처음 200줄입니다.
Pero kung may dumamping paa sa 'yo, ayos lang?
- Gusto mo bang magdikit ang paa n'yo? - Sabi ko, "Tanggalin mo ang paa mo."
Kung nasa sofa ako, at dumampi sa binti ko ang paa ng kapatid ko…
- Baby girl! - Hi.
- Grabe naman! - Hi!
- Bumalik na siya. - Hi!
Magkuwento ka!
Na-miss ko kayong lahat!
Ano'ng nangyari?
- Una sa lahat… - Ikuwento mo ang nangyari!
Medyo masakit pa rin, pero…
- Ano? - Pumasok ako.
Naku.
Tapos…
May maliit na bote doon, at gusto kong magpatak…
- Hindi! - …ng eyedrops sa mata ko.
Hala! Glue ba?
Nail glue.
- Hindi nga? - Nail glue siya.
- Takot na takot ka siguro. - Natakot ako.
- Matatakot ako. - Akala ko mabubulag na ako.
- Nail glue? Sabi ko, "Ano?" - Kaya nga.
- Nakakakita ka ba? - Malabo.
Pagdating namin sa ospital,
nagsabit lang sila ng IV bag na may tubing,
tapos umupo, at hinugasan ang mata ko,
at inaalis no'ng lalaki ang glue gamit ang tubig.
- Oh my God. - Sobrang nakakatakot.
Grabe, ginawa ko talaga 'yon.
Love is half blind. Papanindigan ko 'to. Mabubulag ako.
Pinili ko si Vic St. John para maging asawa ko.
Pag nagmamahalan ang tao, di mo mapipigilan.
Kilala ko siya at ang puso niya.
Naniniwala ako na nakikita niya rin 'yon sa 'kin.
Doble-doble ito ng pinakamasarap na pakiramdam na naramdaman mo.
Nakakagulat na kaya mong ma-in love sa tao
nang hindi siya nakikita.
Baka sa labas, hindi magtagpo ang landas namin ni Christine.
At para makita niya ang mga pinaka-vulnerable kong side,
ilan sa pinaka-vulnerable kong kwento,
at para tanggapin pa rin niya kung sino ako,
at gustuhin akong mahalin,
at gustuhin akong makasama habambuhay,
walang salita para ilarawan 'yon.
Grabe talaga ang pangja-judge natin sa tao base sa itsura nila,
at alam kong iba't ibang tao na ang nakarelasyon niya sa buhay niya,
pero nauna niyang mahalin ang puso ko.
At kahit na may taong mas type niya, o mas maganda,
una niyang nakita ako at pagkatao ko bago makita ang itsura ko,
kaya kahit ano pa ang itsura niya o inaasahan niyang itsura ko,
may laman siya, matalino, at mabait.
Nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa asawa.
Siya na lahat 'yon.
Sinabi ko kay Christine na di ko siya kailangang makita para makilala ko siya,
at na mahal ko siya.
'Yan ang fiancée ko.
Mahal ko siya, at mahal niya ako.
Pinakamahalagang moment 'to sa buhay ko.
Wow.
Ang ganda mo.
Sobrang ganda mo.
Nice to meet you.
Nice to meet you, too.
- Wow. - Alam ko.
Sobrang guwapo mo.
Di ako makapaniwala.
Nararamdaman mo siguro ang tibok ng puso ko.
Lakad ako nang lakad nang…
Gusto ko ang mga mata mo, at ang labi mo.
- Gusto ko lahat sa 'yo. - Ang ganda ng ngiti mo.
Ang buhok mo. Mahaba. Mas mahaba kaysa sa iniisip ko.
I love you on the inside.
Alam ko.
- Buti sumali ka dito. - Ako rin.
- Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki. - Ako rin.
Oo.
Gusto kitang tanungin ulit.
Christine Louise Hamilton,
will you make the happiest man on earth and be my wife?
Yes.
Wala akong masabi.
Mahal ko. Mapapangasawa ko.
- Nakakagulat, di ba? - Grabe.
Nakilala ko na ang fiancé ko,
at sobrang saya ko.
Ang weird na may mukha na 'yong boses lang dati.
Bonus na lang 'to.
Sa tingin ko rin.
- Talaga? - Masaya 'ko kung gano'n.
Oo, pero magugustuhan ko kahit sino ang pumasok sa pintong 'yon.
Hindi mahalaga ang itsura mo.
May kahanga-hangang babae sa harap ko na may pinakamalambot na puso.
- Salamat. - Oo.
Ang guwapo mo.
Salamat.
Salamat.
- Ang ganda ng mata mo. - Mas maganda ka.
Tingin mo nararamdaman din 'to ng iba?
O tayo lang ang masuwerte?
Malay natin.
- I love you. - I love you too.
Si Christine ay isa sa pinakamalambing, pinakamabuti,
at pinakamabait na babaeng nakilala ko.
Di ako makapaghintay na pakasalan siya.
- Tingin ko bagay tayo. - Ako rin.
- Ang sarap sa pakiramdam. - Oo, parang tama siya.
Oo.
Babalik na 'ko.
Okay.
Bye.
God is good.
Pakiramdam ko ako ang pinakasuwerteng tao sa mundo.
Di ko alam ang gagawin. Feeling ko na-gaslight ako.
- At ngayon, iniisip ko uli na— - Hindi.
Hindi mo 'yon kasalanan. Siya na 'yon.
Wala kang ginawang mali.
Ang gusto kong makuha sana kay Steven,
pakikiramay, at malasakit, at suporta.
Pakiramdam ko na-invalidate ako.
Sa isip ko, "Ano'ng nangyayari?"
Teka, sinabi mo bang 'yong unang lalaki ang number one mo?
Hindi. Silang tatlo nitong mga nakaraang araw
ay parang one-two-three, two-one-three.
Gusto kong mag-focus sa relasyon ko kina Mike at Connor.
Sana matanggap nila ako sa kung sino ako.
- Hi! - Kumusta?
Gusto kong pag-usapan kung ano'ng iniisip natin.
Gusto kong kinakausap ka, pero,
may nagsi-stand out ba sa 'kin?
Gusto ko ang tawa mo.
Tingin ko pareho tayo ng paniniwala sa maraming bagay.
May nakikita akong future kasama ka.
Oo.
Ang nakakatakot lang
ay 'yong usapan natin tungkol sa pag-aanak.
Grabe. Okay.
Oh my God.
Sige lang.
Ampon ako.
Okay.
Hindi ko sasabihin kung saan
dahil ayokong magka-idea ka sa itsura ko, pero…
Di mo kailangang sabihin.
Hindi ko alam ang medical history ng pamilya ko.
Hindi ko kilala ang birth family ko.
Para magkaroon ng anak…
Natatakot ako kasi hindi ko alam kung ano'ng pwedeng ibigay ko sa anak ko
na problema sa health.
Kasi…
ipinanganak ako…
na may birthmarks sa buong katawan ko na may mataas na chance ng melanoma.
- Okay. - Kaya nagkaroon ako…
ng sampung operasyon bago ako mag-seven para matanggal sila.
Wow.
Kaya ang daming naiwang…
mga peklat.
Kaya 'yong sa pag-aanak, di ko alam ang maipapasa ko.
At sobrang nakakatakot 'yon.
Oo.
Hindi kita huhusgahan sa kung ano'ng itsura mo
base sa pinagdaanan mo.
Salamat kasi ikinuwento mo sa 'kin 'yan.
At ang dahilan kung bakit, alam mo na,
nahihirapan ka sa pagkakaroon ng anak.
- O hindi pag-aanak. - Oo.
Pero 'yong pagsabi mo lang niyan sa 'kin,
tingin ko magiging mabuting nanay ka kung gugustuhin mo.
Kasi…
marami kang pinagdaanan at meron kang mga pag-aalinlangan,
dapat proud ka sa kung sino ka at saan ka nanggaling.
May dahilan kung bakit nabuhay ka. May dahilan ang mga bagay.
Di ko pa nasasabi 'to kahit kanino dito, sa totoo lang.
Premature baby ako.
Noong ipinanganak ako…
hirap akong huminga.
At tumigil akong huminga.
At nag-flatline ako.
- Wow. - At kailangan nila akong buhayin uli.
Tinatawag ako ng lola ko na "munting himala."
Gusto kong isipin na palaban ako.
- At gusto kong isiping gano'n ka rin… - Oo.
…dahil kinuwento mo 'yan.
- Alam mo? Palaban tayo. - Oo.
Mahirap ang pinagdaanan natin,
pero naging mabuting tao pa rin tayo…
Salamat sa pagsi-share mo n'yan sa 'kin.
Ayos ka lang?
Oo. Ayos lang ako.
Hindi, salamat.
Salamat din sa pagsi-share ng kuwento mo.
Ang ganda no'n, at sumasang-ayon ako.
Naniniwala akong may dahilan kaya tayo nandito, at parang…
Buti nandito ka pa.
Oo, salamat.
Ampon ako.
Iniwan ako sa istasyon ng tren sabi ng mga magulang ko.
Ipinanganak akong may birthmarks sa buong katawan ko.
Okay.
Sampung beses akong inoperahan para tanggalin ang delikadong birthmarks.
- Oo. - Matagal ako sa ospital.
No comments yet. Be the first to leave one.