முதல் 200 வரிகள்.
Para bang binibenta ko ang buhay ko.
Bawal magpintura, magbutas sa mga pader, at magsabit ng anuman sa kisame.
Mga kurtina?
Alam mo, Thomas, 'di basta-bastang nagpapaupa ang mga may-ari nito.
-Totoo na ito! -Pippa, huwag kang gumalaw.
Pwede mo ba kaming kunan ng litrato? Salamat.
-Mahal ko. -Mahal ko.
-Kumusta na? -Ayos lang. Ikaw?
Gagawin ba talaga natin ito?
-Parang ganoon na nga. -Sige.
-Malaking desisyon ito. -Malaki talaga.
Napakalaki. Kapag hindi ito naging maayos...
-Patay na. -Yari tayo.
Dapat na siguro tayong umurong ngayon?
-Siguro nga habang maayos pa ang lahat? -Oo nga.
-Salamat na lang sa lahat. -Salamat sa lahat.
-Kukunin ko ang kalahati ng gamit ko. -At kukunin ko ang kalahati pa.
Magandang ideya iyan.
Mahal, tahanan natin ito.
Dito na ako titira. Kasama ka.
Hindi.
Hindi pa.
Tama! Paumanhin!
LAGDA NG NANGUNGUPAHAN
-Ano ito? -Tubig na chlorophyll.
-Ano? -Tubig na chlorophyll.
Sikreto iyan sa mahabang buhay.
Mas gusto ko ang Gewürztraminer ko.
Sige, d'yan ka sa Gewürztramamaminer mo.
Sige, sandali.
Kakalipat lang natin, pero pwede bang pag-usapan natin ang pag-aanak?
-Mga anak? -Oo.
Mahalagang pag-usapan na natin ito ngayon.
Pwede bang apat na taon pa bago tayo magkaanak?
-Diyos ko. Oo naman. -Sige?
-Huwag ka ngang-- -Tinakot mo ako.
Pero seryoso, iniisip ko lang kung paano
halos buong buhay akong nag-aral, tama?
Simula nang makilala kita.
Ginugol mo ang 20s mo sa pagtugtog sa mga club
-at sa pag-aabala sa kung anu-ano. -Droga.
At ako naman ay nasa sulok ng isang medikal na aklatan
-nag-aaral hanggang 2:00 AM. -Tama.
Kaya ayaw ko pang magkaanak
at sayangin ang mga huling taon ng pagrerebelde natin.
Alam mo ba? Iniisip ko rin ang pagrerebelde.
May sasabihin kang kagaguhan.
Hindi. Bale,
baka isipin mong nababaliw ako,
pero pinag-iisipan kong mag-aral na mag-accordion.
-Talaga? -Ano ba ang sinasabi mo?
Gusto kong gumising ng Linggo ng umaga nang may matinding hangover
na ipinapaalala ang mga pangit na desisyon ko noong kinagabihan.
Iyan ang sinasabi ko.
Gusto ko iyon. Karapat-dapat mong matanggap
ang lahat ng hangover sa mundo, Pippa.
-Oo naman. -Oo talaga.
Sa paggawa ng magaganda at teribleng desisyon.
Sa paggawa ng magaganda at teribleng desisyon.
Halika rito.
-Mahal kita. -Mahal din kita.
Tingnan mo sila.
Ano kaya siya, photographer o anupaman?
Mukhang ganoon na nga.
Kita mo ang nangyayari.
Maganda ang lugar niya--
Naghahalikan na.
Nagmamahalan sila.
Nag-iinit na.
Hinuhubaran na siya ng lalaki.
-Thomas! -Nagkakatotohanan na.
-Thomas. -Ano?
'Di natin sila dapat pinapanood.
Hindi tayo nanonood.
Nakatingin lang tayo sa bintana. Nagkataon lang na nakita natin sila.
Alam naman siguro nila na may nakakakita sa kanila.
Mismo.
-Alam nila dapat iyon. -Alam nila dapat.
Gagawin ba niya ang naiisip kong gagawin niya?
Oo.
Magandang palabas ito.
Sige.
Opisyal na tayong mga mamboboso.
-Sang-ayon ka ba? -Hindi! Gusto nilang manood tayo.
Pero titigil na tayo, dahil iyon ang gusto mo.
Salamat. Una nating gabi ito.
-Tama. -Hayaan na natin ang mga kapitbahay natin.
Ginagawa na nila.
Thomas! Halika nga, bastos.
Sige! Sige.
Galingan mo, pare.
Buweno...
may sorpresa ako...
Mahal?
Tayo rin.
Kailangan ng pagbati.
-Ano'ng ginawa ako? -Ikaw? Wala.
Ako, nasa ikatlong araw na walang social media.
Walang Instagram. Walang Twitter.
Nangako kami ni Joni na aabot ito ng isang buwan.
Binabati kita, Ari.
Nabasa ko na ang mga magsing-irog na binabawasan ang pagga-gadget
ay lalong ginaganahan sa kama sa loob ng isang buwan.
Talaga?
Saan kaya sila tumitingin kapag nagsasalsal sila?
Diyos ko! Kumusta naman ang pagsasama sa bahay?
May kakaibang bagay na nangyari kagabi.
May magkapareha kaming kapitbahay,
nagtitirahan sila, at kitang-kita namin.
Grabe! Gaano sila kapangit?
Hindi. Maganda't guwapo sila.
Eh 'di kumuha ka ng upuan, at popcorn,
at binocular...
-Hindi. -Bakit hindi?
Kahit ayos lang sa kanila na makita ang buhay nila,
hindi nangangahulugang gagawin mo na.
1,000% kang mali riyan.
Ayos lang na manood.
-Parang mga exhibitionist sila. -Baka hindi.
Kung mga exhibitionist sila,
paggalang ang panonood sa kanila.
Kita tayo sa tanghalian. Paalam.
Mas gaganda ang paningin mo pagkatapos nito.
Relaks ka lang, ha?
40 beses kong ginagawa ito kada linggo, sa nakalipas na 20 taon,
at lagpas sa kalahati ang naging maayos.
Biro lang, siyempre. Paabot nga ako ng Cannula.
Dalawampung taon.
At iniisip ko pa rin ang gusto kong maging pagtanda ko.
Sige, sa tatlo, dalawa, at...
Bonjour. Ako si Pippa mula sa L'Optique. Handa na po ang salamin ninyo.
Bukas po kami hanggang alas-6. Walang anuman po. Paalam.
Ano po ito?
Sa Japan, inilalarawan ang mga ibon na "dalawang mata na may pakpak."
At may magandang dahilan.
Napakatalas ng paningin nila
kaya, mula sa walong palapag na gusali,
nakikita nila ang isang langgam sa bangketa sa ibaba nila.
Bakit mo iyan sinasabi sa kanya?
Regalo ito para sa bago ninyong bahay.
Kapag nakikita mo ang mga ibon na uminom mula rito sa labas ng bintana,
nawa'y maipaalala sa iyo ang kalabuan ng paningin ng lahi natin.
Ang ginagawa lang natin dito ay tulungan sila nang kaunti.
Salamat po.
Gusto ko ng regalo.
Uy, mahal!
Kumusta?
Thomas! Ang ganda naman niyan!
Kamukha natin sina Bert at Ernie.
Kumusta na kaya ang mga kapitbahay natin?
Aaraw-arawin ba talaga natin sila?
Tingnan mo, katulad lang natin sila.
Hindi natin sila katulad. Mas astig sila.
-Oo nga. -Huwag ka ngang masyadong halata.
Sige. Palihim dapat.
Magiging kaibigan kaya natin sila?
Gusto mong maging matalik na kaibigan ang mga pinapanood natin?
Bakit hindi?
Pusta, mamahaling alak ang iniinom niya.
Bibigyan niya ako at magpapanggap ako na alam ko ang pagkakaiba.
Tapos ililibot ka niya sa lahat ng magagandang tindahan.
Oo. Dahil puro bili ang mga babae.
Sige. Ako na lang ang sasama sa mga tindahan.
Ano kaya'ng pangalan nila?
Siguro akong isa siyang Margot.
Siyempre. Malinaw na isa siyang Margot.
At siya si Brent.
Baka pwede akong turuan ni Brent kung paano ahitin mga buhok ko.
Nakita ko ang bulbol niya kagabi, maganda ang pagkakaahit.
-Gusto mong gawin ko iyon? -Ahitin ang bulbol mo?
-Oo. -Ayaw ko.
Paano kung nakakatusok iyon kapag tumubo ulit?
"Nakakatusok."
Sandali, nabubulunan ba siya?
Hala. Hindi makahinga ang lalaki.
-Alam ko. -'Di niya nakikita.
Ano'ng gagawin natin?
-Sige, iyan na! -Ayos! Sige!
-Hindi! -Pumunta ka sa kusina!
Tanggalin mo ang headphones mo!
Emergency ito!
Dapat ba akong tumawag sa 911?
Hindi sila aabot. Pumunta ka roon.
-Malalaman nilang pinapanood natin sila. -Kaysa mamatay siya. Galaw!
Sige. Tama. Pupunta ako roon?
-Sige na! -Sige. Tama ka!
-Sandali. Thomas! Bumalik ka! -Ano?
-Ano'ng ginagawa mo? Mali! -Hindi ganyan.
-Lakasan mo! -Ano'ng ginagawa niya?
Sige pa!
Ano'ng ginagawa mo? Sige pa!
Tingnan mo!
Ganito dapat!
-Ayos! Sige! Sige pa! -Kaya mo iyan.
Sige pa! Tulak pa!
-Kaya mo iyan! -Iyan na!
-Ayos! Sige! -Diyos ko!
Nagawa natin!
-Diyos ko, nagawa natin! -Nagawa natin!
Kakaluwa lang ng kinain niya.
No comments yet. Be the first to leave one.