The first 200 lines.
- Para sa 'yo, Unggoy. - Salamat.
Kasing ganda mo.
Sana tumagal ito hanggang sa…
Hanggang sa kasal?
Ilalagay ko muna dito.
Ang ganda.
Kamusta pakiramdam mo?
- Mabuti. - Kalmado?
Kalma ka ba kahapon?
Alam ko na may malasakit ka pa kay MP.
Alam kong lumutang ulit 'yong ibang nararamdaman mo.
Nakita ko na umiyak ka, kaya…
May punto na nahirapan ako.
Parang bumalik ako sa nakaraan kahapon.
Mahirap dahil ramdam ko na may nararamdaman pa siya para sa akin.
Lalo noong sinabi niya na gusto niya pa rin akong protektahan.
Doon ko naunawaan.
Sinabi ko sa kaniya na di na magbabago ang isip ko,
at kung tatanungin ako ngayon, "Oo" ang sagot ko, dahil masaya ako.
Walang katulad si Marta at siya ang pinakamahusay na babae na nakilala ko.
Baka masyado akong mabait… masaya akong kasama ka, pero naaawa ako sa kaniya.
Na… di naging ayos para sa kanya.
Isa kang golden ticket para sa chocolate factory.
- Mahal kita. - Mahal din kita.
Isa pa.
Tingin mo mas malaki ang kay MP?
Diyos ko…
Sabihin mo.
Diyos ko. Naku.
POLAND
Ito na.
Ilapit mo 'yong dumbbell, dahan-dahan. Ayos.
Grabe na ito, para lang sumaya si Kamil.
Kamusta kayo ni Filip kahit magkalayo kayo?
Hindi naman siya matagal nawawala. Tatlo, apat na araw,
pero pagod na siya pagkatapos ng biyahe. Mahirap balansihin.
Sinusubukan kong masanay na di maging malungkot kapag wala siya.
Sabi ko, dapat may communication sa susunod na relationship ko.
Mahalaga ito, sinisigurado ko na meron lagi.
Ikaw, mahal, kamusta ka?
Sana maging… Sana maging maayos ang lahat.
Mm-hmm.
Hindi gaanong masaya ang mom ko tungkol dito.
May masama daw siyang nararamdaman at wala siyang tiwala kay Kamil.
Hindi ito magandang pakinggan.
Naisip ko rin na baka masyadong seryoso si Kamil para sa akin.
Mm-hmm.
Minsan nahihirapan ako na maintindihan siya.
Kung galit ba siya, may nagawa ba ako, masyado ba akong makulit.
Tingin ko nahihirapan din siya
di n'yo nauunawaan ang isa't-isa. Gusto niya ng kalmadong relationship,
pero magagawa pa rin niya ito kahit na makulit at energetic ang partner niya.
Alam mo 'yun?
Di mo dapat balewalain ang problemang ito.
Ikakasal na kayo at may dahilan kung bakit pumayag ka dito.
Ito lang masasabi ko, kung mahal mo, ipaglaban mo ito.
Importante ang huling desisyon mo.
Pupunta kami sa Norway, at doon namin malalaman.
- Tama. - Siguro kapag…
- Nasa bahay na niya. - …oo,
mas magiging komportable siya. Tingnan natin, di ba?
Hindi ko alam kung paano kayo dapat mag-usap.
Maging mahinahon lang, wag mong atakihin. Para mas maintindihan mo siya.
- Tama, kakausapin ko. - Pero di dapat…
Kung may pagmamahal at gustong ipaglaban 'to,
kailangan may mauna at magpakumbaba, tama?
Oo. Tama ka.
Maging mahinahon lang. Chill.
Mas naging malinaw na ang lahat salamat sa 'yo. Totoo.
Alam mo, tinulungan ako ni Daria… na maintindahan ang mga bagay-bagay.
Ikukuwento mo ba?
Tuwing…
pag may sinasabi akong bagay na di ko gusto o di ako sang-ayon,
wag isiping inaatake kita, dahil di 'yon intention ko.
May malasakit ako sa 'yo at di kita inaatake.
- Sige. - Kung ganoon naramdaman mo…
sorry na.
- Okay? - Oo.
Isang team tayo kaya…
hindi tama na inaatake kita.
May gusto kang sabihin?
"Oo" ba ang sasabihin mo sa altar o…
- Oo. - Oo?
Naka-cross fingers ka ba? Hindi.
Sige.
- 'Yong daliri sa paa… - Sa paa…
Nahihirapan kami nitong nakaraan.
Puno ng energy ang partner ko, pero sobrang pagod ako dahil sa biyahe.
Wala akong energy.
Parang may 15 na trabaho ako. Sa kasamaang palad.
Palagi akong lumilipad sa malayo… Low-batt na ako.
Gusto kitang intindihin.
Pero mahirap, dahil tatlo o apat na araw tayong di nagkita.
Namiss natin isa't-isa. Gusto kitang makasama pero kailangan mo magpahinga.
- Alam mo ang pinasok mo. - Alam ko.
Naging bukas ako at sinabi ko ang totoo, kailangan masanay ka.
- Pinagpahinga naman kita, di ba? - Kaunti.
Dalawampung minuto.
Minsan, gusto kong may gawin si Filip na kakaiba at special para sa akin,
sinabi niya na importante ito sa kaniya at nangako siya noon sa pods.
And daming nangyayari.
Nakakabaliw ang lahat dahil sa kasal.
Wag na tayong magreklamo. Kumain tayo sa labas.
Di ako mapakali, 3 p.m. na. Bumangon na tayo.
Magpahinga muna tayo.
Di ko kaya na umupo o humiga lang dito.
Nakakafrustrate pag sinabi ng partner mo na,
"Uy, bangon, walang pahinga, simulan na natin 'to."
Pero minsan di maiiwasan. Kung lumipad ako ng anim na oras paalis
tapos anim na oras pabalik, wala na talaga akong energy.
May feelings pa kami para sa isa't-isa,
pero di na kagaya no'ng simula.
- Nadala natin lahat? - Oo.
Ang susi sa apartment! Tinanong kita, sinabi ko na.
Naku.
Nakuha ko na.
Pagod na talaga ako.
- Okay ka ba, mahal? - Ano na naman?
Tinatanong lang kita. Trigger ba sa 'yo 'yon?
Ginagawa ko makakaya ko. Halika na, wag na tayong magtalo.
- Gusto mo ng tubig? - Oo.
- Bakit parang may problema tayo… - Naku, natapon sa akin.
Di kailangan.
Iba ang vibe sa pagitan natin.
Baka iniisip ko lang o kagagawan ko ito, pero nararamdaman ko.
- May nagawa ba akong mali? - Kasi…
- Di ko maintindihan. - Mahal…
Kailangan kong maramdaman na importante ako para sa 'yo.
Gusto ko may ginagawa palagi, hirap ako pag biglang tumitigil.
Ayaw kong umupo lang at walang ginagawa. Iba lang approach ko sa buhay.
Di magandang marinig 'yan lalo na't malapi na ang kasal,
"Iba lang approach ko sa buhay."
Mahal, darating ang araw na mas mahirap pa ang pagdadaanan natin.
- Nagkasundo tayo na tuwing… - Iba ang gagawin ko.
Di ko maintindihan. Naiinis ka ba dahil pagod ako?
- Kasi… - "Iba lang approach ko…"
Gusto mo ba 'yong approach ko o hindi?
Lagi kang nagrereklamo at ngayon pinapalala mo pa…
"Di mo naabot mga expectation ko. Akala ko magiging iba ito."
Tingnan mo, kahit pagod ako, marami tayong ginagawa, lumalabas tayo.
Sinusubukan kong itago, pero pinapansin mo pa rin.
Nakikita ko na di sapat ang naibibigay ko.
Isang araw lang nagbago na lahat. Isa.
Di ko na dapat ito binabalikan, pero di ko mapigilan.
Natututo na ako. Ayaw ko…
Alam kong mas gagaan pa ito. Mahal, kakasimula ko lang.
Wala pa sa ayos katawan ko. Alam ko.
Natatakot ako, narinig ko na ito sa mga ex ko noon.
- "Walang silbi. Kulang." - Di ko…
- Palagi na lang. - Ikaw ang…
Di ko ginamit ang salitang 'yan. Wala akong sinabi na "walang silbi."
Wala akong sinabi na may mali sa 'yo. Mahirap lang ang araw na ito, 'yon lang.
Di ako naging sapat sa mga nakaraang relationship ko.
Kaya ibinibigay ko palagi ang 200% ko. Pero hindi pa rin ito sapat.
Napakalaking pagsubok nito.
Sige, sorry na, dahil pagod ako. Halika dito.
- Na-iistress ka ba? - Hindi. Ikaw?
Hindi na ngayon.
Kakain lang kami…
Tapos?
- Sasakay na sa plane. - Magkita tayo sa Norway.
STAVANGER, NORWAY
Paano 'yong "Hello, ang pangalan ko ay…"?
"God dag" kapag hapon, parang…
Kung, "Minsan ay ginagalit mo ako"?
Biro lang. Biro lang.
TAHANAN NI KAMIL "UNO"
Tuloy ka.
Ang ganda.
- Sabi ko sa 'yo madami akong halaman. - Ang galing at ang cute.
- Ito na nga… - Ganda.
- Dito tayo kakain kasama ang mga bata. - Tama.
Ito ang kusina.
Hindi ako maglalagi dito, kaya…
Alam ko…
Ang ganda.
Ito ang trophy na napanalunan namin, sa volleyball tournament.
Bakit ganito ako palagi?
Gusto ko ang view. At gusto ko ito, dahil mahilig akong manood ng movies.
- Ang ganda. - Ano ang hindi mo gusto?
Ang bayan na ito… ibang-iba sa city ko.
Mas maliit ang lugar. Ang lumipat, mula sa city na…
Sa sentro ng city ako nakatira, kaya mas maraming nangyayari doon.
Nalulungkot ako, dahil sinubukan kong ipakita ang kagandahan ng Norway.
Medyo weird. Sabi niya di na mahalaga kung saan, kundi kung sino kasama niya.
Di ko alam kung ano ang inaasahan niya dito sa amin.
Kailangan ba ng mga restaurant, bar, o nightclub?
Minsan may mga usa dito.
- May mga baka din ba? - Walang mga baka.
Wala namang kulang sa city namin. Katulad din ito ng mga ibang city.
Mas magkakalapit lang ang mga lugar na mapupuntahan
at siguro mas kakaunti ang mga tao dito.
WARSAW
PEOPLE OF PRAGA
Kinakabahan ako.
APARTMENT NI JACEK
Bisitahin natin ang Maria.
Para suwertehin tayo. Halika na.
Gusto kong makita ni Jela kung paano ako mamuhay, sana maituloy ko pa 'yon.
BARBER
No comments yet. Be the first to leave one.