The first 200 lines.
ANG MGA TAUHAN, LUGAR, ORGANISASYON, KAGANAPAN, GRUPO, AT PINANGYARIHAN
AY PAWANG KATHANG-ISIP LAMANG AT SINUNOD ANG MGA CHILD SAFETY GUIDELINE
ANG PROGRAMANG ITO AY PINONDOHAN NG COMMUNICATIONS DEVELOPMENT FUND
OF MINISTRY OF SCIENCE AND ICT
Sa matagal na panahon,
namuhunan ang X Capital sa mga kompanyang may potensiyal.
Pero hindi 'to tungkol sa potensiyal. Tungkol 'to sa pagbago ng kasaysayan.
Bakit natin palalagpasin ang pagkakataong 'to?
Ang pagnanasang maging henyo.
Isang puntong wala pang nakakaabot.
Susuportahan ng X Capital ang lahat.
Ikaw siguro si Ro-hee.
Hello.
Ro-hee.
Nandito ka ba para salubungin ako?
Halika, tara.
Halika na.
Bitawan n'yo 'ko!
Ro-hee!
Ro-hee!
Ro-hee!
Bitawan n'yo siya!
Ro-hee, ayos ka lang? Tumingin ka sa 'kin.
Ayos ka lang?
Ang lakas ng loob n'yong hawakan siya!
Pasensiya na po, ma'am.
Tara na.
Ingat, Ro-hee.
Matagal na tayong di nagkita.
Oo.
Masaya rin akong makita ka.
Bakit ka umalis? Pa'no kung nasaktan ka?
Paano kung may nangyari...
Nag-aalala ka ba para sa 'kin o para sa anak mo?
Ro-hee.
Simula ngayon,
'wag mo na ulit gagawin 'yon.
Ginawa naming lahat 'to para sa 'yo. Alam mo naman 'yon, di ba?
Ikaw ang pag-asa ng sangkatauhan.
Sino ba ang nagsabing na tungkulin ko maging pag-asa ng sangkatauhan?
Ang Diyos ba ang nagdesisyon n'on?
Ro-hee.
Kapag may nangyari kay Mr. Kim,
di ko 'yon palalagpasin.
KABANATA 6. ANG AREGLUHAN
HANGO SA NOBELANG THE DAY OF KIDNAPPING NI JEONG HAE-YEON
Grabe, parang walang nagbago.
Ang tagal na rin, a.
Bakit ikaw mismo ang pumunta rito?
Bakit ba ang sungit mo?
Hindi ba ako puwedeng pumunta rito?
Ang mga mamumuhunan sa research ni Dr. Choi...
- Gusto nila makita ang resulta. - Hindi pa tapos ang research.
Pero may produkto tayo, Choi Ro-hee ang tawag.
Paano siya magiging produkto kung di pa tapos ang research?
At isa pa,
ang research ni Dr. Choi
ay para sa mga naunang namuhunan.
Hindi puwedeng umalis si Ro-hee
hangga't di pa tapos ang proyekto.
Matalino ka kaya siguradong alam mo.
Pero sino sa tingin mo ang may pinakamalaking parte sa proyekto?
Dalawang bilyon ang puhunan, di ba?
May limang mamumuhunan, kasama ka.
Kaya sampung bilyong won lahat.
'Yan ang dahilan kaya ako mismo ang pumunta sa Korea.
Bawiin mo na ang kapital mo.
Sisiguraduhin kong yayaman ka pa rin.
Pera lang
ang tingin n'yo sa research na 'to.
Tama ka.
Kung di ako kikita, walang kuwenta 'to.
Matanda o bata man,
walang dahilan para mabuhay kung wala silang silbi.
Wow! Grabe!
Ang daming pera nito!
- Hoy. - Pambihira.
Tumigil na nga kayo riyan at ibalik n'yo na ang pera.
Hatiin natin nang pantay pag nakarating na tayo.
Hatiin ka riyan.
Naku.
Sigurado kang di tayo mapapahamak?
Sigurado ako.
Lahat ng taong pumupuslit ay may dalang ilegal na pera.
Walang mangingialam kahit mamatay pa siya sa gitna ng dagat.
Kaya 'wag na kayong mag-alala.
Paano 'yong Chinese?
Huwag ka mag-alala.
Uy, bigyan n'yo nang kaunti pagdating nila.
Tapos sila na ang bahala sa lahat.
Maliwanag?
Uy, pagkatapos maglaro ng poker...
Uy, parating na sila. Bilis, itago n'yo.
Itago n'yo na!
Grabe, ang tagal na nating di nagkita!
- Salamat. - Sige.
Sino ang sasama sa 'min?
May mga nangyari na di inaasahan kaya...
- Ano? - Teka.
Hoy, dalhin mo rito.
Bilisan mo.
Bilis!
Ayan.
- Ingatan mo 'to, ha? - Ano 'to?
Masisipag kayo, dapat uminom, kumain at magsaya kayo.
Hindi mo siguro alam, 'no?
Ano 'yon?
Sa amin ang bag na 'yan.
Sabi nila amin ang pera pag pinatay namin ang lalaki sa bangka.
Para 'to sa pagpatay sa kaniya, kaya heto ang bayad n'yo.
Akin na 'yang katawan at bag.
Hoy, mister.
Ano ba'ng pinagsasabi mo?
Ang lakas ng loob n'yo maglabas ng armas, mga gago.
Kung di namin makukuha ang bag, di namin dedespatsahin ang katawan.
Iikot n'yo ang bangka!
Itatapon natin siya sa dagat.
Mga kasama, lumabas na kayo!
Buwisit.
Di kayo puwedeng umalis kung di n'yo ibibigay ang pera.
Grabe, ang sakit.
Hindi ako makahinga rito.
Ha?
Patayin sila!
Ano'ng nangyayari?
- Ikaw! - Urong!
- Ang pera ko! - Hoy, ikaw!
Buwisit.
Buwisit!
Patayin siya!
Loko ka.
Gago ka!
Mamatay ka na!
Hindi!
Hindi ako mamamatay!
Ang sabi ko, bumalik tayo!
Sige.
Tara na.
Talaga?
Opo, sir.
'Yong kidnaper, si Kim Myeong-jun, ay asawa ni Seo Hye-eun,
at inampon ni Choi Dong-eok si Seo Hye-eun
bago pa pinanganak si Choi Jin-tae.
Sinasabi mong may kinalaman si Seo Hye-eun
sa pagkidnap at sa pagpatay?
Posible 'yon.
Uy.
Ano?
Si Kim Myeong-jun ba ang tumawag sa 'yo?
Hindi, ibang lalaki.
Sabi niya ibibigay niya sa 'kin ang pera kung tutulungan ko ang tatay ni Hee-ae
na makita si Hee-ae sa huling pagkakataon.
Sa huling pagkakataon?
No'ng una, di ko matanggihan ang pera, pero nang mapag-isip-isip ko,
natakot na ako.
Patawarin n'yo ako.
- Alam mo ba kung saan siya pumunta? - Hindi ako sigurado.
Pero...
parang hindi na siya babalik.
Nagpapaalam siya kay Hee-ae
na parang di na siya babalik.
May CCTV footage sila galing sa parking lot.
- Alamin mo ang ruta niya. - Opo, sir.
Mr. Park.
- Hello. - Nagkape ka na ba?
Oo, tapos na.
A, gano'n ba?
Sabay tayong magkape sa susunod.
Sige.
Nakapag-isip-isip ako,
hindi ba
parang ang bagal ng usad nitong kaso ng pagpatay?
Sa tingin ko,
'yong bagay na 'yon ang susi.
Anong bagay?
Nasa 'yo lahat ng CCTV footage
ng ospital natin, di ba?
Nasa 'kin pa siguro ang nakaraang tatlong buwan.
Sa tingin ko, dapat nating sabihin sa mga pulis.
'Yong babae...
Dr. Yoon.
'Yong pagkaing binanggit mo no'ng isang araw...
Ha?
Maghapunan kaya tayo mamayang gabi?
Oo, ba.
Ayos 'yan.
Ro-hee, mag-almusal na tayo.
Magandang umaga, Ro-hee.
Tsaa?
Mas gusto ba ng mga bata ang gatas?
Paano si Mr. Kim?
Hindi ako sigurado.
Baka nasa China na siya ngayon.
Ibalik mo siya.
- Bakit ko gagawin 'yon? - Kasi kailangan ko siya.
Sinubukan n'yong tumakas, 'no?
Bakit?
Tatakbo ka na lang ba habambuhay?
O binabalak n'yo ba pumunta sa mga pulis?
Siya lang ang mapagkakatiwalaan ko.
No comments yet. Be the first to leave one.