The first 200 lines.
STRONG GIRL NAM-SOON
Nam-soon?
Mama?
Halika.
Halika rito.
Nam-soon!
Nam-soon.
Nam-soon?
Mama.
Nam-soon.
Mama…
Ako na.
Para sa akin,
anim na taong-gulang…
ka pa rin.
Mama.
Tama.
Ako si Mama.
Naaalala mo ba ako?
Hindi ko naaalala,
pero nararamdaman ko.
Alam kong ikaw si Mama.
Tahan na.
Lumaki ako nang maayos at malusog.
Ang huling alaala ko sa 'yo ay noong limang taon ka pa lang,
kaya para sa akin,
mag-aanim na taon ka pa lang.
Hindi ba't ang laki ko na para sa gano'ng edad?
Kompleto na ang mga ngipin ko at mahaba na ang mga paa ko.
Bakit ang galing mong mag-Korean?
Pinag-aralan ko.
Nagbayad ng mga klase ang mga magulang ko sa Mongolia.
Sobra akong nagpapasalamat
sa mga taong nagpalaki sa 'yo.
Papuntahin na natin kaagad sila rito.
Hindi.
Kailangan sa Mongolia sina Mama't Papa.
Abala sila ngayong magtanggal ng balahibo ng mga tupa.
Hindi.
Kailangan ko silang pasalamatan.
Kung gano'n…
Puwede mo ba silang gawan ng ger?
Ng ger?
'Yong tent?
Pagagawan ko sila para magamit nilang libangan.
Patatayuan ko rin sila ng building.
FOR RENT
Puwede silang magkaroon ng mga paupahan.
Magagamit nila ang kikitain nila
para magkaroon ng maginhawang buhay pag nagretiro na sila.
"Paupahan"?
Alam ko 'yan. Napanood ko sa mga K-drama.
Mula ngayon,
tuturuan kita paano ang kapitalismo rito sa Korea.
-"Kapitalismo"? -Pero
naaalala mo naman ang address ng bahay n'yo, 'no?
Walang address ang mga ger.
Tumira ka sa lugar na walang address?
-Oo. -Bahay na walang address?
Gang Bong-go, hayop ka talaga!
"Gang Bong-go, hayop ka talaga"?
Hindi, 'wag mong tatandaan 'yon. 'Wag mo 'kong pakinggan magmura.
Para saan pa ang pagtakip sa tainga ko kung narinig ko naman na?
Ayos lang 'yon.
Magaling naman akong magmura.
Marami akong natutuhan sa mga pelikula.
"Punyeta, gago."
Hindi, pakiusap, 'wag mong sasabihin 'yan.
Hindi ko na maalis ang pagmumura
na natutuhan ko sa lola mo.
Ayokong ipamana 'yon sa 'yo.
Sige. Hindi ako matututo ng mga bagong mura.
Gayumpaman,
susuklian ko ang kabutihan ng lahat ng mga tao
na tumulong sa 'yo sa nakalipas na 20 taon,
kaya isulat mo ang lahat ng mga pangalan nila para sa akin.
Parehas lang ang mga leksiyon
ni Professor Choi noong isang taon.
Wala naman siyang binago.
Masama 'to.
Kung magpapatuloy 'to, baka masesante siya pagkatapos ng evaluations.
-Nag-aalala ako. -Kakilala mo ba 'yon?
Hindi naman.
Pumuslit ako dahil nalaman ko na eksperto siya sa macroeconomics,
pero sayang lang sa oras.
Kung gano'n ang atake niya sa microeconomics,
di niya maiintindihan ang macroeconomics.
Tama ka.
Mas marami ka pang alam sa economics.
Ano nga ba'ng alam ng professor?
'Yon ang problema.
Para saan pa ang pag-aaral…
Gutom ka na?
Parang gusto ko ng maanghang ngayon.
Bakit di tayo gumastos sa pagkain ngayon?
Malaki ang itlog sa bibimbap na itinitinda sa karinderya rito.
Sa Haengdang-dong na lang tayo kumain.
Magiging palaboy ka kung patuloy kang magsasayang ng pera.
Di mo naman kailangang sabihin 'yan.
-Di 'yon ang ibig kong sabihin. -Isa itong anunsiyo.
Sa mga residente ng Han River Metro Trump Square Bonggang Tore
-na sina Mr. Ji Hyun-soo at Ms. No, -Ikaw 'yon.
-mag-report sa gate sa likod ng campus. -Puntahan ba natin?
Uulitin ko.
Ako ang mama ni Nam-soon.
-Gano'n po ba? -Hello po.
May ginawa po ba kaming mali?
Tig-200 milyong won 'yan.
Minumungkahi kong gamitin n'yo 'yan sa kailangan n'yo ngayon.
Bumili kayo ng mga damit
at kumain ng tamang pagkain.
Sa Geumju Hotel kayo tutuloy mamayang gabi.
Akin ang hotel na 'yon,
kaya 'wag na kayong tumanggi.
Ihahatid kayo roon ni Mr. Choi mamayang gabi.
Aayusin natin isa-isa ang mga problema n'yo,
una na ang tirahan n'yo.
Tawagan n'yo ako kapag may kahit anong problema.
Dahil naging bahagi kayo ng pakikipagsapalaran ni Nam-soon…
para makabalik sa 'kin…
may utang na loob ako sa inyo.
O siya,
tawagan n'yo ako.
Grabe 'to.
Dalawang daang milyong won?
Totoo 'to!
Mukhang di ito ang araw para mag-bibimbap, mahal.
Hindi rin ang araw para kumain ng maanghang.
Una, itago natin ang perang 'to.
Pumunta tayo sa mga locker sa subway.
-Bilis! -Sa mga locker?
Iwanan mo na 'yan.
Diyos ko!
Nandito ka na, apo!
Ang pinakamamahal kong apo.
Tingnan mo nga naman at lumaki ka nang maayos.
Sa 'kin ka nagmana, at hindi sa mama mo.
Tingnan mo kung gaano ka kaganda.
Ang ganda-ganda mong bata.
Nam-soon.
Balita ko na nadaanan mo 'yong sunog kanina,
at may sinagip kang mga tao.
Sinabi sa 'kin ng mama mo.
Ang dumi ng mukha mo.
Tara na at linisin natin sa banyo.
Siyanga pala.
Ms. Jung, puwede mo bang bilihan ng mga bagong damit si Nam-soon?
-Opo, ma'am. -Sige, tara na.
Hihiluran kita sa likod.
Nagre-react at natutunaw 'to sa tubig.
Pagkalipas ng ilang sandali,
nag-e-evaporate ang tubig at nagkakaroon ng puting pulbos.
Delikado ang bagay na ito.
Sigurado na ang mask na 'to…
Sandali lang.
Hello?
Si Hwang Geum-ju 'to.
Hello po.
Nagkita na po kayo ni Nam-soon?
Oo, salamat sa 'yo.
Kasama ko siya ngayon habang nag-uusap tayo.
Gano'n po ba? Mabuti naman po kung gano'n.
Salamat.
Nasa akin po ang bagahe ni Ms. Gang.
Pupunta ako sa inyo at ako na mismo ang kukuha.
Ako na po ang maghahatid sa inyo.
Hindi na.
Dapat lang na ako ang pumunta.
Sige po.
Hindi 'to droga. Alikabok lang siguro 'to.
Sir, 'wag! Mas malakas 'yan sa fentanyl.
Magmumog kayo!
-Bilis! -Ano'ng problema?
Parang nalunok ko na.
Bata ba kayo?
Bakit bigla na lang tumitikim ng kung anu-ano
ang lider ng drug task force?
Naisip ko lang na imposibleng droga 'to.
Hindi naman kayo pinanganak kahapon.
Nam…
Nam-soon.
Sabi na, e.
Kaya pala…
Ikaw pala talaga 'yon.
Nagkita tayo…
sa photo studio.
Papa?
Oo, ako si Papa.
Si Papa 'to, Nam-soon.
Papa, patawad.
Binitawan ko ang kamay mo, di ba?
Hindi, 'wag mong sabihin 'yan.
Ako ang dapat humingi ng tawad.
Patawarin mo ako.
Ate!
Siya si Nam-in.
Ang nakababata mong kambal.
May kakambal ako?
Nasa ilalim ng lahat ng tabang 'yan ang kamukha mo.
Nam-in.
No comments yet. Be the first to leave one.