The first 200 lines.
Do-hee.
- May… - Tapusin na natin mamaya
ang pag-aayos sa Christmas tree.
Ipapa-book ko na rin 'yong couple set na hindi natin nakuha dati.
Sana puwede pa.
Mukhang…
hindi tayo magpa-Pasko nang magkasama.
Do-hee.
Iligtas mo ang sarili mo…
mula sa impiyerno.
Gu-won.
Gu-won.
Sa sandaling humihip ang malamig na hangin sa ibabaw ng lupa sa Oktubre,
hudyat ng pagdating ng taglamig,
nagsimula na ang tagsibol sa ilalim ng lupa.
Pero ibig sabihin din na kapag namukadkad na ang cherry blossoms sa tagsibol,
nagsimula na ang taglamig sa ilalim ng lupa.
Kahit sa masasayang sandaling magkasama kami,
siguro nagsimula na rin
ang pagtatapos namin.
EPISODE 15 THE END OF FATE
PATOK NGAYONG 2023 ANG ZERO SUGAR
PATOK NGAYONG 2023 ANG ZERO SUGAR
Ano?
Inilipat ko sa hapon ang lahat ng gagawin n'yo ngayong umaga.
Salamat.
Pupunta ako sa opisina pagkatapos kong makausap ang prosecutor.
Ayos lang bang mag-isa kayo riyan?
Di ba dapat kasama n'yo ang abogado n'yo?
Ayos lang ako. Magkita tayo mamaya.
Sir.
OPISINA NG CHIEF PROSECUTOR
Hello.
Ms. Do.
CHIEF PROSECUTOR CHOI WOO-SUN
Masaya akong makita kang muli.
Gagalingan ko
gaya ng pangalan ko.
Sigurado akong natatandaan mo 'ko.
Di ko alam na ikaw pala ang prosecutor na hahawak ng kaso ko.
Oo nga, e.
Pagkakataon nga naman, di ba?
Maupo ka.
May isang linggo na rin
mula nang tumalon sa Han River ang suspect na si Noh Suk-min.
Di pa rin ba natatagpuan ang katawan niya?
Oo.
Matatapos ba ang imbestigasyon pag natagpuan na ang katawan niya?
Pag namatay ang suspect,
karaniwang sinasarado na ang kaso dahil wala nang taong lilitisin pa.
Balita ko,
humiling ka raw ng isang patas na imbestigasyon.
May mga di pa rin malinaw sa pagkamatay ni Chairwoman Ju.
Dahil wala na si Noh Suk-min para umamin,
gusto kong makuha ang katotohanan sa imbestigasyon.
Kaya kailangan mo…
ng isang magaling na prosecutor gaya ko.
Ipagpaumanhin mo.
Desidido akong bigyang linaw ang mga krimeng nagawa ni Noh Suk-min
at siguraduhing di na mauulit ang ganito sa bansa natin.
Pinapangako kong lulutasin 'to
kahit ano ang mangyari.
- Sige. - Kaya,
- mag-selfie muna tayo. - Ha?
- Ayos ka lang ba? - Oo, ayos lang ako.
Sige. 'Wag ka sanang magkasakit.
Kung di naman kalabisan, puwede ko bang i-post 'to sa social media?
Mukhang di tama 'yon.
Di pa rin natatagpuan ang katawan ni Chairman Noh.
Ayon sa pulis, napakahirap ng paghahanap
dahil nahulog siya sa Han River mula sa pinakatuktok ng isang gusali.
- Mama. - Mama.
Austin.
Justin.
- Mr. Han. - Ano?
Ms. Choi.
Di pa rin daw natatagpuan ang katawan niya.
Hoy!
May isang linggo na.
Siguro kinain na siya ng mga isda.
Iba talaga ang mga chaebol kaysa sa mga normal na tao gaya natin.
Paano niya nagawa 'yon sa pamilya niya?
Binebenta kasi ng mga chaebol ang mga kaluluwa nila sa diyablo.
Tama.
'Yon ang kailangang gawin
para maging isang chaebol .
Chaebol din si Ms. Do.
Iba siya.
Pinaghirapan niya 'yon.
- Di siya ipinanganak na chaebol . - Mismo.
Naiiba pala siya.
Nga pala, ang makita si Mr. Jeong ang pinakamagandang benepisyo rito
pero matagal ko na siyang di nakikita.
Nag-away kaya sila?
- Imposible. - Tingin mo?
Kung sabagay, pakiramdam ko
may kulang sa opisina pag wala siya.
Oo nga.
Wala siyang masyadong ginagawa, pero ang lakas ng dating niya.
Walang kabuhay-buhay ang teatro,
kahit naman dati nang laging wala si Director Jeong
at di siya nagtatagal dito.
Mula ngayon,
ikaw na ang executive director ng Sunwol Foundation.
EXECUTIVE DIRECTOR PARK BOK-GYU
Ano naman 'to? Nanganganib na naman ba kayo?
Magpapakalayo-layo…
muna ako.
Iiwan ko muna sa 'yo ang foundation hanggang sa pagbalik ko.
Hanggang kailan kayo mawawala?
Hanggang sa magkaroon ng masayang wakas…
si Do-hee nang wala ako.
Director Jeong.
Kailan ka aalis?
Sa oras na matapos ako rito.
Sana mahanap mo ang kapayapaan
kung saan ka man mapadpad.
Tinanong ko ang sarili ko,
"Kung nalaman ko ba kung kailan dapat huminto,
magiging masaya ba ako na makasalamuha ka?"
At ang sagot…
Hindi.
Ganito pa rin ang kahahantungan ko.
Di ako gano'n kabait para maging kasamahang tao.
Siguradong masasaktan lang kita.
Alam mo ba ang kuwentong,
"Ang Alakdan at ang Palaka"?
Gustong tawirin ng alakdan ang ilog
kaya nakiusap ito sa palaka na buhatin siya patawid.
Pero natatakot ang palaka na baka tusukin siya nito.
Kaya sinabi ng alakdan, "Malulunod ako pag pinatay kita."
Nakumbinsi ang palaka kaya binuhat niya ang alakdan.
Pero natakot ang alakdan sa malalakas na agos ng tubig
kaya natusok niya ang palaka.
Sinabi ng palaka, "Bakit mo ginawa 'yon?
Pareho na tayong mamamatay ngayon."
Malungkot na sumagot ang alakdan,
"Di ko napigilan."
"Talagang…
gano'n na ako."
Siguradong ganito rin ang kahahantungan ko
dahil talagang ganito na ako.
Ito na ang pagkatao ko.
Oo.
Tama ka.
Hahantong pa rin tayo…
sa ganito.
Nakalalason din ba ang pag-ibig niya?
Kung susuotin 'to ni Do-hee,
maaalala kaya niya ang nakalipas niyang buhay gaya ko?
Baka mabago nito ang takbo ng tadhana.
Hindi.
Binalaan na 'ko ni Director Jeong sa pagiging madaldal ko.
Di na dapat ako makialam.
Boss!
Boss!
Kumusta kayo.
May hinahanap lang ako rito.
Nasaan ang boss?
Puwede ko bang malaman kung para saan?
May mahalaga akong ibibigay sa kaniya.
Mahalaga?
Nagbukas kami ng restaurant.
NAPAKASARAP! SUNNY SPOT RICE SOUP
"Sunny Spot Rice Soup"?
Tama.
Taas noo na rin kaming makakaharap kay Boss ngayon.
- Gano'n pala. - Bale, nasaan na siya?
E kasi…
Boss…
Ms. Do.
Tanghalian na po.
Di ako nagugutom. Mauna ka na.
Ang aga mo.
May oras pa naman tayo.
Alam kong di ka magtatanghalian
kaya maaga akong pumunta para sabayan kang kumain.
Di ako nagugutom.
Pero ako, oo.
Sabayan mo na 'ko, puwede?
Sige na nga.
Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo na nagpapalipas ka ng gutom?
Sinusuri ko ang sagot na ginawa ng compensation committee.
Kailangan kong maging mabusisi, kung hindi, babatikusin 'yon ng board.
Napakadaling lang magparatang ng iba,
pero napakahirap patunayan ng katotohanan.
Siyanga pala.
Narinig kong pipirma ang kompanya mo ng MOU.
Pipirima kami ngayong linggo.
Sa wakas, mapapasok mo na ang American market.
Siguradong maiinggit sa 'yo si Su-ahn.
Tungkol nga pala kay Mr. Jeong,
naglaho na ba talaga siya?
Paso na kasi ang kontrata namin.
Nagkasundo kaming magsama hanggang sa mahuli lang ang salarin
at mabawi na niya ang tattoo niya.
Bumalik na sa dati ang lahat.
Sana mas mapasigla ka nito.
Karne ng pato 'to.
Tingin ko si Ms. Do ang mas kailangan ng pampasigla.
No comments yet. Be the first to leave one.