The first 200 lines.
HEARTBEAT
ANG MGA TAUHAN, PANGALAN, ORGANISASYON, GRUPO, KAGANAPAN,
AT PINANGYARIHAN AY KATHANG-ISIP LAMANG AT SINUNOD ANG MGA ANIMAL SAFETY GUIDELINE
Mukhang pareho n'yong gustong mamatay.
Butler Joo, ayos ka lang ba?
Hoy, tumigil ka!
Woo-hyeol.
Lumayo ka sa kaniya!
In-hae.
In-hae.
In-hae, ayos ka lang ba?
In-hae.
Gumising ka.
In-hae.
HEARTBEAT EPISODE 13
Woo-hyeol...
Pag-ibig na magpapatibok ng puso mo?
Naniniwala ka ba na ang isang bampira na sumisipsip ng dugo
ay puwedeng umibig?
Halimaw ka.
Di ko kayang saktan si Butler Joo.
Kahit kailan.
Ano'ng nangyari sa lugar na 'to?
Kakalinis lang natin, pero ang kalat na naman.
Woo-hyeol!
Butler Joo!
Saan sila nagpunta pagkatapos ng lahat ng kalat na 'to?
Di naman siguro sila nag-away o kung ano, 'no?
Ano'ng sinasabi mo?
Imposible.
In-hae.
Ayos ka lang ba?
Do-sik?
Ano'ng nangyari?
Nagkaroon ka ng mild concussion.
Kailangan mo munang magpahinga nang ilang araw.
Salamat, Do-sik.
Nasaan si Woo-hyeol?
Hinahanap mo siya sa kabila ng kalagayan mo?
Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya tingnan kanina?
Ano'ng ibig mong...
Muntk ka nang mamatay.
Sinubukan niyang inumin ang dugo mo.
Imposible 'yon.
Hindi niya 'yon magagawa.
- In-hae. - Kung gusto niya akong patayin,
matagal na sana niyang ginawa.
Magtiwala ka sa 'kin.
Mali ang iniisip mo.
Hindi.
Sinasabi ko sa 'yo kung ano'ng nakita ko.
Ngayong nakita ko na mismo,
di ako basta na lang uupo.
Do-sik.
Delikado ang manatili sa tabi niya.
Kailangan mo nang umalis sa mansiyon.
Tutulungan kita.
Wala pa rin akong balita sa kaniya.
Nag-aalala na ako.
SEON WOO-HYEOL
Hello?
Bakit ka napatawag nang ganitong oras?
Nag-aalala lang ako
sa kaniya.
Kailangan niyang magpahinga, kaya 'wag mo na siyang tawagan.
Puwede mo bang sabihin kung nasaang ospital siya? Baka lang...
Seryoso ka? Ngayong alam ko na kung ano ka
at kung ano'ng kailangan mo kay In-hae.
'Wag mo nang tangkaing lumapit sa kaniya.
Umalis ka na lang.
SEON WOO-HYEOL DELETE
Paano kaya kung magtakda tayo ng araw?
Ng araw?
Dugo na puno ng pagmamahal.
Sinabi mong puwede kang maging tao kapag uminom ka n'on.
Kailan ka puwede?
Talaga bang bibigyan mo ako ng dugo mo?
'Yon ang talagang gusto mo, di ba?
Maging tao at maranasan ang pag-ibig na magpapatibok sa puso mo.
Gusto kong makatulong.
Sa inyong dalawa ni Butler Joo,
isa lang ang puwedeng mabuhay.
Upang maging tao,
kailangan mong ubusin ang dugo niya.
Kung di tayo puwedeng magsama
at kailangang mamatay ang isa sa atin...
Kailangang...
ako 'yon.
Sino'ng kailangan kong patayin?
Alam kong mahirap 'to para sa 'yo.
- Pero... - Pero ano?
Sinasabi mo bang ubusin ko ang dugo niya
para maging tao ako?
- Sinasabi mo bang... - Gusto kong maging tao
at maranasang umibig at bumilis ang tibok ng puso.
Pero ayaw kong pumatay para lang do'n.
Lalo na kung si Butler Joo
ang taong 'yon.
Makinig ka.
Sa tingin mo, hanggang kailan kita matutulungan?
'Wag na tayo gumawa ng mali na mahirap itama.
Kahit ano'ng sabihin mo,
di na magbabago ang isip ko.
'Wag na ulit tayong magkita.
Ako ang dapat sisihin sa lahat ng 'to.
Paano ko pagbabayaran ang lahat ng nagawa ko?
Woo-hyeol, ano'ng ginagawa mo riyan?
Uy.
Hindi lang ako makatulog.
Ano 'yong gulo kahapon?
May nangyari ba?
Di naman kayo nag-away ni Butler Joo, 'no?
May aksidente.
May pumasok dito at nanggulo.
Ano'ng nangyari kay Butler Joo?
Nasa ospital siya.
Di mo ba siya sasamahan?
Inaalagaan na siya ni Do-sik.
A.
Pero kahit na...
- Dong-seop. - O?
Ano sa tingin mo
ang nangyari
kung nagising ako bilang tao?
Puwede bang magpakatotoo?
Sige lang.
Magiging masaya ako
at malungkot.
Bakit?
Magiging masaya ako
kasi mararanasan mo nang tumibok ang puso
gaya ng matagal mo nang gusto.
Pero kung naging tao ka,
hindi ka na imortal.
Ibig sabihin, tatanda ka
at iiwan mo rin kami,
at hindi na ulit kita makikita.
Ibig sabihin, kailangan mong pasalamatan si Butler Joo
at hindi sisihin,
dahil ginising niya ako nang isang araw na mas maaga.
Oo nga, tama ka.
Bakit? Nagsisisi ka ba?
Hindi.
Masaya ako.
Kung hindi niya ako ginising,
di ko siya makikilala.
At hindi ko mararamdaman
ang nararamdaman ko ngayon.
Woo-hyeol.
Ikaw talaga.
Sige na.
Di ba masyado pang maaga para magyakapan?
Sige na nga.
- Woo-hyeol. - Pambihira.
Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya tingnan kanina?
Muntik ka nang mamatay.
Sinubukan niyang inumin ang dugo mo.
Hindi.
Imposible.
In-hae.
Do-sik, salamat sa pag-aalaga sa 'kin.
Uuwi na ako.
Ano'ng sinasabi mo?
Pasyente ka na kailangang magpahinga.
Ayos lang ako.
Magaling na ako.
Hindi.
Hindi ka mukhang magaling.
Seryoso ka bang uuwi ka roon?
- Do-sik. - Di kita puwedeng hayaang umuwi.
Sinabi ko na sa 'yong delikado.
Hindi.
Wala akong balak umalis sa bahay na 'yon.
Talaga bang
mahal mo ang bampirang 'yon o kung ano?
Dugo mo ang habol ng halimaw na 'yon para maging tao siya.
Nililinlang ka niya.
Hindi ka niya mahal.
Ginagamit ka niya para maging tao.
Kailangan niyang ubusin ang dugo mo para maging tao siya.
Mag-ingat ka sa sinasabi mo.
Hindi mo siya kilala.
Ikaw ang hindi. Gumising ka nga!
Di ko sinasabing ako ang gustuhin mo.
Kahit hindi ako.
Basta 'wag lang si Seon Woo-hyeol.
Manganganib ang buhay mo sa kaniya.
Patawad, Do-sik.
Buong buhay ko, sarili ko lang ang iniisip ko.
Wala akong oras para magmahal ng iba.
Naiintindihan ko na nag-aalala ka.
At alam kong sinasabi mo 'to para sa kapakanan ko.
- Pero... - Tama na.
Masaya akong kasama si Woo-hyeol.
In-hae.
Hindi siya ang may kailangan sa 'kin.
Kailangan ko siya.
Namuhay ako na parang isang patay bago ko siya makilala.
Pero hindi na ulit ako mamumuhay nang ganoon.
Gusto kong sundin ang puso ko
No comments yet. Be the first to leave one.