처음 200줄입니다.
CRASH COURSE IN ROMANCE
Ang cellphone ko.
Bilis.
TITO
Tito.
I-SLIDE PARA MAMATAY
- Naku, hindi! - Tumawag kayo ng ambulansiya.
Tumawag kayo ng ambulansiya!
- Naku. - Bilisan n'yo!
- Patay na ba siya? - Nasagasaan siya?
- Ano'ng gagawin natin? - Nabangga siya ng kotseng 'yon.
Malubha ba?
MAMA, PATAWAD PO… TITO JAE-WOO, ALAGAAN N'YO SI MAMA…
'Di ako makapaniwalang nangyari 'to.
HANAPIN ANG NATATANGING SOLUSYON
Hindi, sinasabi ko sa 'yo. May sumagot sa tawag nang halos limang segundo.
Pakitingnan ulit.
- Pakibilisan lang. Salamat. - Hindi kumokonekta ang tawag mo…
Mahahanap ba nila si Hae-e?
Inaalaman na nila.
Kung totoo na bumukas ang phone niya,
puwede nilang alamin kung nasaan ang cell tower.
Hahanapin ko ulit siya.
Nakakapagtaka na bumukas at namatay ang cellphone niya.
Parang humihingi sa 'tin ng tulong si Hae-e.
- Salamat. - 'Di kumokonekta ang tawag mo.
- Inumin mo muna 'to at lumabas ulit tayo. - Ire-redirect ka sa…
Ate. Hello?
Akin na 'yan. Si Hae-e ba 'to?
Oo, ako ang mama niya. Sino 'to?
Sa ospital?
Makikiraan.
OPERATING CENTER
Jae-woo.
Magpakatatag tayo.
Kailangan nating…
protektahan sina Haeng-seon at Hae-e.
Lalaki tayo. 'Di ba?
Maupo ka. 'Di natin alam kung gaano 'to katagal.
'Wag kang mag-alala.
Malakas si Hae-e.
Haeng-seon.
'Di ako makapaniwala.
Paano nangyari 'to?
Bakit nangyari 'to kay Hae-e?
Mr. Choi.
Ano'ng gagawin natin?
- Mr. Choi. - Uy.
NAGPAPAGALING OPERATING CENTER
Nagkaroon siya ng femoral fractures, kaya inoperahan namin.
Matagumpay ang surgery.
Mabuti at walang pagdurugo sa utak.
Pero may problema sa cerebral edema.
Sa ngayon, kailangan lang nating maghintay na mawala ang pamamaga.
Pasensya na, pero kasalukuyan siyang nasa koma.
Koma?
Kailan siya magigising? Ano'ng oras?
'Di siya matutulog habang-buhay, 'di ba?
Ang magagawa lang natin ay bigyan siya ng gamot at maghintay.
Ikinalulungkot ko pero 'di ko masasabi kung gaano katagal.
Puwedeng ilang araw lang o ilang taon, pero bihira naman 'yon.
Puwedeng 'di bumuti ang kondisyon niya.
NAM HAE-E
Wala pa rin?
Tama?
Buwisit. Mababaliw na ako.
Uy, kapag 'di pa siya sumagot hanggang tanghalian,
i-share natin 'to sa social media, 'wag nang pumasok, at hanapin siya.
Sige. Puwede kong kausapin ang hockey team na tulungan tayo.
Sige. Tawagin mo ang lahat.
Sun-jae, sumama ka rin.
Walang anunsiyo sa araw na 'to.
Pero si Hae-e…
Nasagasaan siya ng sasakyan.
Inoperahan na siya
at nasa ICU sa Ganghyeon University Hospital.
Ipagdasal n'yo na gumaling agad s'ya--
Sun-jae.
Lee Sun-jae!
Patawad, Mr. Jeon.
Salamat.
Salamat.
Ang laki naman dito.
'Di pa ako nakapasok sa VIP room dati.
'Di mo naman 'to kailangang gawin.
'Di puwedeng dumalaw nang madalas sa ICU.
Pero puwede mo siyang samahan dito.
Kailangan niyang marinig ang boses mo kung gusto mo siyang magising kaagad.
Oo. Ngayon ka puwedeng tumanggap ng tulong sa mayaman mong boyfriend.
'Di ba, Jae-woo?
Yeong-ju, pumunta ka na sa tindahan.
Sana puwede tayong magsara muna, pero marami tayong kostumer.
Siguradong 'di kita kasing galing, pero gagawin ko ang makakaya ko.
Kaya 'wag ka nang mag-alala sa tindahan at si Hae-e muna ang isipin mo.
Salamat.
Jae-woo, samahan mo siya.
Hindi, dito lang ako.
Hindi.
Kasama ko si Mr. Choi at 'yong mga nurse, pero mag-isa lang si Yeong-ju.
Sige na, ha?
Sumama ka na.
- Hae-e! - Hae-e!
Bakit ka nandito?
'Di pa tapos ang klase n'yo, bakit kayo nandito?
Tita, 'di pa nawawala ang anesthesia, 'di ba?
Gigising na rin siya, 'di ba?
Masyadong siyang mainipin para mahiga nang matagal.
Magigising din siya.
Sasabihin niya na, "Surprise!"
Kumusta.
Kumusta.
- Kayo ba ang nanay niya? - Oo.
Taga-Jungbu Police Station kami.
Suicide note?
Sinasabi n'yo ba na tumakbo siya sa kalsada?
Oo, mukhang gano'n nga.
Nakita namin
'yong suicide note sa phone niya.
Sa kaniya 'yan, 'di ba?
Imposible 'to.
Sandali. Paano n'yo nasabing pagpapakamatay 'to
dahil lang sa memo na 'to?
Nagbigay na sa 'min ng pahayag 'yong drayber.
At nakita rin sa dashcam
na sinadya niya na tumakbo sa harapan ng kotse.
Kalokohan 'yan. Bakit niya gagawin 'yon?
Baka may kinalaman 'to sa pagpapasa niya ng exam na walang sagot.
Alam n'yo kung gaano kahirap ang college admissions para sa mga estudyante.
GANGHYEON UNIVERSITY HOSPITAL
Tingin mo ba ginawa niya talaga 'yon dahil lang sa isang exam?
'Di ako naniniwala.
Na pinasa niya ang exam nang walang sagot at nagtangkang magpakamatay.
Pero higit sa lahat,
wala akong kaalam-alam tungkol dito.
'Di ko alam kung ano'ng pinagdadaanan niya
at masyado akong naging masaya sa relasyon natin.
Kasi 'di niya ako tunay na ina.
'Wag mong sisihin ang sarili mo.
Walang nakakabasa sa isip ng tao,
kahit ga'no n'yo pa kakilala ang isa't isa.
Ako dapat ang sisihin.
Kung iisipin, no'ng umagang 'yon,
parang may gusto siyang sabihin sa 'kin.
Dapat napansin ko na kaagad.
Ano kayang gusto niyang sabihin sa 'kin?
- Salamat. - Ingat kayo.
Yeong-ju, ano'ng dapat kong gawin?
Maggo-grocery ako.
Puwede ka bang magsulat ng listahan ng bibilhin?
Jae-woo, 'wag mong pigilan.
Ilabas mo lang 'yan.
Alam kong pinipigilan mo ang luha mo simula pa no'ng nasa ospital ka.
Alam kong para 'yon kay Haeng-seon.
Pero wala siya rito ngayon, kaya puwede mong ilabas ang nararamdaman mo.
Ako lagi 'yong gano'n.
Ako lagi 'yong nanggugulat sa kanila.
Ako lagi 'yong dapat alagaan.
At ako lagi 'yong may sakit at nakahiga sa kama.
At sa lahat ng oras, binabantayan ako nina Ate at Hae-e.
Pero ang makita si Hae-e…
na walang malay sa kama…
ay nakakalungkot.
Kahit tito niya ako,
wala akong magawa.
'Di 'yan totoo.
Nag-aalala ka sa kaniya.
Umiyak ka kung gusto mo. Ayos lang.
Magaling akong magtago ng sekreto.
Siguradong maiintindihan ni Hae-e. Magigising siya.
Magtiwala tayong magigising siya. Ha?
'Wag kang mag-alala.
Matataas na talaga ang iskor ni Sun-jae, kaya walang maghihinala sa kaniya.
At walang puwedeng magbintang sa kaniya dahil walang ebidensiya.
Kahit may mangyari man, 'di kayo maaapektuhan nito, ma'am.
Sinabihan ko na siya na manahimik,
kaya 'wag na kayong mag-alala.
Tatawag ako ulit mamaya. Sige po.
Sun-jae, bakit ka pumunta sa opisina ko?
Ano'ng problema?
Mama.
Kasalanan natin 'to.
Ano?
Tumakbo si Hae-e sa harap ng umaandar na kotse.
At kasalanan natin 'yon!
Kumusta siya?
Inoperahan siya.
Pero 'di pa rin siya nagigising.
Ga'no kalala ang nangyari sa kaniya?
Magigising ba siya o hindi?
Bakit?
Gusto mo bang 'di na siya magising?
Lee Sun-jae.
Pa'no mo nasasabi 'yan?
Mama. Sabihin…
Sabihin na lang natin sa eskuwelahan…
at tanggapin ang parusa.
Kapag ginawa natin 'yon,
makakaya kong harapin si Hae-e kapag nagising na siya.
Lee Sun-jae.
Huminahon ka at mag-isip nang mabuti.
No comments yet. Be the first to leave one.