The first 200 lines.
LOVE NEXT DOOR
Ang ganda ng panahon!
Oo, magandang mag-hiking ngayon.
Tanggalin mo 'yang sunglass mo bago ka pa madapa riyan.
Sige.
-Uy, In-suk. -O?
Ang ganda ng kutis mo ngayon, a.
-Talaga? -Oo.
Mukhang gumagana na ang Botox ko.
Teka, nagpa-Botox ka? Saan?
-Dito sa may ilong, sa may gilid ng labi… -At?
at sa halos buong mukha.
-Hindi ako payag diyan. -Bakit hindi?
Masyado nang hindi natural para sa 'kin.
Pinakamaganda kapag natural kang tumatanda.
Sabi ng babaeng gumagamit ng mga mamahaling pampaganda.
Nirerespeto ko lang ang kutis ko.
O, sige, lupain ng respeto kasi 'tong bansa natin.
-Uy, Jae-suk. -O?
May ginawa ka rin ba sa kutis mo? Ang ganda mo kasi.
Uminom ako ng prune juice kahapon.
Mukhang mabisa naman 'yon.
-Oo nga. -Grabe.
Di ko na na-kontrol ang puwit ko.
Ano'ng kinain mo kahapon?
-Prune juice. -Prune juice!
Ako rin.
Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin
at nakitang mukhang tokwang napisa ang puwit ko.
Dati mukhang silang mga peach, e, di ba?
-Oo nga. -Nakakainis talaga.
Kaya dapat nag-eehersisyo tayo sa ganitong edad.
Kaya nga tayo magha-hiking, di ba?
Hindi hiking ang tinutukoy ko.
-E, ano? -Pisil tapos bitaw.
-Di ako magaling doon. -Ano'ng ginagawa mo?
Kegel exercises.
-Mauna na 'ko. -Kegel exercises.
-Pisil tapos bitaw. -Ang bango ng simoy ng hangin.
Ay, naku!
Hoy!
Ang baho!
Uy, hintayin n'yo 'ko!
Teka lang!
Hoy!
'Wag kang lalapit sa 'kin!
Diyos ko po. Grabe ka.
Hala, Mi-suk. Bago ba 'tong damit mo?
-Wow. -Ang ganda ng kulay!
Mukhang nagbago na rin ang hilig ko kasabay ng pagtanda.
Nahihilig na 'ko sa pulang damit.
Wala 'yan sa hilig, kundi dahil sa siyensiya.
Habang tumatanda tayo, nagbabago ang retinal microvasculature
kaya mas nahihirapan tayong makita ang mga maiiksing kulay tulad ng asul,
kumpara sa mga mahahabang kulay kagaya ng pula.
Ang saya siguro na maraming alam.
Gawa ito sa kapaki-pakinabang na tela. Alam n'yo 'yong "Core-Tex"?
Hindi ba't "Gore-Tex" 'yon? Hindi "Core-Tex."
A, oo nga. Nabulol lang ako.
Pinadala 'to ng anak ko galing Amerika. Sobrang mahal nito.
-Mukhang mamahalin nga. -Oo nga.
Napakabuting anak ni Seok-ryu.
Oo nga.
Hindi ako komportableng makatanggap ng mga regalo sa anak ko
na galing sa pinaghirapan niyang pera.
Para namang may natanggap ka galing sa kaniya.
Hindi kasi ako materyalistiko.
Regalo na para sa 'kin ang presensiya ng anak kong si Seung-hyo.
Sinasabi mo bang hindi gano'n ang anak ko?
Ayaw ko na sanang magyabang,
pero nito lang, nakipagkita si Seung-hyo sa presidente.
Nagdisenyo siya ng isang aklatang pinarangalan
sa isang architecture competition kaya bumisita mismo ang presidente
at pinuri ito sa pagiging magandang modelo ng pampublikong pasilidad.
Kahanga-hanga talaga si Seung-hyo.
Oo naman.
Makinig kayo.
Kilala n'yo ba ang pangalawang pinakamayamang tao sa mundo?
-Oo. Si Jaden Becker. -Tama.
'Yong CEO ng Greip?
Hindi kilala ng buong mundo kung sino ang presidente ng South Korea,
pero si Jaden Becker, oo.
Tuwing Biyernes ng gabi,
tumatambay at nag-iinuman sila ni Seok-ryu.
Dahil 'yon nagtra-trabaho siya sa pinakakilalang kompanya sa mundo
matapos magtapos sa nangungunang unibersidad sa Amerika.
Alam n'yo naman, nangunguna sa klase si Seung-hyo sa Hanguk University.
Hindi lang maagang nakapagtapos si Seok-ryu
pero inalok din siya ng iba't ibang nangungunang kompanya.
Hindi Greip ang pumili kay Seok-ryu.
Siya ang pumili sa kanila.
Tumulong si Seung-hyo na idisenyo ang New York Art Center,
na nanalo ng pandaigdig na parangal na arkitektural.
Siya ang unang Koreanong nakagawa no'n!
Si Seok-ryu ang pinakamahusay na empleado
sa kompanyang pandaigdig na puno ng mga henyo!
Sa mga insentibo pa lang, grabe na ang kinikita niya!
Baka nakakalimutan mong nasa national swim team din si Seung-hyo.
Mahirap para sa ibang taong maging mahusay sa iba't ibang larangan,
pero nakayahan 'yon ng anak ko.
Hoy, hulog ng langit si Seok-ryu.
Alam mo ba kung ano'ng panaginip ko no'ng ipinagbubuntis ko siya?
-Nasa… -Nasa isang makulay na paraiso ka
-at may nakita kang malaking puno ro'n. -Oo.
Nabighani ka rito at nakakita ng makatas na pomegranate.
Kaya pinitas mo ito at ipinagbuntis si Seok-ryu.
-Kabisado ko na 'yan. -Salamat.
Parang kuwentong pambata naman. Pero si Seung-hyo…
Pero si Seung-hyo, itinalaga kang magtrabaho sa France,
lingid sa kaalaman mong buntis ka.
At nanaginip kang may lumabas na asul na dragon mula sa Seine.
Naaalala mo lahat ng 'yon?
Kakaibang klase ng alamat 'yan, a.
-Alam mo ba… -Pambihira.
Pare-pareho lang ang pinagtatalunan nilang dalawa.
Nakakabaliw na.
Gusto lang nilang ipagyabang ang mga matagumpay nilang anak.
Sino sa tingin mo'ng mananalo ngayon?
-Si Hye-suk. -Bakit siya?
Dahil diplomatiko siya at mapanghikayat?
Hindi, dahil makakatanggap na naman ng parangal si Seung-hyo ngayon.
CHOI SEUNG-HYO
Seung-hyo!
A, ikaw pala sir.
Nakarating ka.
Akala ko mga kilalang tao lang ang nakakadalo sa mga ganitong party.
Sikat na sikat na talaga si Seung-hyo!
Nasaan siya?
Si Seung-hyo? Di ko alam.
Ha?
CHOI SEUNG-HYO CEO, REHISTRADONG ARKITEKTO
Gusto mong magdisenyo ng isang libingan?
Oo.
Pero bakit mo 'ko ipinatawag?
Maraming punerarya na ang nabisita ko para magsaliksik,
pero wala pa 'kong na-interview na trabahador do'n.
Balita ko, 20 taon ka nang direktor sa punerarya.
Gano'n na ba katagal?
Sa tagal ko sa trabahong 'to,
wala pang nag-interview sa 'kin dati.
Gano'n ba.
Gusto ko maayos ang trabaho ko.
Isang maayos na trabaho
na may katapatan.
Di ko alam kung makakatulong ako.
Sabihin mo lang sa 'kin nang matapat
ang pakiramdam mo sa trabahong 'to.
Ang totoo niyan, kamamatay lang ng nanay ko.
Nakikiramay ako.
Pagdaraanan naman 'yon ng lahat.
Pero nakakagaan ng loob sa 'kin
na ako mismo ang maghahatid sa kaniya.
Siguradong masaya siyang
nandoon ang anak niya para magpaalam sa kaniya.
Tama ka.
Kaya nga
gusto kong masaya ang mga tao pag bumibisita rito.
Di naman dapat laging seryoso at malungkot ang mga libingan.
Minsan ding namuhay ang mga nakalibing dito.
Minamahal natin silang mga kaibigan at kapamilya.
Magtayo kaya tayo ng Kanlungan ng mga Alaala ro'n sa lobby?
Parang isang maliit na aklatan o kapihan.
Pupunuin natin 'to ng mga bagay na minahal ng mga yumao,
tulad ng mga libro o musika.
Para gunitain ng mga bisita ang mga mahal nila sa buhay.
Malungkot man sila,
gusto kong mapawi ng mga ngiti ang mga luha nila.
Gusto ko 'yan.
Paano mo naisip 'yan?
Pasensiya na.
Sasagutin ko muna 'to.
Hello.
Mamaya na lang, Myeong-u.
Nasaang lupalop ka na naman? Magsisimula na ang awards ceremony!
Papunta na 'ko.
Sa pamamagitan ng disenyo na umaayon sa kapaligiran…
Si Seung-hyo na ang susunod na aakyat sa entablado.
Makakarating daw ba siya?
Ano'ng ginagawa mo?
E, ako ang co-CEO ng Architectural Firm Atelier In,
kaya ako dapat ang tumanggap ng parangal sa ngalan niya.
I-aanunsiyo naman natin ang nanalo ng Creative Award.
Naku.
Ang nanalo ng Creative Award para sa 2024 Magazine Awards
-ay si… -Naku.
arkitekto at co-CEO ng architectural film na Atelier In,
Choi Seung-hyo.
-Babalik ako. -Teka, hindi.
-Ha? -Bakit?
-Uy, Myeong-u. -Seung-hyo!
-Di pa naman ako huli, di ba? -Oo.
Sa wakas, dumating din.
Sakto ang dating ng bida.
Sa ganiyang mukha, siya dapat talaga ang bida.
MAGAZINE DESIGN AWARDS CREATIVE AWARD
Pakinggan natin ang talumpati sa pagtanggap ni Mr. Choi Seung-hyo.
Salamat.
Sinabihan ko na siyang maghanda ng talumpati, e.
Mas marami dapat siyang sinabi
para makunan ang kagawapuhan niya sa lahat ng angulo.
No comments yet. Be the first to leave one.