The first 200 lines.
ANG MGA TAUHAN, LUGAR, ORGANISASYON, KAGANAPAN, GRUPO, AT PINANGYARIHAN
AY PAWANG KATHANG-ISIP LAMANG AT SINUNOD ANG MGA CHILD SAFETY GUIDELINE
ANG PROGRAMANG ITO AY PINONDOHAN NG COMMUNICATIONS DEVELOPMENT FUND
OF MINISTRY OF SCIENCE AND ICT
Bakit nakabukas ang pinto?
Bakit ang baho?
Ma'am.
Grabe, ang baho.
Sir.
Sir.
Bakit nakatodo ang heater?
Ano ba 'tong amoy na 'to?
Hala, bakit nasa sahig 'to?
Naku po!
Nakarating ka na sa iyong destinasyon.
Tapos na ang pagbigay ng direksiyon.
Hay, naku.
Hindi ka na naman ba umuwi kahapon?
Mas gusto kong matulog sa estasyon.
Ang hirap mamasahe papasok sa trabaho.
Bakit mukha ka pa ring malinis na parang umuwi ka?
Bakit ikaw hindi ka umuwi?
Galing ako sa bahay.
Ano?
Nakauwi ako sa tamang oras kahapon.
Medyo matatagalan ang pag-iimbestiga sa ganito kalaking bahay.
Hello, ako po si Kim Ju-hyeok.
- Uy, baguhan. - Opo, sir.
Alamin mo ang nangyari sa CCTV
na tinanggal diyan.
Po?
Sige, sir.
Siya ang may-ari ng bahay.
Siya si Director Choi Jin-tae ng Hyekwang Hospital.
Kilala siyang brain specialist. Lumalabas pa nga siya sa TV.
Walang nagalaw rito sa bahay.
Kakaiba ang posisyon niya, 'no?
Pero hindi pa 'to natatapos diyan.
Dito tayo.
Pinainit ang silid na 'to para mabilad ang katawan sa mataas na temperatura.
Namamaga na ang buong katawan niya dahil sa inilabas na gas
galing sa bakterya ng mga organo niya.
Ano 'yang nakatusok sa dibdib niya?
Paper knife.
Paper knife.
Parang galing sa magkaibang kaso ang pagkamatay nilang dalawa.
Ang hula namin, siya si Ms. So Jin-yu, asawa ni Dr. Choi Jin-tae.
Naaagnas na ang katawan niya kaya halos hindi na makilala.
Pero pamilyar ang saksi sa kuwintas at pulseras
kaya niya nakilala si Ms. So.
- Nasaan ang saksi? - Nasa labas.
Buwisit!
Ano'ng nangyari?
Buwisit!
Kailangan ko siyang tawagan.
Sagutin mo.
Bakit hindi mo sinasagot? Buwisit!
Ayos lang 'yan.
Kailangan kong kumalma.
Mag-isip ka.
Sige.
Buwisit!
Ano?
KABANATA 2. MALING AKUSASYON
- Ano'ng nangyayari? - Bakit nandito ang mga sasakyan ng pulis?
May alam ka bang may galit sa kanila?
Base sa naranasan ko sa kanila, hindi sila 'yong tipong may kaaway.
Ang gusto kong sabihin, mayaman sila.
Wala bang madalas na dumadalaw?
Maliban sa mga pamilya nila,
wala nang ibang bumibisita sa kanila.
Abala parati si Mr. Choi sa trabaho niya,
at bihira namang lumabas si Ms. So.
May napansin ka bang kakaiba maliban sa heater
na nakatodo sa opisina?
Ano...
Maliban sa dekorasyon na nasa sahig...
Hindi ako sigurado.
Nataranta na ako, kaya hindi ko napansin ang paligid.
May isa pa.
Nakita ko ang litrato ng pamilya sa sala at parang may anak na babae sila.
Hindi mo ba siya nakita?
Si Ro-hee.
Wala rito si Ro-hee!
Hoy!
Dito na lang.
Ano?
Ano'ng...
Hee-ae.
Hee-ae.
Hee-ae!
Hee-ae!
Ro-hee!
Ro-hee!
Ro-hee!
Buwisit.
Ro-hee!
Ro-hee!
Ro-hee!
Kuwarto ito ng 11 taong gulang na bata, di ba?
Wala akong makitang gamit na pambata.
Sinabi mo pa.
Tinitingnan ko pa lang 'tong estante kinikilabutan na ako.
Sir, naghanap na ako sa paligid, wala akong nakitang bata.
Pero...
Pero ano?
May kakaiba rito.
Grabe, ano 'to?
Akala ko sa mga pelikula lang nakikita ang mga ganitong bagay.
Ano ba 'tong mga 'to?
Dito ba siya nag-oopera?
Malay ba natin.
Para akong nasa loob ng isang ospital.
LINGGO NG BRAIN RESEARCH DIRECTOR CHOI JIN-TAE
Sir.
Tinawagan ko ang security company,
tinanggal daw nila lahat ng CCTV apat na araw na ang nakakalipas.
Tinanggal nila?
Opo, sir.
Sir.
Uy.
May nakita ka bang batang ganito kalaki?
Hindi ako sigurado.
May iba pa bang nakatira dito maliban sa ating dalawa?
Oo nga.
Sige, salamat.
Sana mahanap mo siya!
Sandali lang.
Hoy, tigil!
Buwisit.
Sino ka?
Ako?
Ako ang nangongolekta ng mga bagay na may halaga.
Sino ka ba?
Ro-hee!
Loko ka.
Ro-hee!
Kailangan mo lang siyang kunin.
Kunin siya?
Kidnapin siya.
Hoy!
Nababaliw ka na ba? Ano'ng sinasabi mong kidnapin siya?
Ito lang ang tanging paraan
para mabayaran ang pang-ospital ni Hee-ae.
Hindi ito solusyon.
Ibalik mo na lang kasi lahat ng perang kinuha mo
tatlong taon nang nakalilipas.
Ano? Kidnap?
Hoy, sa tingin mo ba magkakasiya ang perang 'yon?
Balita ko may utang ka na sampung milyong won.
Aabot pa ng mas malaking halaga kung may darating na donor.
Mali pa rin 'to.
Paano kung magkaproblema?
Di ako puwedeng makulong at maiwan si Hee-ae.
Hindi 'yan.
Kahit ano'ng mangyari, di tatawag ng pulis ang mga magulang niya.
Bakit naman hindi?
Napakayaman nila.
Mga kilalang tao rin sila,
kaya hindi nila gugustuhin na pag-usapan sila ng mga tao.
Sa tingin mo wala silang gagawin pag nakidnap ang anak nila?
Oo, siyempre.
Kasi...
inaabuso siya.
Ano?
Hindi ko pa rin kaya.
Ayokong umabot sa ganiyan.
Hindi ka pa rin...
desperado, ha?
Ang lakas ng loob mong tanungin kung desperado ako?
Paano mo nakakayang sabihin 'yan,
e iniwan mo nga ang anak mo para mamuhay nang mag-isa?
Kung gano'n ano na ang plano mo?
Akala mo ba malulutas ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga?
Hindi ba kailangan mo ng pera?
Myeong-jun.
Sigurado ka bang...
kakayanin mo
ang bayarin sa ospital at ang pang-opera?
Sabi mo si Hee-ae ang prayoridad mo.
Papa.
Bakit, anak?
Dumilat ka.
Nakikinig ako.
Sige na, dumilat ka na.
Dito po kayo matutulog?
Gising.
Ano?
Sabi ko gumising ka.
Hay, salamat naman!
Salamat po.
Nababaliw ka na ba?
Nangyari 'to kasi iniwan mo akong mag-isa!
Pasensiya na.
Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?
Malalaman natin pagdating sa ospital.
Nasaan ang ambulansiya?
Nasaan ang mga pulis?
Ano?
Hindi ka ba tatawag sa kanila?
No comments yet. Be the first to leave one.