The first 200 lines.
NAKARAAN
Pag ako pinili mo, di perfect na tao ang pipiliin mo.
Pero mahal na mahal kita.
Kabaliwan, pero pakiramdam ko kilala na kita.
- Nakaluhod ako. - Will you marry me?
Ito ang pinakasiguradong oo ko sa buong buhay ko.
Tara na!
Oo! Siyempre gusto ko!
Ay, Diyos ko.
Totoo ba 'yan?
Salamat nakita mo 'ko.
Ayos lang.
Gusto mo ba 'kong gawing pinakamasayang lalaki?
Oo. Gusto kong gawin 'yan.
Ibig kong sabihin…
- Napakaganda mo. Di kapani-paniwala. - Salamat.
- Nagka-lipstick ka. - Okay lang. Please, yakapin mo ako ulit.
Teka. Isang bagay pa… dapat basahin mo ang sulat na 'to.
"Kahanga-hanga ka. I love you."
Pinangako ko na pag may nakilala ako na ni-love-bomb ako…
aatras ako, kasi imposibleng totoo 'yon.
- Maganda 'yong view mo. - Alam ko.
Pero mas maganda ang veiw ko. Kahanga-hanga ka,
pinakamagandang babaeng nakilala ko. Parang sinag ang positivity mo.
- Nag-panic ako. "I love you…" - Love-bombing. Gets ko.
Love-bombing. Mismo. Na-gets mo.
Medyo nalungkot ako dahil di kita gaanong nakasama.
Para sa susunod.
Mapapagod ka talaga. Pagod at talagang boring.
Dapat ipakita mo ang pinakamaganda mo.
Ano? "Dapat"? Ano'ng klaseng test 'to?
Test nga ito.
Nasa kaniya lahat ng katangiang kailangan ko sa isang partner.
Pero di ko alam kung nasa akin ang mga katangiang kailangan niya.
Mas marami pa ang kailangang alamin kaysa no'ng nasa loob ng pods.
Malakas ang loob niya at matitibay ang mga opinion.
Pakiramdam mo, "Problema 'to."
Oo.
- Pahingi nga ng lipstick? - Gusto mo pa?
- Hindi, halik ang gusto ko. - Gusto mo lipstick.
Mga halik ang gusto ko.
Pisikal sina Daniel at Johanna, at pinakikita nila sa isa't-isa.
Validation, alam mo na. Pisikal ang ibig kong sabihin.
Napakaimportante ng mga 'yon sa 'kin.
Pag-iisipan ko 'yan.
Kailangan ko lang mahanap ang paraan natin.
At umusad ng dahan-dahan.
Nagtatanim kami noon ng dad ko ng bulakalak…
Puwede kang mamitas ng sunflower sa nilalaruan kong golf course.
Napakalayo ng pakiramdam ko kay Daniel.
Sobrang sweet ako sa partner ko pag nakikita at naririnig niya 'ko.
Pero kung hindi, hindi rin.
Pupunta ako sa restroom.
Puwede ba kitang kausapin saglit lang?
Bago n'yo kami sunduin, kinausap ako ni Daniel at sinabi niya,
"Ayaw ko na yata magpatuloy. Gusto ko nang mag-quit."
Ako naman, "Mag-quit?"
Para 'kong tanga. May kasama 'ko ditong nagsasaya,
na kanina lang gusto nang mag-quit.
CORFU, GREECE
- Kumusta ka? Okay ka lang? - Ayos lang.
Masarap.
Di ko malasahan ang hipon. Di lasang hipon.
Hindi.
Malutong lang.
Napakalasa. Gano'n 'to.
Oo nga.
Di mo mapahahalagahan ang mabuti kung wala ang masama.
Maganda 'yon.
Alam mo na, nag-usap tayo kanina.
At siyempre nag-aalala ako do'n.
Ibig kong sabihin, magkasama tayo dito… dapat di mo basta gustong umalis.
Ibig kong sabihin, gaya ng sabi ko, laging ang dami kong iniisip.
Siyempre nag-aalala ako pag naghahalikan tayo,
at paulit-ulit mong sinasabi, "wag mo kunin lipstick ko," .
Masama sa pakiramdam.
At do'n ko nararamdamang, "Naku, baka umaatras na siya."
- So 'yon ang iniisip ko. - Sige, okay.
Gano'n. Medyo magulo ang isip ko.
Oo. Parang, "Naku, di ko siya pwedeng halikan kasi naka-lipstick siya.
Bwisit, ano ba'ng nangyayari dito?"
Nag-aalala ako pag gano'n, sumisikip ang sikmura ko.
Napansin kong stressed ka kahapon… at sa mga halik na 'yon, parang…
"Wag mong kunin…"
Pero di ko sinabing "'wag mo kunin…"
- Binibiro kita. - Alam ko naman 'yon.
Di naman "wag mo 'ko hawakan" o…
- Alam ko. Pero minsan… - Di ako gano'n.
Sabi ko, "Ay, gusto mo na naman ng lipstick."
Oo, alam ko…
Biro 'yon kasi pag hinahalikan mo 'ko, natatanggal lipstick ko.
Parang sa pakiramdam ko, ano kasi…
"Gusto niya ba talaga 'ko halikan o baka…?"
Baka iba lang ang style natin ng communication?
Baka 'yon nga.
Parang mahirap pag-usapan ang malalalim na paksa.
Parang ang usapan lang natin, "Kumusta panahon?" "Ano isusuot natin?"
Naiintindihan mo 'ko?
Tingin mo ba, Daniel, na ganito mo gustong gugulin ang buhay mo?
Kasama ang tao na klima ang gustong pag-usapan?
Puwede kong kausapin ang kapitbahay ko tungkol sa lagay ng panahon.
Parang mas malalim pa nga kaming mag-usap ng kapitbahay ko.
Oo, ikaw…
Dapat alam ng partner ko lahat ng nangyayari.
Pero dapat gusto niya rin malaman.
Kasi may bigla akong sasabihin tapos parang, "Saluhin mo."
Para makita ko kung open ka at makikinig.
Walang dahila para banggitin ko ang mga bagay
kung ayaw mo naman marinig 'yon.
Tama.
Interesado ako sa lahat. Gusto kong marinig lahat.
Palagay ko… ako, pag may ibinato 'ko,
inaalam ko kung nakikinig ka.
Kung ang sagot mo ay "Ano? Tapos ano nangyari? Bakit gano'n?"
- Alam ko na, "Nakikinig siya." - Gets ko na.
- Tapos susundan ko pa. - Gano'n.
Pag di gano'n nakuha ko, sarado 'ko.
- Tapos may pader na. - Gano'n pala.
At do'n, sa tingin ko, na dapat tayong…
Kung darating tayo sa araw na 'yon at magsasabi ng "I do",
palagay ko dapat napapag-usapan natin 'to.
Dahil gusto kong makilala mo 'ko
at lahat ng nangyayari sa likod ng pader na 'yon.
Pero mahirap dumating do'n, kung parang di masyadong…
interesado makinig ang tao.
Pero naroon talaga ang interes. At di mo lang alam…
kung gaano ko sineseryoso ang sinasabi mo. Totoo.
Totoo 'to sa puso ko.
Gusto kong malaman lahat sa 'yo. May dahilan kaya tayo naging engaged.
Ang dami kong di alam sa 'yo na gusto kong malaman. Kaya… Oo,
Sorry. Minsan magkakamali ako, at magkakamali pa ulit.
Oo, pero di 'ko naman inaasahan ang bagay na 'yon…
- Hindi? - …na alam mo lahat ng mga kailangan ko.
Magkakamali rin ako.
Gaya no'ng tungkol sa lipstick. Nagkakamali rin ako. Sumasablay.
Sa 'yo na lahat ng halik ng lipstick. Mapupuno ka ng lipstick.
Maglalakad ka ng gano'n. Wala 'kong pake kung ano itsura no'n.
Puno ako ng mga pulang labi. "Kasalanan mo 'to."
Gusto niya ng halik. 'Yon ang sabi niya. Lahat gusto niya.
Hindi, susubukan kong itama ang timing para sa damdamin.
Pero gusto ko'ng halik mo.
Ano ba, grabe.
Magaan na pakiramdam ko. Marami tayong napagkasunduan.
- Ang sarap ng pakiramdam talaga. - Mabuti.
- Sana nakatulong din sa 'yo. - Oo naman.
Talaga?
Alam ko sinabi ko, kahit do'n pods, na gusto ko ng magde-demand sa 'kin.
At ang pinakamaliit ay 'yong,
"Makinig ka naman pag may sinasabi akong maganda."
Kaya… ito na nga ang hiniling ko.
Kaya gagalingan ko pa ang pakikinig.
"Tayo" na ngayon. Team Fjäll-Storm na ang magtatapos nito.
Mas nakakasigurado na ako ngayon na ikaw ang tamang tao para sa akin.
Gusto kong malaman mo 'yon.
Half empty ba o half full ang baso ngayon?
Half full.
Natutunan ko 'yan sa 'yo. Tama?
Laging mali ang "half empty" sa 'yo.
"Negative ka pag sinabi mo 'yan.
Wag pag-usapan ang half empty na baso. Pag-usapan 'yong mga half full."
- Cheers. - Cheers.
- Para sa buhay. - Ang buhay ay half full.
Gano'n nga.
SWEDEN
32 ARAW BAGO ANG MGA KASALAN
Malalagot ka.
Basta hahalikan mo 'ko, wala 'kong pake.
Kung agaw-buhay ka pag-uwi natin, di ba 'yon problema?
Hindi. Mas gusto kong kilalanin ka at magka-intimacy.
- Pero di mo ako makikilala sa gano'n. - Oo.
Gano'n ako magpakita ng pagmamahal. Sa mga halik.
Pero baka iba paraan mo.
Kadalasan magaling akong bumasa ng tao.
YOUTH COUNSELOR
At di siya madaling basahin.
Uumpisahan ko sa kape, kasi 'yon talaga ang kailangan ko.
Sige.
Gaya kahapon…
May mga sinabi siyang nakapag…
Well, ang hirap niyang basahin. Saan kami papunta?
Ano pakiramdam mo matapos kahapon?
Masarap naman kahapon.
Mainam magkaroon ng araw na hindi mabigat at seryoso.
Parang gaya no'n sa pods ang pakiramdam,
na nagtatawanan at nagbibiruan tayo. At ang sarap no'n.
Magandang marinig 'yan.
Kasi pakiramdam ko parang medyo umatras ka
at medyo natakot dito… na nagkakakilala na tayo.
Paano?
Sa ibang mga sinabi mo, di ko alam ang nararamdaman mo.
Nainis ka sa sinabi ko na pagbalik sa Stockholm
at wala pang na-develop sa akin sa isang linggo,
ayoko nang magpatuloy.
Ikinainis mo 'yon.
Pag pinoprotektahan mo ang sarili mo,
di tayo darating sa puntong nag-iibigan na tayo.
Magiging magkaibigan lang tayo.
Dapat malaman mong may pressure 'yon.
Dapat meron tayo ng higit pa sa isang buwan… dalawa, para magkakilala.
Tapos sasabihin mo: "Pitong araw." At magbibilang ka. "Anim, lima…"
No comments yet. Be the first to leave one.