처음 200줄입니다.
TRUE TO LOVE
TRUE TO LOVE
ANG LAHAT NG MGA KARAKTER, PANGYAYARI, AT LUGAR AY KATHANG-ISIP LAMANG
EP 03 ANG PAGTATAPOS NG ISANG PANGIT NA RELASYON
Bo-ra, Bo-ra…
Paano ka biglang napunta rito?
Oo nga, 'di ba? Bakit ako biglang pumunta?
Aalis na lang ako.
Hindi ka pwedeng umalis nang ganito.
Nahuli niya sa akto.
Anong susunod, sampal sa mukha?
Suntok sa baba?
Sabi mo, unawain ko at magtiis ako dahil abala ka.
Dahil ba iyan dito?
Wala akong kaalam-alam…
Paano mo ito nagawa sa akin?
Paano mo ito nagawa?
Bakit siya umiiyak?
Hindi ito kagaya ng iniisip mo.
Bitawan mo ako.
Kumalma ka muna.
Pumasok tayo sa loob at mag-usap.
Punasan mo muna ang labi mo.
Bo-ra. Matagal na tayong hindi nagkita.
Nababaliw ka na. Pinsan mo siya.
Pinsan…
'Yan ang kakaiba.
Hindi ba?
Niloko mo ako.
Hindi.
Hindi ko sinabing pinsan ko siya. Sabi ko…
anak siya ng tiyahin ko.
Malapit ang mga nanay namin, "Auntie" ang tawag namin sa nanay ng isa.
Pasensya na, pero nag-uusap kami ngayon.
Pwede bang hayaan mo kami?
Naku. Talagang nagalit ka siguro.
Umiyak ka ba? Bakit? 'Wag kang umiyak.
Da-mi, mag-antay ka sa kotse.
Hindi, aalis na lang ako.
Mag-antay ka sa kotse.
- Okey. - Okey.
Umuwi ka muna. Babalik ako paghatid sa kanya.
Tapos mag-usap tayo.
Ano? Ihahatid mo muna siya sa bahay?
Kailangan niya munang umuwi.
Paano ko maiiwan ang isang lasing na dalagita?
Bakit hindi?
Bakit hindi mo siya kayang iwan? Hindi ba niya kayang umuwi mag-isa?
O baka naman ipagpapatuloy niyo pa sa kotse?
- Ano'ng… - At bakit tinawag mo siyang bata?
'Di naman siya sobrang bata kaysa sa akin.
Sana hindi niya sinabi iyon.
Ganito ka na lang ba makipag-usap? Hindi nga ito tulad ng inaakala mo.
Kung hindi, eh ano?
Naghahalikan kayo sa kotse. Nakita ng mga mata ko.
Ano ba yung hindi ko inaakala?
Okey, ginawa ko nga. Sinong nagsabing hindi?
Mali ang inaakala mo. Pagkakamali lang. Ngayon lang ito nangyari.
Wala namang magbabago sa atin. At makikita ko ulit siya.
Sabi ko, ihahatid ko na muna siya sa bahay.
Para namang nahuli mo akong pinagtaksilan kita,
inilalagay mo ako sa alanganin at inaway.
Ganyan ka ba talaga? Ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ko.
Ngayon lang? Baka ngayon ka lang nahuli?
Hindi ako makapaniwala!
Anong tingin mo sa akin?
Hindi mo ko pinagkakatiwalaan? Dine-date mo ako pero walang tiwala?
- Ganito ba ang halaga ko sa iyo? - Ano?
Kaya ka ba narito? "Dahil di ka nagtitiwala sa akin?
Oo. Wala kang sinabi sa telepono kanina.
Tapos, bigla ka na lang susulpot sa lugar ko.
Hindi mo pa ito nagawa dati.
Sa totoo lang, nagduda ka, kaya sinubukan mo akong hulihin.
Napakawalang kwenta.
Sa tingin mo iyon ang dahilan kung bakit ako pumunta?
Kung hindi…
Bakit ka biglaang pumunta…
Tama ka.
- Ano? - Tama ka.
Paranoid ako, at dahil sa kawalan ng tiwala ko sa iyo,
naglagay ako ng device sa pakikinig sa iyong kotse
at nahuli kang may ibang kasama.
Ngayong nakumpirma na, mabuti 'yon.
Bo-ra.
Bo-ra.
Hahayaan mo lang ako?
Talagang mananatili kang kasama niya?
Noh Ju-wan, paano mo nagawa ito?
Bo-ra.
Huwag kang lalapit! Sabi ko, huwag!
NAKA-TAP ANG KOTSENG ITO.
Ang taas ng ng tingin niya sa sarili niya.
Pero, siya ay mag-isa at bigo…
Ano ito?
SANG-JIN
Hello?
Ms. Yeon? Hindi pa kayo nagkikita ni Su-hyeok?
Hindi, anong mayroon kay Su-hyeok?
Sinundan ka niya kasi nagkapalit daw ang telepono niyo.
Talaga?
Tawagan ko siya.
Okey. Bye.
Okey, ingat pauwi…
MAYABANG NA DEBORAH ANG SINUNGALING
JINLEE PUBLISHING LEE SU-HYEOK
Hello, ako ang may-ari ng telepono.
Ang pangalan dito ay "Mayabang na Deborah na Sinungaling."
Kilala mo kung sino, di ba?
Parang nagkapalit ang telepono natin.
Nasaan ka? Kung malapit ka, pupunta ako.
Hindi…
Hindi, wala ako sa malapit.
Malayo ako. Malayung-malayo.
Gaano kalayo? Nasa labas ka na ng Seoul?
Kasi…
May bigla akong pinuntahan na kasal.
Kasal, ano ba…
Talaga? Kumusta ang panahon diyan?
Hindi naman magkaiba sa Seoul.
Hello?
Bakit ka nandito?
Sinundan mo ba ako?
Hindi…
Para dito…
Si Yu-jeong.
Nakuha mo na ang telepono mo.
Oo.
Pinuntahan mo si Ju-wan?
Anong nangyari? Natanggap mo na ba ang singsing?
Kwento mo sa akin.
Yu-jeong, mababa na ang baterya ko. Tawagan kita mamaya pag-uwi.
- Okey. - Bye.
Tawagan mamaya? Duda ako.
Kung nandoon siya ngayon, siguradong makatulog siya.
Mukhang magiging mainit ang gabi niya.
Jin-woo.
Nakita mo ang lahat?
Oo, nang hindi sinasadya.
Pasensya na.
Ayos ka lang ba?
Bakit?
Nakita kitang nadapa kanina.
Kumusta ang kamay mo? Hindi ka ba nasaktan?
Singilin mo ko sa pagpapaayos.
Jin-woo.
Honey, bukas na lang. Okey?
Bukas, pangako ko. Okey?
Wala akong sinabi.
Ano, hindi ka natutulog?
Nagpapanggap ka bang tulog?
Hindi, natutulog ako. Nagsasalita habang tulog.
Matulog na tayo. Magandang gabi.
Yang Jin-woo.
Matulog.
- Jin-woo. - Matulog.
Matulog.
Nagbibiro ka ba?
Isa siyang manyak.
Bahala na. Hindi ako pupunta ng club.
Nandito na si Bo-ra. Ibaba ko na.
Paano mo ito nagawa sa akin?
Kung umiyak ka, talo ka.
Bitawan mo ako.
Kung naubos ang pasensya mo, talo ka.
Pasensya na, pero…
"Pasensya na"?
Pagkatapos kong mahuling naghahalikan, "Pasensya"?
…nag-uusap kami.
Pwede mo ba kaming iwan sandali?
Dapat inaway ko siya rito.
Kung hindi iyon, eh ano?
Hinahalikan mo siya sa sasakyan. Ako mismo ang nakakita.
Kung gayon ano ba yung hindi ko inaakala?
Kambing ba ako o ano? Ba't nanginginig ang boses ko?
Okey, ginawa ko. Sinong nagsabing hindi?
Dapat sa puntong ito sinampal ko na siya sa mukha.
Huwag kang susunod! Sabi ko, huwag.
Iyon na ang pinakamasalimuot at nakakahiyang sandali ng buhay ko.
Ang malala rito,
may testigong nakakita ng buong pangyayari.
Nakita mo ang lahat, 'di ba?
Oo, nang hindi sinasadya.
Sige.
Ano ang lagi kong binibigyang-diin?
Huwag tumigil sa paggawa ng malayang komunikasyon at kooperasyon.
Dahil dyan,
nais kong gumawa ng isang opisinang open-plan,
tanggalin ang harang sa pagitan ng mga mesa
para mawala ang lahat ng hadlang na naghihiwalay sa atin.
Ano sa tingin niyo?
- Ayoko nito. - Ako rin.
Hindi naman kailangan.
Kailangan namin ng harang.
Bakit ang bilis niyong sumagot?
Kung takot kayo sa panganib, walang katiyakan at pagbabago, wala na.
Ilang beses ko nang sinabi.
Alam ninyo ang sinabi ng tagapagtatag ng Hyundai Group?
"Sinubukan mo ba? Nasubukan mo ba?"
'Di tayo dapat nag-aaway at nagkakanya-kanya.
Dapat tayong…
No comments yet. Be the first to leave one.