The first 200 lines.
KING THE LAND
Kumusta. Salamat sa pagtatrabaho n'yo.
Sir,
may problema po ba?
Matagal-tagal na rin,
di ba?
Kumusta ka na?
Sa tingin ko, di 'yan ang tamang tanong
mula sa taong alam ang buong pangyayari kung paano ako pinalayas.
'Wag mong sabihin
na inaasahan mong masaya ako
matapos mawala sa akin ang anak ko
at naglaho na parang bula?
Patawarin mo 'ko.
Wala pa akong kapangyarihan noon.
Hindi.
Kahit ngayon pa mangyari 'yon…
Pipiliin mo pa rin ang kompanya.
Ganoon…
kang klaseng tao.
Tradisyon siguro 'yon ng pamilya.
Tinanggal mo siya
habang nasa business trip si Won.
Gaya ko.
Kung di ka lang sana bumuo ng unyon,
hindi mangyayari 'yon.
Inudyukan ng asawa ng presidente
ang mga empleyado na kalabanin ang kompanya.
Paano ka matatanggap ng tatay ko?
Ikaw ang sumira sa pangako natin.
Tinalikuran mo ang lahat ng mga pinangarap natin.
Para maprotektahan ang lahat.
Pinili mo ang pinakamadaling iwan,
at ako 'yon.
May isang dahilan lang kung bakit
ako umalis nang tahimik.
Para kay Won.
Ginamit ng tatay mo ang bata
para takutin ako.
Sabi niya, poprotektahan niya si Won
kung mawawala ako.
Kaya nabuhay ako nang walang nakakaalam.
Na para bang di ako ipinanganak man lang.
Palagi kong…
pinagsisihan 'yon.
Hindi ako narito para magpatawad.
Nandito ako para balaan ka.
'Wag mong ilagay si Won sa isang mahirap na sitwasyon.
Kapag ipinagpatuloy mo pa rin,
hindi na lang ako uupo at manonood.
Hindi…
ko nagawang mabuhay ayon sa gusto ko.
Ikaw…
nabuhay ka ba sa paraang ginusto mo?
Hayaan mo siyang mabuhay sa paraang gusto niya.
Hayaan mo siyang mabuhay para sarili niya,
hindi para sa kompanya o sa pamilya.
'Yan ang dapat mong gawin bilang magulang niya.
Dapat ko ring ituro sa kaniya ang tamang landas.
Kahit na siya pa rin ang magpapasiya sa sarili niya.
Mabuti naman
na marinig na hinahayaan mo siyang magpasiya.
Aalis na 'ko.
HIndi ka man lang magpapakita kay Won?
Nasa akin na 'yon.
Maayos na siya ngayon.
Huwag mo siyang lilituhin.
Di na ako natatakot sa mga bantang 'yan.
HEAD MANAGER GU WON
Won.
Won.
Ako na ang gagawa niyan.
Isa 'tong…
pocket watch.
'Wag mo itong iwawala kahit ano'ng mangyari.
Opo.
Won.
Ako 'to, si Mama.
Naaalala…
mo pa ba ako?
Bakit kayo nandito?
Nandito ako para humingi ng tawad.
Para saan?
Lagi kong ikinakatakot…
na hindi kita maprotektahan.
Parang dahilan lang ito,
pero naisip ko, ang iwanan ka
ang tanging paraan upang protektahan ka.
Nalaman ko kung bakit kayo umalis.
O tamang sabihing, pinalayas.
Napakamakapangyarihan
ng mga tao sa King Group para labanan ko.
Naisip ko, ang mabuhay nang walang nakakaalam
ang pinakamainam para sa 'yo.
Pero…
nagkamali ako.
Lumaki kang mabuting tao
kahit na walang
proteksiyon ng kahit sino.
Noon,
kasing-edad n'yo ako.
Wala pa talaga kayo sa tamang edad no'n.
Kaya naisip ko, baka natakot kayo.
Naiintindihan ko na kayo ngayon kahit papaano.
Kaya
'wag na kayong makonsiyensiya at mag-alala pa.
Nagagawa mo pang alalahanin
ang ikagagaan ng loob ko.
Malaki ka na nga.
Hindi ako gumagawa ng paraan para mapanatag kayo.
At di ko rin pinipilit ang sarili ko na intindihin kayo.
Kasi…
alam ko na ang pakiramdam ng may gusto kang protektahan…
na mahalaga para sa 'yo.
Kaya mula ngayon, mabuhay na kayo para sa sarili ninyo.
'Wag n'yo nang protektahan ang sinuman
o magtago nang dahil sa akin.
Mabuhay kayo ayon sa gusto ninyo.
'Wag…
mo akong patawarin.
Kahit ano pa ang dahilan,
iniwan pa rin kita
at…
naging dahilan ng paghihirap mo.
Ni minsan di ako nagalit sa inyo.
Kahit na kaunti lang ang mga alaala ko sa inyo…
Nararamdaman ko pa rin
kung gaano n'yo ako kamahal.
"Hindi niya ako kayang iwan."
"Wala lang siyang ibang mapagpipilian,
kaya iniwan niya muna ako pansamantala."
'Yan ang pinanghawakan ko
para makayanan ko ang mahabang mga taon na 'yon.
Salamat dahil hindi n'yo ako binigo.
'Yan lang ang kailangan ko.
Pasensiya ka na dahil ito lang
ang kaya kong sabihin…
Patawarin mo 'ko.
Mauuna na ho ako.
Maging maayos sana kayo.
Ma, mahal kita.
Ako rin.
EPISODE 15
Kuha mo pa rin.
Dapat 90 porsiyentong puno lang ang cotton pads at swabs.
Naaalala ko pa rin ang mga itinuro mo.
Napakatalino mo talaga.
Uupo lang muna ako sandali.
Di ko alam na magtatrabaho pala ako sa sauna.
Mahirap sa lugar na 'to.
Tapunan ang lugar na 'to.
Pinadala nila tayo kasi kulang ang mga tao rito.
Mula pa no'ng dumating ako rito,
di na sila tumanggap ng bago kasi raw magsasara na rin naman,
pero limang taon na ang lumipas.
Magsasara na nga ba ito?
Nawawalan na tayo ng mga guest at napakababa ng benta.
Nakakatagal pa ang hotel dahil sa mga kasalan,
1st birthday parties, at 70th birthday parties,
pero di pa rin 'yon sapat.
Pag nagsara ang lugar na 'to, wala na tayong mapupuntahan.
Parang magkakapamilya na ang lahat dito.
Nakakahinayang naman kung mawawala na lang ito.
Kaya nga nagtitiyaga ang lahat.
Gusto nilang iligtas ang hotel.
Tibayan natin ang loob natin.
Kaya natin 'to!
Siyanga pala,
kumusta na kayo ni Mr. Gu?
Ano'ng ibig mong sabihin?
Ayos pa rin ba kayo?
Matagal-tagal ka na rin dito, pero di ka pa niya binisita.
Kaya nga akala ng lahat, wala na kayo.
Masyado lang siyang busy.
Kumusta, Mr. Wang.
Bakit hinintay n'yo pa 'ko?
Sige na, kumain na kayo.
Kumain kayo nang marami, sir.
Kumain na ako. Lampas tanghalian na.
Kaya ko ipinatawag kayong lahat…
Bakit di n'yo gamitin ang vacation days n'yo?
Hindi ko kayo mababayaran kahit di n'yo gamitin 'yon.
Siguruhin n'yong magagamit n'yo lahat 'yon bago matapos ang Hunyo, ha?
Di naman po sa ayaw namin.
Paano kami magpapahinga kung kulang na kulang sa tao?
Sinabi ko na sa inyo, 'wag na kayong magpakasipag.
Kung ganiyan kayo kapursigido, humanap na kayo ng ibang trabaho
kasi malapit nang ibenta ang hotel na 'to.
Sigurado na po ba?
Malapit ko nang marinig ang magandang balita.
Kaya 'wag na kayong mag-aksaya ng oras
at ayusin n'yo na ang résumé n'yo.
Mr. Wang,
alam kong wala akong karapatang magsalita,
pero bakit di tayo magtulungang maghanap ng paraan para masagip ang hotel?
Bakit ba napakapursigido n'yo sa hotel na 'to na malapit nang malugi?
Nagsasakripisyo ang lahat
at ginagawa ang abot ng makakaya para pangalagaan ang hotel.
Kung lahat lang tayo--
Tinanggal ka sa King Hotel, di ba?
No comments yet. Be the first to leave one.