처음 200줄입니다.
CRASH COURSE IN ROMANCE
Hala?
Ba't ka nandito nang gan'tong oras?
May nakita kasi 'kong pinipilahang bilihan ng donut, kaya bumili ako.
Magmeryenda ka muna.
- Kanina ko pa naman gusto ng matamis. - Talaga?
Wow, parang ang sarap!
- O 'di ba? - Oo.
Ang bango rin.
Ibang tao po ang pumatay sa kaniya.
Saksi po ako.
Sinasabi mo bang nasaksihan mo ang pagpatay?
Your Honor, pansamantala po muna--
Opo.
Sinundan ko po siya.
Nagpapakain ako ng mga pusang gala.
Pero bigla na lang po sila
namamatay o nasusugatan…
dahil sa tama ng metal balls.
Kaya binantayan ko po ang lugar para mahuli ang namamaril.
Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin?
'Wag kang lalapit sa 'kin!
'Wag kang lalapit!
'Wag!
Layuan mo 'ko.
Tapos?
Nakita mo ba ang mukha ng salarin?
Hindi po. Natatakpan po ng sombrero ang mukha n'ya.
Pero…
ang kamay ng nanakal sa 'kin
ay mahahaba at maputi.
At puro kalyo
ang hintuturo niya.
- "Puro kalyo"? - Opo.
Sobrang makapal at magaspang po.
P'wede n'yo bang tingnan ang pang-apat na tanong?
Two dapat ang sagot,
hindi negative two.
Malinaw at posible ang sinasabi ng nasasakdal.
Hindi ba 'to naimbestigahan?
Hindi n'yo po 'to sinabi…
dati.
Your Honor.
Una pa lang, pinagbibintangan na ng mga pulis ang kliyente ko
kahit wala silang matibay na ebidensiya.
At idinidiin nila ito habang nag-iimbestiga.
Tinakot din nila ang kliyente ko na wala sa tamang pag-iisip
na 'wag magsalita tungkol sa totoong nangyari.
At dahil 'di napatunayang may sala ang kliyente ko,
hinihiling po naming i-urong ang arrest warrant request.
PAANO SAGUTAN ANG WALANG SOLUSYON NA CONJECTURE
Tama na ang pagsasagot.
Ipasa na ang mga papel.
READING SECTION
Hae-e, ano'ng ginagawa mo?
Sige.
Magaling mga bata.
Alam kong tapos na ang midterms, pero 'wag kayong magpagabi.
'Yon lang. Makakauwi na kayo.
Malaya na tayo! Magsaya tayo!
- Ang galing ko. - Ang saya ko.
- Siguradong bagsak ako. - Ako, pasado!
Sun-jae, kailangan nating mag-usap.
Mag-usap nga tayo, Hae-e.
- Sun-jae-- - Halika. Mag-usap tayo.
Tungkol ba saan?
Bakit ikaw lang ang naka-perfect sa math?
Kahit nga si Seon-ju at Jeong-a, 'di nsagutan 'yong pangalawang tanong.
Paano mo 'yon nasagutan nang tama?
Ni wala nga 'yon sa practice exam ng academy.
Ano sa tingin mo? Pinag-isipan ko 'yon.
Bitawan mo 'ko.
Matagal nang magkaibigan si Choi Chi-yeol at ang homeroom teacher natin.
Nagkasundo ba sila?
Ano ba'ng…
Masyado ka nang stress sa exam.
Umuwi ka muna at magpahinga.
Sino ka para sabihin sa 'kin kung ano'ng gagawin ko?
- Sino ka ba? - Hoy!
- Ano'ng nangyayari? - Su-a!
- Bakit? - Bitawan mo siya!
- Ayos ka lang ba, Hae-e? - Ano'ng problema mo?
Hoy!
- Ayos ka lang ba? - Hae-e!
Hoy!
MGA TUMAWAG
SUN-JAE
- Ang tamis. - 'No?
Ang sweet n'ya naman?
Pero parang 'di na kailangan.
Mukhang sapat na na nakita mo siya ngayong umaga.
Nakita mo 'yon?
May bintana kaya tayo.
Ang lambing n'yo sa isa't isa at nainggit ako.
Pero ang sarap ng donut na 'to.
Oo nga.
Salamat.
Napaso ako.
Magdahan-dahan ka kasi.
Ayos lang ako.
Teka nga.
Ano'ng mayro'n dito?
May utang ka ba sa kaniya, Jae-woo?
Wala.
Mayroon sa tingin ko.
Hoy.
May utang ka ba sa kaniya?
- Wala. - Hindi sa gano'n!
Tigilan mo na si Yeong-ju, Ate!
Ano'ng ginawa ko?
- Ikaw… - Ah.
Nakalimutan kong maglagay ng no parking sign sa labas.
Ano'ng mayro'n sa kaniya?
Ewan ko.
Grabe, ang lamig nito.
Jae-woo.
Bakit ka naiilang ka sa 'kin?
Hindi, ah.
Oo kaya, pilyo ka.
Kahit ang manhid mong ate ay napansin.
Dahil ba sa nangyari kahapon?
Yeong-ju.
Sa tingin ko nagkamali ako kagabi.
Ang ibig kong sabihin sa "kadiri" ay…
Ano ka ba.
Lasing lang ako no'n. 'Wag mo nang isipin.
Hindi mo ba 'ko kilala?
Alam mo namang marupok at maingay ako.
Gusto ko ang lahat ng lalaki.
Alam ko 'yon, pero…
Napakaseryoso mo talaga.
Ano ba'ng gagawin ko sa 'yo?
Tigilan mo na 'yan. Bumalik na tayo sa dati.
Hoy, Jae-woo.
Binabantaan na kita.
KORTE
Bakit 'di mo kaagad sinabi sa 'kin?
Pinahiya mo 'ko sa korte.
Hindi ka naman nagtanong.
- Ano? - Pinaghinalaan mo rin ako no'ng umpisa.
Katulad ng mga pulis.
Saan ka pupunta? Nando'n ang kotse natin.
Kumusta, Sun-jae.
Ano'ng ginawa mo, Ma?
Hinaan mo ang boses mo.
- Gusto mo bang malaman nila? - Ma.
Sinigurado mo ba ang mga sagot mo?
Sana hindi ka nagkamali.
'Di 'yon ang sinasabi ko.
Magkamukhang-magkamukha ang binigay mo sa 'kin at ang exam!
Hanggang sa pinakahuli!
Alam ko ang iniisip mo.
Kahit na sabihan kitang mag-aral nang mabuti
at manguna sa Language Arts,
hindi ka makapagpokus.
Kahit na, paano mo…
Hindi 'to tama.
Pandaraya 'to, Ma!
Wala na 'kong ibang magawa!
Wala ka sa pokus.
Kaya ano'ng gagawin ko?
Kailangang maganda ang resulta ng early at regular admissions mo.
Hindi mo ba 'yon alam?
Pero kahit na,
mali pa rin 'to, Ma.
Ayoko nito, Ma. Umamin na lang tayo sa school, ha?
Sige na po.
Hindi ko 'to kaya!
Bahala ka.
Kung gusto mong makita ulit na ma-ospital ang mama mo.
Hindi 'yon ang ibig kong sabihin.
Ma, 'wag mo 'tong gawin!
NAM HAE-E
'Di sumasagot ang tinatawagan…
Hae-e!
Ano'ng nangyari?
Akala ko magsasaya kayo pagkatapos ng exam? Ba't ang aga mo?
Medyo napagod lang po ako.
Ah.
- Aakyat na po ako at magpapahinga. - Sige.
'Di ba siya nakasagot nang maayos sa exam?
Bakit siya malungkot?
Hay.
Grabeng exam. Grabe talaga ang college admissions.
Bahala sila sa buhay nila.
Math camp?
Tatawagin 'to na Choi Chi-yeol Math Camp. Wow.
Isipin n'yo na lang na mas pinagandang info sessions natin 'to.
Kalahating araw 'to
ng sample lectures at quiz show sa math.
Ayos ba?
'Di ko alam. Mas gusto kong magturo kaysa mag-host ng gan'yan.
Bakit naman? Tanda 'to ng pagbabalik mo.
Kung magdesisyon kaming ituloy 'yan, ga'no 'to kalaki?
Mga 2,000 siguro ang sasali.
At saka, mas dadami pa ang mag-a-apply sa 'tin.
Sa ganoong karaming tao,
sa labas o sa gym 'yon gaganapin.
Nabasa mo ba ang nasa isip ko, Mr. Ji?
Naghahanap na ng lugar si Ms. Jung.
No comments yet. Be the first to leave one.