처음 200줄입니다.
DOCTOR CHA
Mamili ka.
Sa 'ming dalawa, kaninong atay ang pipiliin mo?
Mamili ka na, ngayon mismo!
Sagutin mo na, Dr. Cha.
Hindi ako sigurado.
Kaninong atay nga ba ang pipiliin ko?
Ang pipiliin ko…
Ito ang gusto kong sakyan.
Ayos lang ba 'yon?
Oo.
Oo naman.
Nagbibiro ka ba?
At hindi ko tatanggapin…
ang atay ng kahit sino sa inyo.
Di ko tatanggapin ang atay ng kahit sino.
Ako na'ng bahala rito, kaya tumigil na kayong dalawa.
Maliwanag?
Puwede ka nang umalis.
Pinapaalis mo na 'ko?
-Tapos ano'ng gagawin mo? -Ako?
Hindi ba halata?
Alis na ba tayo?
Oo, tara na.
Kumapit kang mabuti sa kaniya!
Ano ba'ng pinagsasabi ko?
Dapat ikaw na ang magmaneho sa susunod.
Ako?
Iniisip ko nga talaga kung ano'ng pakiramdam na imaneho 'to.
Bibilisan ko na. Kumapit ka!
Sige!
HULING KABANATA
CONVALESCENT HOSPITAL
Sabi ng Hanseong Medical Corporation, handa silang pamahalaan 'to.
Di na masama ang inaalok nilang presyo, pero sayang pa rin.
Mas maganda ang mga pasilidad at kagamitan dito
kaysa sa mga kaparehong ospital.
Higit sa lahat, masigasig at may malasakit ang mga medical staff dito.
Kumusta po?
Kumusta.
Ang galing n'yo.
Ang ganda rito.
Anong klaseng mga pasyente ba ang pumupunta rito?
May mga pumupunta rito matapos operahan sa cancer, bago sila umuwi.
Hospisyo rin ito
para tulungang mabawasan ang sakit ng mga pasyenteng malala na ang cancer.
Siguro dahil may cancer din ang tatay mo, na chairman dito,
kaya inasikaso niya nang husto ang ospital na 'to.
Namuhunan siya nang malaki sa mga pasilidad at mga empleyado.
Gawin ko na ba ang kontrata?
Bakit di na lang ako ang mamahala rito sa ospital?
Sa palagay ko kaya ko naman 'yon.
Gusto kong subukan.
May hinala ka na siguro,
pero wala masyadong epekto ang steroid pulse therapy.
Sa tingin ko,
papunta na 'yan sa acute liver failure.
Kailangan mo ng isa pang liver transplant.
Baka magkaro'n din naman ng namatay nang liver donor,
pero kung wala, kailangan mong tanggapin ang atay
ng buhay na donor sa lalong madaling panahon.
Siguro nga.
Hindi naman ito sa kung sino lang na hindi ko kilala.
Di ko maiwasang matawa.
Sa totoo lang,
parang panaginip na mangyari ulit
ang ganito.
Sasabihin ko sa 'yo ulit 'to,
nakita sa lahat ng immunological tests ko pati na sa blood type ko,
na puwede ang atay ko sa 'yo.
Kapag gumagawa ako ng simulation, maganda ang liver volume na mabibigay ko,
at walang anatomical variation kaya hindi magkakaro'n ng problema.
Ayan ka na naman.
Professor Kim,
ang tigas ng ulo mo.
Oo, kaya sana magbago na ang isip mo.
Payagan mo ako
na iligtas ka.
Professor Kim,
may hihingin akong pabor.
Puwede bang…
umalis ako sa ospital kahit ngayong araw lang?
Masaya akong makita ka rito, Ms. Cha Jeong-suk.
Kailangan kong bumalik sa ospital.
Pinayagan akong lumabas sandali.
Ang sama na ba ng hitsura ko?
Ano ba'ng sinasabi mo?
Ang ganda mo nga sa makeup mo.
Kailangan mo pala…
ng isa pang liver transplant?
Oo.
Pero di ako sigurado kung 'yon ang tamang gawin.
Ano'ng ibig mong sabihin? Kailangan mong gawin 'yon para mabuhay.
Kahit pa magpa-transplant ulit ako,
hindi natin alam kung mangyayari ulit 'to.
Natatakot ako na may ibang mahihirapan
dahil sa 'kin.
Kumusta ang nanay mo?
Siguradong alalang-alala siya, 'no?
Kulang pa 'yong "alalang-alala".
Sabi niya dapat siya 'yong mamamatay na,
pero mukhang nagkabaligtad kami.
Sa tingin ko iniisip niya na nagkasakit ako kasi gumaling na siya.
Na kinuha niya lahat ng suwerte ko.
Grabe naman 'yan!
Grabe nga.
Grabe.
Kahit ilang beses ko pang sabihin na hindi totoo 'yon,
hindi niya talaga maalis sa isip niya 'yon.
Bihira siyang dumalaw sa ospital.
Nahihirapan siguro siyang makitang may sakit ako.
Ngumiti ka.
KUNIN MO ANG LAMAN NG AVOCADO AT ILAGAY SA MALAKING MANGKOK
KAY JUNG-MIN AT I-RANG, NA PINAKAMAMAHAL KO SA BUONG MUNDO
Dear Jung-min
at I-rang.
Hindi naman kayo nagulat na sumulat ako sa inyo, di ba?
Tiningnan ko ngayon ang mga litrato no'ng baby pa kayo.
Ang liliit at ang gaganda n'yo kaya takot na takot akong kargahin kayo.
Kailan ba kayong dalawa lumaki nang husto?
Sana maging matatalinong tao kayo
na marunong maging masaya araw-araw.
Sana kainin n'yo kung ano'ng gusto n'yo at gawin ang mga gusto n'yong gawin,
tapos matulog nang masaya at magising na may bagong lakas.
Jung-min,
I-rang,
kahit na
di n'yo na 'ko makakasama balang araw,
lagi ko kayong poprotektahan.
At…
salamat sa pagiging mga anak ko.
MAHAL KO KAYO
Mahal na mahal ko kayo na di ko alam kung paano
sasabihin.
Nagmamahal, mama n'yo.
Mama!
Ha? I-rang.
Ano pong nangyari? Ano'ng ginagawa n'yo rito?
Nakalabas ako sandali, pero kailangan ko ring bumalik agad.
Sana parati ka na lang ulit nandito sa bahay tulad dati.
Alam ko.
Jeong-suk, ano'ng ginagawa mo rito?
Bakit nandito ka at hindi sa ospital?
Mama, ayos lang po ba kayo?
Oo.
Lumabas po siya sandali pero kailangang bumalik din sa ospital.
Balita ko pinuntahan mo ang mama ni Eun-seo.
Sabi niya mag-aral ka sa eskuwelahang gusto mo.
At dapat 'wag kang makonsiyensiya.
-Talaga po? -Oo.
Alam kong ginawa mo 'yon dahil galit ka.
Pero, I-rang,
hindi ako…
malungkot na tulad ng iniisip mo.
Mas maraming masasayang alaala kaysa sa malungkot
ang nabigay sa 'kin
ng pagpapakasal sa papa n'yo
at ng pagpapalaki sa inyo ni Jung-min.
Alam kong nahirapan ka rin.
Pero sana…
'wag ka nang masaktan pa sa nangyari.
-Ha? -Opo.
DIVORCE APPLICATION
SEO IN-HO
Mama, aalis na po ako.
Ayos lang ba ang pagpapagamot mo?
Ayos naman po.
'Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano
at magpagaling ka muna.
Opo, Mama.
Sana po maging maayos din kayo.
Hindi talaga kita maintindihan.
Dapat nagpasarap ka na lang sa buhay pagkatapos ng liver transplant mo.
Bakit ba ginulo mo pa ang kapalaran mo at nagkasakit ulit?
Kung humingi ng tawad ang asawa mo,
dapat tanggapin mo.
Sa tingin mo ba maaayos ang lahat sa pakikipagdiborsiyo?
Pasensiya na po, Mama,
na hindi ko kaya na maging mabuting manugang hanggang sa huli.
Mama, babalik po ako pagkatapos kong makipag-usap kay Jeong-suk.
Aalis na po ako, Ma. Alagaan n'yo po ang sarili n'yo.
Bakit pa siya umuwi pagkatapos umalis dito?
Ang tigas ng ulo. Di niya alam kung gaano kasarap na may asawa.
Hanggang sa huli pinapaiyak niya 'ko.
Hindi ka ba tinawagan ng real estate agent?
Balita ko may pumunta para tumingin.
Sinabi kong hindi ko ibebenta.
Akin na lang 'yon.
Ikaw…
ang may karapatang magmay-ari nito.
Sabi mo may utang ang mama mo.
Kalimutan mo na 'yon.
Ako na'ng bahala ro'n,
kaya 'wag mo nang babanggitin ulit.
Mga divorce papers 'yan.
Ayaw mong tanggapin ang atay ko
kasi ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa 'kin.
Kung itutuloy ko ang operasyon
tapos magmakaawang patawarin mo,
hindi mo na 'ko matatanggihan
No comments yet. Be the first to leave one.