The first 200 lines.
ANG NAKARAAN SA
Makinig, mga manlalaro.
Para manalo ng $4.56 milyon na papremyo,
dapat makumpleto ang mga laro.
Magiging matalik mo akong kaibigan, pero tatraydurin kita.
Naku.
Sabi nila, mga laro ito.
Hindi.
Di ko alam kung may kasamang nanay ang lahat sa larong ito.
Nasa teritoryo ko tayo.
Kung magaling man ako, dito 'yon.
Seryoso. Ikukwento ko ito sa mga anak ko.
Player 432, tanggal na.
Di tayo uuwi, wala sa inyo.
Paparating na ang bagyo, at ako ang poste ng ilaw sa tubig.
-Banta ang lahat. -Kailangan natin ng team.
Gganbu gang.
Bukod dito, may mga pagsubok sa pagkatao.
Kung paano ka maglaro ay kung sino ka.
Oras na para ipakita na kaya kong manalo sa Squid Game.
Grabe.
243.
232.
Pinaiyak mo ako.
Bibigyan din kayo ng pagkakataong makakuha ng pabuya.
Puwede na kayong mag-picnic.
Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong saya.
-May mga holen sa ilalim. -May mga holen sa ilalim.
Bale tatanggalin ko ang sarili kong ina
o tatanggalin niya ako.
Ang susunod na laro ay Marbles.
PAALAM
Ano 'tong…
Sa silid na ito, napakatahimik ng lahat, maririnig mo kahit kalansing ng karayom.
Walang gustong maglaro ng Marbles.
Lahat dapat maglaro ng Marbles,
at kalahati lang ng lahat ang babalik sa dormitoryo ngayong gabi.
-Diyos ko. Nakakainis ito. -Oo.
-Kabado lang ako. -Oo.
Kabado talaga ako. Kaya kung iiyak ako ngayon…
Hindi, pinipigil ko nga.
Naku, pare.
-Gganbu. Kaunti na lang tayo. -Handa nang matukoy ang kapalaran natin.
-Sa larong holen ng mga bata. -Oo.
Makinig, mga manlalaro.
Paglabas ng boses na 'yon…
May 20 minuto ang lahat ng pares para dumiskarte at maglaro ng Marbles.
Puwedeng laruin ang Marbles sa anumang paraang sang-ayon ang pares.
Ang mga pares na hindi makakapili ng panalo pagkatapos ng takdang oras
ay matatanggal.
Naku po.
Mayroon kayong 20 minuto.
Dahil diyan, simulan na ang laro.
Ano'ng iniisip mo?
Dehado ako kung kailangang maghagis dahil di ako magaling do'n,
at gusto ko magmungkahi ng strategy game.
Hindi. Kasi alam natin kung paano ang takbo ng strategy game.
Puwede tayong magkasundo sa larong mas nakasalalay sa pagkakataon.
Ito ang akin.
Ayaw kong umuwi
at sabihing hindi ako pinalad.
Puwede tayong magsimula kung saan kaliwa ako, at ikaw…
Para gawing medyo tungkol sa kakayanan para maging patas ito kasi…
-Tingin ko di patas 'yan… -Paano?
Walang saysay 'yan. Kailangan mong maging makatwiran.
-Bato, bato, pik. -Bato, bato, pik.
-Ayan. -Ikaw ba muna? Puwede kang pumili.
-Hindi, ikaw muna. -Sige, ako na.
Diyos ko, natatakot ako. Gusto kong magkasakit.
-Tigilan mo ako. Grabe. Sige. -Naku po.
Puwede tayong mag-skill game.
Maghanap ng timba. Ihagis sa loob nito.
Ang may pinakamarami na maipasok na holen ang panalo.
Sang-ayon ka?
Naku, mahal kita.
Nakakabwisit ito.
Sobrang kabado ako.
Ayos lang, mare. Isang laro ito.
Maglaro ka lang.
Bakit mo gustong manalo?
Dahil di ko kayang magretiro, alam mo 'yon?
Isa pa, may malapit sa 'kin na may problema sa kalusugan,
at tingin ko, magbibigay ako ng donasyon sa ilan sa mga charity
na sangkot sa paggaling nila, sa totoo lang.
-Naiintindihan ko. -Ikaw?
Bale, alam mong bingi ako.
Para sa 'kin, tungkol ito sa representasyon.
Gusto kong ipagmalaki ang komunidad ko, di pa ako nakakita ng kumatawan sa 'kin.
Isang bingi, gumagamit ng sign language, gumagamit din ng boses.
Oo.
At ang makapagturo sa iba ng sign language.
Ang mga nakausap ko ng limang minuto, nagsasabi sa 'kin, "Magandang umaga."
Pero bingi ako.
-Nakita ko ang hearing aid mo. -Oo.
Ba't di mo ako tinuruan ng sign language? Nakausap na kita. Hindi mo…
Bigayan ito, Tim.
Kung lumapit ka sa 'kin at sinabi 'yan, sana…
Di ko trabahong lumapit sa 'yo.
-Gusto mo bang maawa ako? -Maawa?
-Oo. -Tim.
-Hindi. -Ano'ng ginagawa mo?
Hindi, dahil hindi mo binanggit ito. Hindi mo sinabi kahit kailan.
Hindi tayo magkaibigan.
Itinabi mo ito para sa sandaling ito.
-Kilala kita. -Tim, hindi maganda 'yan.
Kinausap mo ako at bigla ka na lang naging ganyan.
Parang, "Uy, nag-sign language." Di mo pa ginawa 'yan.
-Hindi, Tim. -Ginawa mo ito para dito.
Tim, sinisira mo ang sarili mo dito.
Niloko mo ako.
-Naku, Tim. -Hindi.
Hindi, pasensya na.
Naaawa ako sa 'yo.
Hindi ako naaawa sa 'yo kasi uuwi ka na.
-Tingnan natin ang masasabi ng universe. -Mismo.
Gusto ko lang manalo. Gusto ko lang maging pinakamagaling sa isang bagay.
At gusto ko lang hanapin ang motibasyon para magawa ito.
Mukhang nahanap ko ulit ito.
Oo.
-Mahal kita, Ma. -Mahal rin kita.
Ngayon, tatalunin na kita.
Suwertihin ka sana.
-Imposibleng alisin mo ito sa 'kin. -Ang pangit nito, brad.
Ayaw kong makipaglaban sa 'yo.
Palapitan ng holen sa pader?
-Oo. -Kaya itatapon natin sa hagdan.
Ilabas lahat ng holen. Isang shot.
-Sa pinakamalapit mapupunta lahat. -Ayos.
-Papalipasin natin ang oras? -Ubusin natin.
-Mag-iwan ka ng 20, 30 segundo. -Sige.
-Gano'n. -Isang shot. Sa panalo ang lahat.
-Deal. Oo. -Sige.
Gusto mong maghukay at tingnan kung ilan ang makakapasok?
-Hagis. Ang may pinakamaraming maipasok… -Ang panalo.
Sige.
Heto na.
Sige.
Buo ang atensyon ko.
Nakatuon lang ako sa sarili ko, at nakatutok lang ako sa holen.
-Lintik. -Lintik.
Sige na.
-Pauunahin na kita. -Sige.
Ikaw ang pumili, pero ayaw kong maghagis.
Wala akong gagawin maliban sa paghagis.
-Larong paghagis lang? -Oo.
Oo. Gagawin ko ang anumang larong paghagis na gusto mo na may higit sa isang holen.
-Di ako komportable rito. -Di mo kailangang magtaas ng boses.
-Di ako nagtataas ng boses. -Ayos lang. Makinig ka.
-Akala ko lalaban ka. -Oo nga.
-Kaya di ako susuko. -Malinaw na hindi.
Ba't ang tigas ng ulo mo?
Binibigyan ko ako ng tsansang manalo. Ikaw din dapat.
-Pumasok? -Oo.
-Talaga? -Pumasok ito.
-Magaling. -Salamat.
-Pasok. -Pasok?
Oo.
Isa-wala.
Dalawa-wala.
Tatlo-wala.
Di mo magagawa ang lahat ng ito.
Naku.
Grabe, ang hirap nito.
Nakaloloka. Maghintay ba muna tayo?
Sige, maghintay tayo.
Ang daming pressure sa larong ito.
Dumaan ako sa matinding paghihirap, kaya naman…
Masaya akong umabot dito.
Pero isa sa pinakamalaking bagay na gagawin ko sa pera,
ilagay ito sa kidney donation center
dahil ibinigay ko ang bato ko sa kapatid ko noong nakaraang taon.
Alam kong dadalhin nito ang pamilya ko, sa wakas,
sa direksyong nararapat sa amin dahil di namin deserve magpatuloy
sa siklo ng sakit at pagdaanan ang lahat ng paghihirap na mayroon kami.
Ramdam ko ang paghihirap mo.
Lahat ng ibinabato sa 'yo ng buhay.
Napunta na ako sa kailaliman.
Walang tiwala ang pamilya ko sa desisyon ko
sa pagiging sundalo o pagiging single parent sa edad na 19.
At…
Puwede mo itong ilabas.
Ang hirap. Mahirap ito.
Totoo. Mahirap.
Mahirap kasi wala akong kasama.
-Oo. -Oo.
-Wag susuko kailanman. -Oo. Talagang hindi.
Oo.
-Sige. Huli na. -Huli na?
Pare.
-Panalo ka, pare. -Patawad, pare.
Lintik.
-Pasensya na. -Lintik.
Uy, pare. Huwag.
Galingan mo, brad.
-Gagawin ko. -Ituloy mo lang, brad.
-Gawin mo lang. -Oo.
'Yon lang ang sasabihin ko.
-Pasensya na. -Ay, pambihira.
Ba't mo kami ginanito?
Dalawampung holen.
No comments yet. Be the first to leave one.