The first 200 lines.
Sa seminal na akda ni Herman Williams
tungkol sa kasiyahan bilang hobbyist ng model train,
sinulat niya, "Maraming oras ang ginugol ko
sa mundo ng aking mga gawa.
Para sa mahilig sa model train,
may lihim na mundo ng kaayusan at pagkakapareho.
Matatagpuan sa mga sulok ng ating mga basement at attic,
naghahari tayo sa mundo kung saan makapangyarihan ang hobbyist.
Doon sa 1:87 scale,
laging mabait ‘yong kapitbahay,
‘yong magkasintahan, laging nagkakatuluyan,
at lagi kang dinadala ng mga tren sa malalayong lugar
na sinasabi mong pupuntahan mo."
Sa buhay, siyempre…
walang ganitong kaayos at kalinis.
Kanta!
Isa pa, Allie!
Hindi!
Lasing na ako para kumanta sa harap ng mga tao.
Pero mahal ka namin. Sige na!
At gusto ko gano'n na lang.
Okay, para 'yon sa aking guwapo, sweet, mahal na mapapangasawang si Nathan…
na gustong-gusto ang kantang 'yon.
Bubba, gusto mong magpunta rito?
Ayoko.
Pumunta ka do'n!
Sige na! Engagement party natin.
Mahiyain siya!
Nathan!
Sige na!
-Nagustuhan mo 'yon? -Ang ganda.
Uy…
Tinugtog niya 'yon para sa 'kin no'ng unang date namin
gamit ‘yong lumang piano na nasa likod ng bar.
-Taray! -Sige na!
-Palaging sarado. -Tama! Welcome sa pamilya!
-Allison. -Bakit?
Bawat alaalang pinahahalagahan ko, kasama ka.
Ilan sa mga ito, ilang saglit lang.
'Yong pagpikit mo ng isang mata pag gusto mong namnamin ‘yong pagtikim.
Ginagawa ko 'yon. Ganito…
-Di ako makapaniwalang totoo ito. -Totoo ito, baby.
-Salamat sa Diyos. Mahal kita. -Mahal kita.
-Sige. -Uy…
-Inom lang kayo, manigarilyo, magsaya. -Oo.
At kung matutulog kayo kasama si Chip, dapat may suot siyang 11 na condom.
Wala akong alam diyan.
Nagbibiro lang siya.
Baby, 'wag. Bawal ang cell phone.
Pag kasal na tayo, dapat may rules tayo sa paggamit ng cell phone.
Tumigil ka. Mas matagal ka pa sa cell phone kesa sa 'kin,
tumitingin ka ng mga lumang truck.
Art ‘yong '67-cloth top Bronco, baby.
Di 'yon truck.
Tumitingin ako sa art.
Tulad ng puwet na ito.
High ako dahil sa gummy na binigay mo.
Ano ba 'yon?
-Di ko pa rin maramdaman ‘yong paa ko. -Di mo kailangan ng paa mo ngayon.
Oo, pero gusto ko pa ring maramdaman ‘yong paa ko.
Uy, halika, halikan mo ako.
-Uy, babe? -Bakit?
Itong doktor na 'to sa sales list ko nilalandi ako sa Instagram.
Baka binigyan mo siya ng maling impresyon.
Ano? Hindi, a!
Pumupunta ako do'n, binabalandra ko ‘yong singsing ko.
Palagi mong sinasabi, "Bahagi ng trabaho ‘yong landian."
Magkakaroon ng maling impresyon ‘yong tao.
Kaunting landian lang.
-Sige. -Oo nga!
Kumain lang kami ng sushi, kaunting ngiti,
para maisulat niya ‘yong reseta,
at magkakaroon ako ng malaking bonus, at…
tayong dalawa, titira na tayo sa siyudad.
Kung di tayo mauuna sa impiyerno.
Bakit mo sinasabi 'yan?
-Ano ba? -Sorry.
Pinu-push ko lang ‘yong Humira…
Hindi ako pupunta sa impiyerno dahil lang sa psoriasis.
Ano ba, hindi patas 'yon.
-Oo na. -Tumahimik ka.
Uy. Sa simula lang 'yan, baby.
Alam ko.
Tingin mo huli na para pumasok sa astronaut school?
-Ano? -Wala.
Puwede akong maging professional dancer.
-O, talaga? -Oo.
Marunong ka?
Teka, tatayo ako. Mas magaling ako pag nakatayo.
-Sige. -Magaling ako pag nakatayo.
-Ready ka na? -Oo.
-Anong genre ito? -Ewan ko, pero kusa lang gumagalaw…
Sige. Modern ito, tama?
Propesyonal ito.
-Wow. -Kaya matutuwa ako
-kung seseryosohin mo ako ngayon. -Sineseryoso kita.
Tapos matatapos ito sa ganito.
Pero di ko na ipapakita sa 'yo, di pa kasi tapos.
At pagod na 'ko, at gusto kong makipagyakapan.
Kumalma ka.
Matagal nang ginagawa 'tong kalye na 'to.
Kailan matatapos ang New Jersey?
-Ginagawa pa. -Di na 'to matatapos.
-Oo nga pala, kumusta si Ryan? -'Yong magiging pamangkin mo?
Grabe, ang ganda niya!
Sabi ng varsity coach magsisimula na siya next year.
-Talaga? -Naka-19 goals siya no'ng huling season!
-Sabihin mo sa kanya. -Grabe. Proud siguro kayo.
Ba't di ko pa siya nakikilala? Sorry, Nathan, di pa ako nakakapunta doon.
Naku, wala 'yon, malayo 'yon.
Dadalasan namin ang punta, tumatanda na kasi ang tatay namin.
Oo, ilang beses ko lang nakita ‘yong tatay n'yo, pero…
di natin masisisi 'yon sa layo.
Nakakaloka ito. Sorry.
Kuwento mo 'yong tungkol sa mga wedding dress.
Sige na. Di ako makatulog kagabi kakaisip.
-Tumahimik ka! -Ang bait mo naman.
Hindi, akala niya kasi pagkatingin namin ng mga damit,
pupunta kami sa bar, pero ang totoo, manonood kami ng play.
-Talaga? -Hindi.
Sabi mo dapat may ticket na agad.
Ang panonoorin natin, 'yong walang gustong manood.
-Ayos, a. -Di ba?
Ayan, lumuluwag na.
Baka kulangin sa oras kung manonood pa ng play,
pero titingnan ko.
Sabi dito…
Nandito na tayo.
Ang aga pa.
Oo, mas…
mabuting maging maaga nang kalahating oras kaysa huli ng isang minuto.
Lolo, nakapaglaro ka na ba ng video games?
Hindi pa.
May utak ka, pero sinasayang mo lang diyan.
Sige.
Nathan.
Si Uncle Nathan, sagutin mo.
Bakit niya ako tatawagan?
Sagutin mo.
Akala ko hindi na tayo nag-uusap.
Nathan.
Kasama ko si Ryan sa kotse.
Hinatid ko lang siya sa school.
Tatawagan ulit kita.
Oo, narinig ko ‘yong sinabi mo. Papunta na ako diyan.
Ihahatid ko lang siya, okay?
Kita n'yo, di naman masama.
Sabi ni Mama gusto niya magkasundo na kayo.
Kailangan ko nang umalis.
Mukha naman akong tanga dito, ang aga pa.
Sorry na.
Sige…
Ako ang susundo sa 'yo.
Bakit hindi si Mama? Sabi niya babalik na siya ngayon.
E, kasi…
-Hindi puwede. -Sige, ite-text ko siya.
-Sige. -Sige, bye.
Sabihin mo mahal mo 'ko.
Mahal kita, Lolo.
Mahal din kita.
-Bye po. -Bye.
Ma, sobrang sakit ng ulo ko.
Di ko maipaliwanag ‘yong sakit.
-Pindutin mo ulit ‘yong morphine. -Pinipindot ko na.
Wala namang nangyayari.
Ubos na nga. Kailangan pa natin kumuha.
-Tawagan natin ‘yong nurse… -Bakit ganyan ‘yong tingin mo?
'Yong ano?
-Ang sama ba ng itsura ko? -Hindi, nag-aalala lang siya.
Nag-aalala siya dahil nag-alala kami buong gabi.
Bigla na lang nag-reverse sa gitna 'yong backhoe.
-Alam ko. -Di ko alam ang gagawin.
''Wag kang mag-alala.
-Di ba, Nathan? -Oo.
Magpagaling ka. 'Yon lang ang dapat mong isipin, okay?
-Di ba, Nathan? -Oo.
Sorry po. Nandito ‘yong mga pulis para kumuha ng blood sample.
Hindi puwede ngayon.
-Nahihirapan siya. -Balik na lang kayo, kagigising lang niya.
-Bakit may pulis? -Hindi puwede.
Kailangan makakuha agad ng sample.
Hinintay namin siya umayos, pero sa mga ganitong aksidente,
-kailangan ma-test… -Ano'ng sinasabi niya?
-Di ko kasalanan. -Officer, di niya alam.
Di niya kasalanan.
Sa mga ganitong aksidenteng may namatay…
Di pa niya alam.
-Namatay? -Di pa niya alam.
-Gago ka! -Puchaa.
-Di niya alam. -Ma, ano'ng nangyayari?
-Sorry. -Ano'ng sinsasabi niya?
Pasensiya na.
Nathan?
Nathan, ano'ng nangyayari?
Wala na sila.
Wala na silang dalawa.
-Sino? -Anak…
Hindi, Ma.
Bakit, Ma?
Sorry, anak.
No comments yet. Be the first to leave one.