ആദ്യത്തെ 200 വരികൾ.
Patawad po, Ama.
Saan ka galing?
Sa isang kaibigan. Kay Joséphine.
Joséphine? Sino iyon?
Kilala ko ba siya?
'Di n'yo siya kilala.
Basbasan po N'yo ang aming kakanin, ang gumawa nito,
at bigyan N'yo po ng makakain ang mga wala.
May nakakatawa ba sa dasal, Théophile?
Wala po, Ama.
Liliban ako bukas. May debate kami sa mga De Beyles.
Mabuti. Patalasin ang iyong isip. Kailangan ng Pransiya ng batang nag-iisip.
Paano po ako?
Kapag nagsimula ka sa opisina ng iyong ama,
mahalaga ang mga koneksyon mo sa magalang na lipunan.
Magandang trabaho, magandang buhay may-asawa,
iyon lang ang hiling ko para sa 'yo.
Duda akong makahanap siya ng asawa sa mga debate.
Pwede akong sumama? Hindi pa ako nakakapunta sa ganoon.
Sa mga De Beyles?
-Bakit hindi? Kung gusto mo. -Hindi pwede.
Sino ka? Sino ka?
Tinakot mo ako.
Susunod po ako.
Hihintayin kita, iha.
'Wag masyadong mataas, ayos na 'to.
Magandang gabi, Lola.
Magandang gabi, iha.
Eugénie...
Sabihin mo sa'kin.
Pumunta ka sa burol ng Victor Hugo na 'yon, tama?
Opo, Lola.
Kahanga-hanga iyon.
-Napakaraming tao. -Talaga ba?
Makakaalis ka na.
Mamaya.
Mamayang gabi. Kailan ka babalik?
Hindi, Eugénie, hindi. Humindi si Ama, hihindi rin ako.
Hindi kita dadalhin sa debate. Paano kapag nalaman niya?
Isang babaeng gaya mo, doon? Mapapansin ka.
Sasabihin ng mga tao...
Pwedeng tumahimik ka? Wala akong paki sa debate mo.
Mas maigi pang mamatay kaysa makinig sa inyo ng mga kaibigan mo.
Hindi, ibaba mo ako sa kapihan.
Kailangan kong lumabas, magbasa, manigarilyo... Pakiusap, Théo.
-Paano kapag... -Ano? Wala rito si Ama.
-Tara na, Louis, sa Montmartre tayo! -Opo, ma'am.
Montmartre? Mahal kong kapatid, huwag kang padalos-dalos.
Hindi kita nakita, hindi kita hinatid,
hindi kita kilala, at bahala kang umuwi mag-isa.
-Ano? -Wala. Tinitingnan lang kita.
-At? -Napakaguwapo mo.
Huwag kang magpatawa.
Parang sa manok ang leeg ko, maliit ang balikat, mahaba ang biyas,
maikli ang katawan, kaya hindi, hindi ako guwapo.
Para sa 'kin, guwapo ka.
Gaya ng sinabi ko, huwag kang magpatawa.
Alam ko.
Kumusta? Pabili po ng isa.
Limang sentimo.
Salamat.
Para sa 'yo.
Para sa 'yo, pogi.
"Bukas, sa bukang-liwayway, sa pagputla ng lupain, ako'y lilisan.
"Alam kong naghihintay ka para sa 'kin."
Binabasa mo ang The Contemplations.
Gusto ko ang siping iyon.
"At sa'king pagdating, ilalagay ko sa'yong puntod
"ay bungkos ng namumulaklak na holly at heather."
Iyon na iyon?
Maaaring makiupo?
Oo, The Contemplations iyon.
Hindi ka pwedeng makiupo.
Gusto kong mapag-isa habang nagbabasa. Salamat.
Pasensya na sa 'di pagkakaintindihan. Akala ko, nakatingin ka sa akin.
Bihirang makakita ng dalagang nagbabasa ng tula,
tapos titingin sa binatang...
Hindi ako nakatingin sa 'yo.
Buweno...
Iiwan na kita.
Nakatingin ako sa iyong aklat.
Kita mo?
Nakatingin ka sa akin.
-Hindi. -Oo.
Oo, dahil ako ang nakahawak sa aklat.
-Hindi. -Hawak ko 'yon. Nasa likod ako niyon.
Nakatingin ako sa iyong aklat.
"May tatlong bagay sa isang tao.
"Una, ang katawan, gaya ng sa mga hayop
"at binubuhay ng kaparehong espiritu.
"Ikalawa, ang kaluluwa,
"ang espiritung nananahan sa katawan.
"Ikatlo,
"ang ugnayan ng kaluluwa at katawan."
Kung 'di sa katawan ko, nakatingin ka sa kaluluwa ko.
Paumanhin.
May nasabi ba akong mali?
Wala.
Ang totoo, kabaligtaran nga.
Gusto ko iyon.
Gustong-gusto ko iyon.
ANG LIBRO NG MGA ESPIRITU
Heto, para sa 'yo.
Hindi, 'di ko matatanggap.
Pinapahiram ko lang sa 'yo.
Ibabalik mo sa 'kin.
Pangako?
Oo, pangako.
Salamat.
Ano iyan?
Mas maraming tula?
Walang iba kundi ang The Book of Spirits.
Na may sulat mula kay Ernest.
Kung gayon, may nakatagpo ang kapatid ko.
O, hindi!
Eugénie Cléry, naghihirap sa Montmartre.
Naiwala mo ang pahina ko.
Walang talino o monopolyo sa debate ang mga kaibigan mo.
Magugulat ka sa makikita mo sa hilaga ng Paris.
Sigurado naman.
Pwede akong manatili nang kaunti?
Oo, pero manahimik ka.
Kakatagpuin mo ba siya uli?
-Sino? -Sino?
Si Ernest. Ang makata.
Ang binatang nagpapabilis ng tibok ng puso ng mga babae...
Ang lamig ng kamay mo.
Baka huli na para maging kilala sa larangan ng digmaan,
pero tumulong ako sa larangan ng pagkakapantay, maayos, at makatarungan.
Ang iyong Legion of Honor ay isang pagpapala sa aming opisina.
Susubukan kong...
-Mukhang masaya ka, Hortense. -Oo.
Ipakikilala na rin ako sa wakas.
Opisyal akong ipakikilala sa pagtitipon ni Dukesa De Noailles.
Tila kabayong babae na ipinagmamalaki?
Binabati kita! Ano'ng isusuot mo?
Bestidang gawa ni Doucet. Seda.
Magiging napakaganda mo, sigurado iyon.
Iyon ba ang tingin mo sa akin? Kabayong babae?
Paumanhin, hindi sinasadya ng kapatid ko.
Paumanhin kung nasaktan kita, Hortense.
Mapang-uyam lang, pero hindi kita hinuhusgahan.
Syempre, hinuhusgahan mo ako. Iyon mismo ang ginagawa mo.
Hortense!
Ano na namang sinabi mo?
Pinapahiya mo na naman ako.
-'Di ko sinasadyang saktan siya. -Tahimik.
Pinaglalaruan mo ang karera ko at ang pangalan natin. Mag-isip ka, hunghang!
-Salamat, Marthe. -Walang anuman, Bb. Eugénie.
Diretso! Diretso!
Hindi, pabalik.
Sa kanan. Ingat, Louis!
-Sa kanan. -Hindi, sa kabilang kanan.
-Mabigat, Eugénie! -Diyan.
-Dito? -Oo.
Hindi ba't diyan din galing iyan?
Oo, diyan nga.
Kunin na natin ang mga dekorasyon?
Sige!
Nasaan ang mga laso?
Nasa malaking lalagyan doon.
-Dito? -Oo.
Paano ko mabubuksan?
Pwede mo akong tulungan?
Ito?
Eugénie, tulungan mo ako, hindi ko...
Eugénie!
Eugénie?
Eugénie!
Nandito ako.
Dito ka lang.
Dito ka lang.
Ano'ng magagawa ko?
Tapos na. Tapos na.
Tinakot mo ako nang sobra!
Siya ba uli?
Hindi, hindi siya.
Ano'ng ibig mong sabihin?
May nakikita akong iba.
Iba-iba ang mga atake.
Kailan lang, isang batang babae ang nakikipag-usap sa akin.
Naghihirap siya.
Kung makikita mo lang siya.
Tulungan ko raw siya, pero 'di ko alam kung paano.
Pakiramdam ko, wala akong silbi.
Mahal kong kapatid!
Nabasa ko ang aklat na iyon.
Nabuksan no'n ang isip ko sa lahat.
Kausapin mo ako, magsalita ka.
Natatakot ako.
Alam mong natatakot ako sa ganito.
Sabi sa aklat, hindi ako nag-iisa.
Totoo ang mga espiritu.
Ayos lang iyan.
Sa unang pagkakataon, hindi ako natatakot sa sarili ko.
Paano kung nakakita ka ng iba?
Alam mo nangyayari sa mga babaeng gaya mo.
Mga babaeng gaya ko.
Hinihintay ko ang isang iyon.
-Nangunguna ka pa rin. -Masuwerte ako ngayon.
No comments yet. Be the first to leave one.