لومړۍ 188 کرښې.
Ang D3 Corporation ay matagumpay sa pagbangon ng mga bangkay.
Na lumaganap sa daigdig.
At sumalakay sa mga tao.
Ang mga biktima ay naging katulad nila, mga mistulang nangabuhay muli.
Mga lipunan ay gumuho, kaliwa't-kanang nakawan at patayan.
Ang mundo ay nabalot ng kabaliwan.
Eri Otoguro bilang Aya
Manami Hashimoto bilang Reiko
Tomohiro Waki bilang Katsuji
Chise Nakamura bilang Saki
Taro Suwa bilang Sugita
Asintado ako ngayong gabi.
Ako naman ang titira.
Tetsu Watanabe bilang Ama
Kaasar naman.
Para ka namang nakapikit niyan.
Ha?
Ano ba, umayos ka nga!
Ibigay mo sa 'kin!
Bitawan mo't akin na!
Sino ka bang buwisit ka?
Lalaki: Hoy!
Ikaw ay...
Mahusay ka, babae.
Kumukubli ako rito.
Layuan mo ako!
May hinahanap akong babae.
Ang pangalan niya'y... Saki.
Teka lang. Teka, sandali lang!
Masyado kayong mainit, na dalawa.
Narito tayo sa mundong bumabangon muli ang mga patay,
na lumalapa sa sarili nilang mga asawa't anak.
Hindi kailangang magpatayan ang mga nabubuhay.
Hindi ito makakatulong sa paghanap kay Saki.
Sumibat na tayo sa lugar na ito.
Pati ikaw.
Makahanap na nga ng matutulugan.
Reiko: Hintay.
Alam ko kung nasaan ang babaing hinahanap ninyo.
Ano kamo?
May alam ka tungkol kay Saki?
Tinutugis ko si Sugita.
Si Dr. Sugita, ng D3 Corporation?
Oo, siya na responsable kaya naging planeta ito ng mga zombie.
Dahil sa kanyang mga eksperimentong pang-reanimasyon.
Sa aking napag-alaman, malamang si Saki ay kanyang kasa-kasama.
Isasama ko kayo roon sa isang kundisyon.
At ano naman 'yon?
Tulungan n'yo akong tapusin sila.
'Yun lang.
Ano sa palagay mo?
Sige. Dalhin mo kami roon.
OneChanbara Ang Pelikula
Sugita: Ano ba talaga ang buhay?
Ito ba'y dahil sa mga cell na naghihiwalay at nagpaparami,
para makabuo ng bagong organismo?
Hindi.
Tungkol ba ito sa pagsilang, pagtanda, at pagpanaw pagkatapos?
Hindi.
Hindi pa rin!
Pagkalipas ng dekada ng pananaliksik,
nahanap ko na ng tuluyan ang kasagutan.
Ang mga cell ay may sariling kasarinlan.
Humahalo ito sa dugo at dumudulot sa pagkabuhay ng mga patay.
Tumpak, ang ganitong paraan ay humihigit pa sa mga bathala.
Sang-ayon ka ba?
Naiintindihan mo?
Ayos...
Magaling. Magaling! Hahaha!
Kuha mo?
Sapat na ba ang pagtulog mo?
Ngayon, pumunta ka rito.
Ganyan nga.
Halika rito at nang makita kong mabuti ang iyong mukha.
Hindi!
Mali!
Wala kang kuwenta't palpak.
'Di bale...
Marami ka namang kapalit.
Ang kailangan ko'y bata at matatag na katawan.
Para makumpleto ko ang aking pagsasaliksik.
Purong dugo ng Imichi, 'yung mula pa sa kaninu-ninuan.
Ah, tama.
Nasaan si Saki?
Nasaan ka Saki?
Saki?
Saki!
Katsuji: Ano ba ang iyong kwento?
Naaamoy ko ang dugo sa iyo.
Ilan na ba ang iyong mga napuksa?
Kung maaari sana'y tawagin mo ako sa aking pangalan.
Ay... Paumanhin.
Ako si Katsuji. Anong pangalan mo?
Reiko.
Reiko...
'Yung isa doon ay si Aya.
Pumupuksa kami ng mga zombie na nakakaharap namin.
Kahanga-hanga pala...
Si Aya ay mula sa angkan ng mga Imichi. Bihasa sa espada.
Ako naman ang utak ng operasyon. Haha.
Kayang-kaya naming itumba ang mga zombie, at kahit ano pa man!
Tama ba, Aya?
Ganyan lang talaga siya.
Palagay ko'y dapat akong pasalamatan paminsan-minsan.
Biro lang 'yun! Biro lang naman e.
Alisin mo na 'yan. Sige na, sige na.
Ayan, ganyan nga.
Tama, tama...
Marami na yata akong nasabi.
Maaasahan ka ngang talaga.
Katsuji: Heto, nabuksan ko na.
Pagkain sa wakas, tatlong araw na rin.
Hindi ka ba kakain?
Siya, bakit...
Huwag mo siyang masyadong pansinin.
Hindi man halata, pero nagugustuhan ka rin niya.
Pero...
Ganun lang talaga siya... Noon pa mang magkatagpo kami.
Mauubos na ito o.
Matagal ko nang kasa-kasama si Aya pero 'di ko siya nakikitang ngumingiti.
Noong bata pa siya, pinaslang ng kanyang kapatid ang kanilang ama.
Katsuji: Siguradong nakakabahalang pangyayari iyon.
Katsuji: 'Di na siya ngumingiti. O umiiyak man.
Katsuji: Siguro, naubos ang kanyang emosyon pagkatapos.
Katsuji: Galit sa kanyang kapatid at paghihiganti ang tumutulak sa kanya.
Katsuji: Sa palagay ko'y ganoon.
Katsuji: Ang kapatid niyang 'yon, na pumatay sa ama nila, si Saki.
Katsuji: Siya'y nakababatang kapatid ni Aya.
Sa tagal ng pagsasama namin, mistulang nararamdaman ko...
nananaghoy ang kanyang kalooban.
Ang kapatid ko ngang babae ay dinukot,
nina Dr. Sugita, Saki, at ng kanilang mga halimaw.
Isang araw sa tag-araw noon.
Basta na lang sila sumulpot.
Nilabanan ko sila.
Kahit buhay ko, wala akong pakialam.
Gusto ko lang siyang mailigtas.
Pero dumating si Saki.
Inilayo nila ako.
At tinangay ang aking kapatid.
Ang pangalan niya'y Asami.
Heto siya. Ang cute, hindi ba?
Katsuji: At saka kami nagkatagpo ni Aya.
Hindi man siya pala-usap pero nagkakaintindihan kami.
Naramdaman namin ang parehong kalungkutan.
Naaalala ko ang malamig niyang mga titig.
Simula noon, pumupuksa kami ng mga zombie kahit saan pa.
Ako man, ang anak ko'y nawala dahil sa kanila.
Bakit nga ba nauwi sa ganito ang lahat?
Noon, nakakakain tayo ng mainit na pagkain,
at nasa tahanan ang ating pamilya.
Anong gagawin mo matapos kang makapaghiganti kay Sugita?
Maghanap-hanap ng mga nakaligtas, gusto ko silang tulungan.
Ayos...
Heto, ayos.
Mga normal kayong tao? Anong pakay ninyo rito?
Aba'y kumusta rin sa iyo.
Sinabi ko sa iyo, doon ka lang sa loob.
Napadaan lang kami.
Maaari ba kaming manatili ngayong gabi?
Sige, kayong bahala.
Pero, mainam kung hindi na kayo lalayo pa rito.
Bakit naman?
Anong kayang nangyari sa kanila?
Ah, makatulog na nga.
Ken.
Ken.
Ken: Takbo, Yuki!
Kumaripas ka na!
Yuki...
Anong...
Talaga nga naman.
Lumayo kayo!
Hoy! Sandali lang!
Ano ba? Teka!
Hoy! Huwag kayong lalapit!
Nakakatakot 'yun a?
E pa'no kung natamaan mo 'ko.
Teka. Hintay!
Sugita: Oras na para sa iyong paglamon.
Huwag kang matakot.
Sige, kumain ka.
Ganyan nga, mabait na bata...
Naisip ko, ikaw ang susunod kong obra.
Anong problema?
Wala kang dapat ikabahala.
Halika nga rito.
Kuya ko...
No comments yet. Be the first to leave one.