The first 200 lines.
SEE YOU IN MY 19TH LIFE
ANG IKAANIM KONG BUHAY
May panahon noon na nabuhay ako sa isang tahimik at magandang lugar.
"May makikilala kaya ako na kaya rin maalala ang nakaraan nilang buhay?"
O kaya…
"May makikilala kaya ako na maniniwala sa 'kin?"
Madalas ko 'yon isipin habang nakatingin sa madilim na langit.
Paano mo alam
ang piyesang 'yan?
Dahil ako…
ang nagsulat nito.
"Tugtugin mo 'to kapag nami-miss mo ang isang tao."
Mas gagaan ang pakiramdam mo.
Sinabi 'yon ni Ju-won, di ba?
Paano mo alam 'yan?
Dahil ako si Yoon Ju-won.
Alam kong mahirap paniwalaan.
Pero 'yon ang totoo.
Alam kong gusto mong pagaanin ang loob ko.
Pero magkukunwari akong di mo sinabi 'yan.
Kaya umalis ka na.
Director Mun.
Gusto ko lang sabihin na
may kinalaman 'to sa milagro.
'Yong milagro na ang Yoon Ju-won ng nakaraan ay buhay pa rin…
at patuloy na mabubuhay sa hinaharap.
Ang Buwan at ang Kagubatan ng Mangkukulam sa Kanluran,
naaalala mo ba?
'Yon ang paboritong libro ni Ju-won no'ng 12 pa lang siya.
Ano'ng binabasa mo?
Ang Buwan at ang Kagubatan ng Mangkukulam sa Kanluran.
Tungkol saan ba 'yan?
Kuwento ito ng isang imortal na mangkukulam na naghahanap
ng tunay na pag-ibig.
Bakit ba siya imortal?
Di niya rin alam kung bakit.
At masakit 'yon para sa kaniya.
Paano naging masakit 'yon?
Di ba maganda naman maging imortal?
Hindi lagi.
Hindi dahil sa imortal ang mangkukulam.
Naaalala lang niya
ang mga nakaraan niyang buhay tuwing ipinapanganak siya ulit.
Mga nakaraang buhay?
Ano ba ang mga pinagsasabi mo?
Malalaman mo rin 'yon.
'Yong susi para sa jewelry box na binigay ni Ju-won sa 'yo no'ng birthday mo
ay nasa librong 'yon.
Kapag nahanap mo ang susi at nabuksan mo na ang box,
basahin mo 'tong sulat.
Sundan mo ang pagkakasunod-sunod.
Buksan mo muna ang jewelry box,
tapos basahin mo ang sulat.
Okay?
Maghihintay ako, Seo-ha.
Paano ko bubuksan 'to?
Itinago ko 'yong susi.
Sa amusement park?
Di ko naman pinahirapan ang sarili ko.
Sasabihin ko kung nasaan basta magpapakabait ka.
Lagi mo na lang 'to ginagawa.
Sundan mo ang pagkakasunod-sunod.
Buksan mo muna ang jewelry box,
tapos basahin mo ang sulat.
Knock, knock.
Uy, nandito ka na pala.
- Di ka pa ba tapos? - Hindi, tapos na ako.
Dito tayo.
- Maupo ka. - Okay.
Ano ba'ng problema?
Sinabi ko na kay Seo-ha
na ako si Ju-won.
Talaga?
Naniwala ba siya?
Hayaan muna natin siya.
Paano kung di siya maniwala?
Kung gano'n, baka iwan na niya ako.
Umaasa ako na maniniwala siya.
Pero handa naman ako kung hindi.
Bakit naman bigla-bigla?
Akala ko di mo muna sasabihin?
Mayroon akong gustong sabihin kay Seo-ha.
Hindi bilang si Ban Ji-eum, kundi bilang si Yoon Ju-won.
Para sa 'kin, masaya akong bumalik ka.
Pero ano ba'ng pakiramdam na maalala ang mga nakaraan mong buhay?
Dahil paulit-ulit na akong nabuhay,
napakarami ko nang karanasan at marami na rin akong nakilala.
'Nay! Ako 'to, si Hae-wol!
'Nay!
Maraming tao na rin ang nawala sa 'kin.
Seo-ha.
Para sa 'kin,
birthday o death anniversary araw-araw
ng taong minahal ko sa nakaraan.
Naiintindihan ko.
Mahirap siguro 'to para sa 'yo.
Wala ka nang mararamdaman pag lagi itong nangyayari.
Minsan pa nga,
di na ako umaasa sa mga bagay-bagay.
Iniisip ko na lang, "Lilipas din ang buhay na 'to."
"Siguro namatay na 'ko at nabuhay ulit."
'Yon ang nararamdaman ko.
Pero may isang bagay na nagpalungkot sa akin.
Na wala akong mapagkukuwentuhan
ng mga magaganda at masasama kong alaala.
Lahat sila ay namatay o nawala na,
at walang nakakakilala sa 'kin.
Pero ngayon,
masaya ako dahil sa 'yo.
Iyakin ka talaga.
Hindi kaya.
NAKATAKDA KANG MAKITA ULIT ANG TAONG NAWALAY SA IYO
Hindi dahil sa imortal ang mangkukulam.
Naaalala lang niya
ang mga nakaraan niyang buhay tuwing ipinapanganak siya ulit.
Di ito ang una kong buhay.
Dahil ako si Yoon Ju-won.
Ms. Ban.
Seo-ha.
Sorry.
Seo-ha.
May driver ba ng truck sa mga may utang sa inyo?
Seo-ha.
Ju-won.
Ano'ng sinabi niya?
May namatay
at nando'n si Director Mun sa pinangyarihan.
Isang pagkakamali lang
at lalabas ang balita tungkol sa aksidente.
Tama na 'yan.
Kung saan-saan na nagtatanong si Seo-ha
at kinakabahan na si Director Lee.
Baka lamunin siya ng konsensiya niya
at aminin kay Seo-ha na siya ang salarin.
Problema 'to para sa 'yo, Chairman Mun.
At pagkakataon naman 'to para sa 'kin.
Kagaya ng dati,
ako na'ng bahala rito.
Alam kong…
magkakasundo tayo sa mga bagay na ito.
Hala.
Bakit nandito 'yan?
Seryoso ka ba, Mr. Kang?
May naiwan ka sa kuwarto ko.
'Yon ba?
"'Yon ba"?
Muntik na kaya ako atakihin sa puso dahil dito.
Hinawakan mo ba?
Muntik na.
Gustong-gusto mo itong hawakan dati.
Ayaw mo ba malaman…
ang una mong buhay?
Ang totoo, gusto ko naman.
Pero di na masyado ngayon.
Bakit?
May dapat ka pa bang unahin?
Mas malahaga ang inaasikaso ko.
'Yon ang pagtutuunan ko ng pansin.
Di na mahalaga sa 'kin ang una kong buhay.
Di na 'yon importante.
Gano'n pala.
Kaya, Mr. Kang Min-gi,
matutulog na ako.
Wala palang halaga 'yon.
Alam mo ba kung ano ang mga nakaraang buhay?
Di ito ang una kong buhay.
"Ang Buwan at ang Kagubatan ng Mangkukulam sa Kanluran."
"Ang Buwan…"
Nilipat siguro doon sa itaas
ang mga libro ko no'ng bata ako.
ANG BUWAN AT ANG KAGUBATAN NG MANGKUKULAM SA KANLURAN
Nahanap ko na.
May susi nga.
'Yong susi para sa jewelry box na binigay ni Ju-won sa 'yo no'ng birthday mo
ay nasa librong 'yon.
Welcome, sir.
Hinihintay ka na ng chairman.
Salamat. Nasa taas ba siya?
Opo, dito tayo.
Okay lang. Ako na'ang bahala.
Seo-ha.
Bakit ka nandito sa inyo?
Ipinatawag ka ba ng papa mo?
Hindi.
May kailangan lang akong tingnan.
Di mo sinagot ang tawag ko kahapon.
Kaya inisip ko na busy ka.
Ikaw talaga.
Nagkita na ba kayo ng papa mo?
Bakit di tayo magsabay-sabay kumain?
May trabaho pa ako.
Sige.
Parang matamlay ka.
May sakit ka ba?
Sabihan mo ako agad
kung masama ang pakiramdam mo.
Matagal kong inalagaan ang mama mo,
kaya parang naging doktor na rin ako.
Bakit nakatayo ka lang diyan?
Nakita ko kasi na nandito si Seo-ha.
No comments yet. Be the first to leave one.