass layoffs.
Ang pinakamagandang gawin sa empleyado,
kapag alam mong nasa bottom ten sila,
ay sabihin sa kanila.
Kilala si Jack Welch sa GE sa pagtatanggal ng bottom 10% taon-taon.
Laging kinakabahan ang mga tao sa trabaho nila.
Gamit ang estratehiyang ito, nagawa ni Jack Welch
na pinakamahalagang kumpanya ang GE sa mundo.
'Yong klase ng kumpanya na tinitingala ng halos lahat
ng iba pang korporasyon.
At hindi exception ang Boeing board.
Alam kong gusto kong humawak ng kumpanya. Hindi ko lang alam kung ano.
No'ng pumalit si McNerney,
sinunod ng Boeing ang Jack Welch-style na uunahin muna ang kita bago ang lahat.
Inatasan din siya na bumuo ng bagong eroplano.
Hindi pa nabubuo ang bagong 787,
pero sigurado ang Boeing sa creature comforts nito,
kaya tinawag nila itong Dreamliner.
Para i-disenyo at buuin ang 787,
aabot sa $10 bilyon ang gastos.
Pero ayaw ng board ng Boeing na gumastos nang gano'n.
May nagbigay sa 'kin ng internal documents na nagpapakita
na plano ng Boeing na gawin ang eroplano sa halagang $5B,
kalahati ng normal na halaga.
Kilala ang Boeing sa engineering
at paggawa ng eroplano nila.
Nagkaroon ng malaking pagbabago noong 787 na.
Nalaman naming kukunin nila sa iba
ang mga pangunahing parte ng eroplano
para makatipid.
Sa Italy ginawa 'yong mid-body section.
Sa Japan 'yong pakpak at baterya.
Mula sa South Korea, dulo no'ng pakpak at bahagi ng aft fuselage.
Galing sa outsourcing halos buong eroplano.
Alam mo na agad na magkakaroon 'yon ng epekto
sa kaligtasan at kalidad.
Wala na kaming agarang kontrol sa kaligtasan ng mga parteng 'yon.
Tatanggapin na lang namin at ilalagay sa eroplano.
Dumating na 'yong mga piyesa mula sa mga supplier…
at ang plano, bubuuin 'yong eroplano sa loob ng tatlong araw.
No'ng unang pinagsama ng Boeing 'yong dalawang fuselage barrel,
may nagpadala sa 'kin ng picture.
May malaking gap sa pagitan nila.
Ang problema, 'yong ibang kumpanya,
di magawa 'yong pinagawa ng Boeing.
Di nila magawa 'yong parts na dapat nilang gawin.
Ang lala no'n.
Sobrang daming parte
ang na-outsource.
Walang nagtutugma.
At sunod-sunod lang 'yong mga delay.
Kaya nagtayo ng pangalawang 787 assembly line ang Boeing
para mapataas ang produksyon.
Nagsimula ang Boeing sa Seattle,
at di pa ito gumawa ng eroplano sa ibang lugar.
Ito ang lugar kung saan naroroon ang pinakamahuhusay
na mga empleyado sa aviation manufacturing sa buong mundo.
Pero karamihan ay may unyon.
At galit si McNerney sa mga unyon.
Mas magastos para sa Boeing.
At ngayong 2009, sabi niya,
gagawa tayo ng pangalawang 787 line sa South Carolina.
Ipinagmamalaki kong sabihin na walang unyon sa South Carolina
dahil hindi ito kailangan sa South Carolina.
Muli, ito ay desisyon ng pamunuan ng Boeing na hindi para sa kaligtasan
kundi para sa pagtitipid, para sa kita ng kumpanya.
Ano'ng natutunan mo sa mga engineer mo
tungkol sa pagbabalik at pagbuo
ng dating Boeing na kinalakihan natin?
Hindi na tayo babalik sa dating Boeing.
Five, four, three,
-…two, one. -…two, one.
Cut!
No'ng nagtayo ng planta ang Boeing sa South Carolina,
walang aviation business doon.
Kaya siyempre, wala silang mga bihasang empleyado.
Lagi silang nagpapadala ng mga eksperto mula sa Seattle.
Isa si John Barnett sa kanila.
Noong nagsimula ako sa Boeing,
nagkukuwentuhan kami kung taga-saan kami.
Sabi ko, taga-Louisiana ako.
Isa sa kanila nagsabi,
"Swamp dog ka lang pala mula sa Louisiana, 'no?"
So mula noon, ako na si "Swampy."
Quality manager ako sa Seattle sa loob ng 15 taon.
Isa ako sa mga unang quality manager
na dinala sa Charleston para tumulong sa bagong Dreamliner site.
Bilang quality manager,
trabaho kong tiyakin na maayos ang pagkakagawa ng eroplano.
Mabuting tao si John, isang airplane man.
Pareho kaming quality manager.
Magkaibigan kami.
Bumibili ako ng gator tail kay John dahil taga-Louisiana siya.
Dahil taga-South ako,
pagkakataon ko 'yong mapalapit sa pamilya ko.
Lagi naming sinasabi na maingay siya.
Alam mong dumating na siya dahil maingay siya.
Oo, Swamp Dog.
No'ng lumipat ako sa Charleston at nakilala si John Barnett,
nakita ko na pareho kami,
na hindi puwedeng isantabi ang kalidad ng trabaho.
Nagkakilala kami ni John sa mga recruitment trip namin.
Higit sa 100 katao ang ini-interview namin sa isang linggo.
No comments yet. Be the first to leave one.