The first 200 lines.
BEHIND YOUR TOUCH
- Nandito… - Nandito…
- ang taong… - ang taong…
- pumatay sa 'kin. - pumatay sa 'kin.
- Hala! - Mr. Park!
- Mr. Park. - Detective Bae,
- tumawag ka ng ambulansiya. - Sige, sir.
- Bubuhatin ko siya. - Sige.
Ipasan n'yo sa kaniya.
- Mag-ingat ka. - Ayan.
Tara na.
Ayos ka lang?
Natapilok ako.
Sige na, umalis na kayo!
Jong-muk, ayos ka lang ba?
Ayos lang ako.
- Patingin ako. - Ano'ng nangyari?
Natapilok lang ako.
- Ayos ka lang? - Ayos lang ako.
Mag-ingat ka.
Bakit naman kasi…
Diyos ko naman.
Tuloy kayo.
- Hi. - Hi.
Bigyan mo kami ng malamig na inumin.
Girls, bigyan n'yo sila ng iced coffee.
Bakit pagod na pagod kayo?
Ngayon 'yong seremonya sa bayan, di ba?
'Wag mo 'kong simulan.
Kasisimula pa nga lang e, natapos na agad.
Bakit?
Sinaniban ng multo 'yong shaman.
Tumitirik nang ganito ang mga mata niya,
ta's sinasabi niya, "Nandito ang taong pumatay sa 'kin."
Sobrang, alam mo 'yon…
Nakakatakot naman.
Diyos ko!
Sagutin mo 'yong telepono!
Mujin Coffee Shop.
- Dalawang kape para sa Mujin Realtors? - Naisip ko lang.
Sige.
Bakit natin paniniwalaan lahat ng sinasabi ng shaman?
Pero ang totoo, kanina,
kinilabutan ang buong katawan ko.
Parang totoo.
Umayos ka nga.
Ano naman kung totoo?
Sinasabi mo ba na isa talaga sa mga tagarito ang salarin?
Sana magustuhan n'yo.
Salamat.
Gayunpaman,
matatakot na siguro akong mag-ikot sa bayan ngayon.
Pero di naman puwedeng magkulong lang tayo sa bahay.
Masama 'to.
Baka makasira talaga 'to sa bayan natin.
ESTASYON NG PULIS NG MUJIN
May nahanap na ba kayo?
Wala pa.
Paano nangyari 'to? Wala talagang naiwan na ebidensiya.
Baka tama 'yong shaman na tagarito 'yong salarin.
Kung hindi, paano maiiwasan ng salarin ang lahat ng CCTV?
Sabi ni Papa,
tama naman daw minsan ang sinasabi ng shaman na 'yan noon.
Kailangan na ba nating tanungin ang shaman kung sino ang salarin?
Ilang beses ko na sinabi sa inyo na tagarito ang salarin
bago pa sabihin ng shaman.
Gumagamit ng siyensiya ang mga detective, hindi pamahiin.
Wala na tayong magawa pa kaya mabuti nang subukan ang lahat.
Di ko susubukan. Huhulihin ko 'yong salarin.
Diyos ko, ang galing-galing mo talagang ipahiya ako, 'no?
Lalabas ako para mag-imbestiga.
Di ka puwedeng umalis basta-basta. Ano ba talaga 'ko sa 'yo?
Tatanungin ko ba 'yong shaman?
Sige. At habang nandoon ka,
puwede mo bang tanungin kung niloloko ka ulit ng asawa mo?
Mr. Park, ayos lang ba kayo?
Bakit ako nandito?
Hinimatay kayo sa gitna ng seremonya.
Magdamag kayong nilalagnat.
Hinimatay ako?
Di n'yo naalala?
Ang naalala ko lang, nagsasagawa ako ng seremonya,
pero wala na 'kong maalala pagtapos no'n.
Sinabi n'yo na isa sa mga manonood ang salarin.
Di n'yo rin maalala 'yon?
Hindi.
Wala akong naaalala.
Babalik ako pagkatapos ng trabaho.
Magpahinga muna kayo.
Ayos ka lang ba,
ate?
Ano bang ginagawa ko?
Ayos lang ba rito?
Oo.
Pero ba't nandito ka, ang aga pa?
Papasok na ako sa trabaho,
pero medyo mainit ngayon, kaya…
3,000 won 'yan.
Ano'ng problema?
Hindi, ano kasi…
Ye-bun!
- May problema! - Ano'ng nangyari?
May sakit yata ako.
Ano'ng ibig mong sabihin?
Ang daming paputok, at may mga naririnig akong kampana.
Ano'ng pinagsasabi mo?
Mukhang pusit lahat ng lalaki puwera lang sa isa.
Sino? Si Detective Moon?
Hindi!
Kaya ko nga naisip na may sakit ako!
Ang lalaking mukha talagang pusit, di na gano'n ang hitsura!
May crush ka na naman.
Natural lang 'yan.
Pag may nagugustuhan ka, mukhang pusit ang lahat maliban sa kaniya.
Ang iba, nakakarinig ng kampana, at mayroon ding nakakakita ng paputok.
Samahan mo 'ko.
Ang lalaking 'yon.
Ok-hui.
May sakit ka nga.
Malubha ang sakit mo.
Halika.
Nasa 37.1 degrees Celsius.
Mahirap sabihin kung nilalagnat ka.
May sakit talaga ako.
Kailangan ko nang umuwi at magpahinga.
Paano 'yong tindahan?
Wala namang tao.
Matapos ang ginawa ni Mr. Park, wala na halos lumalabas.
Sinungaling ang shaman na 'yon. Naniniwala ba talaga sila kaniya?
Tama naman daw siya minsan, e.
Di naman din puwedeng basta dedmahin 'yong sinabi niya.
Siguro gusto ring manood ng seremonya n'ong salarin kaya pumunta siya.
Di ba? Siguro napapaisip din siya sa imbestigasyon.
Sigurado 'yan.
Ang sabi, laging bumabalik ang salarin sa pinangyarihan ng krimen.
Baka nakatago siya habang pinapanood ang ginagawa ng mga pulis.
Baka nakita niya kayo ni Detective Moon na naghahanap ng ebidensiya.
Siyempre.
Sino ang nakakita ng unang bangkay?
Ako, di ba?
Nandoon din ako no'ng namatay 'yong pangalawang biktima.
Maliban kung tanga siya,
siguradong alam niyang hinahanap ko siya.
Isa kang malaking hadlang sa serial killer na 'yon.
Siyempre.
Siguradong nasasabik na siyang mawala ako.
Ok-hui,
ano'ng gagawin ko?
Di na dapat ako nakialam sa mga 'yon.
Nababaliw na siguro ako.
Ano'ng gagawin ko?
Dahil 'to sa baliw na 'yon.
BALIW
Kakasabi ko lang, e.
Hello?
Tapusin na natin ang sinimulan natin.
Isang libong tao sa isang araw, di ba?
Pasensiya na, pero wala na akong kapangyarihan pagkagising ko kanina.
Kaya di na yata kita matutulungan.
Tatawagan kita pag bumalik pa 'yong kapangyarihan ko.
Ano'ng pinagsasabi mo?
Nahulog telepono ko sa kubeta.
Ano? Hoy!
Bahala na.
Mabuti na 'to kaysa mapatay ako.
Ano ba 'to…
Ano na gagawin ko?
Nasa tapat ako ng ospital. Papasok na 'ko.
Sabihin mo na wala ako, ha?
Saan ka…
Pare-pareho ang lahat ng kriminal.
Di talaga nagbabago ang estilo nila.
Ang husay mo na nitong mga nakaraan. Ano'ng nangyari sa 'yo?
Baka ako na ang kasunod na target ng serial killer.
Ano?
Isipin mo.
Alam ng serial killer na hinahanap siya ng mga pulis.
Kaya nanonood siya sa malayo.
Pero nakita niya ang cute na babae na di naman pulis
na pumupunta sa pinangyarihan ng krimen.
Kaya mapapaisip ang serial killer.
"Sino ang babaeng 'yon?"
Mapapaisip siya.
Kaya magsisimula na siyang bantayan ang bawat galaw ko.
At makikita niya na humahawak ako ng puwit ng mga tao at maiisip niya,
"Di naman siya mukhang manyak, bakit siya humahawak ng mga puwit?"
Dahil naisip na niya 'yon, malalaman na rin niya
ang totoong dahilan bakit ako humahawak ng puwit.
"Psychic pala siya."
"Malalaman niya rin na ako ang salarin
kasi di lang siya psychic, matalino pa."
- Matalino? - Kaya maiisip niya,
"Sayang naman kung papatayin ko ang katulad niya,
pero wala akong magagawa dahil kailangan kong mabuhay."
Tapos isusuot na niya ang poncho,
kukunin ang kutsilyo, at tatawag.
"Hello, Bong's Animal Hospital?
May tuta akong may sakit dito. Puwede mo ba siyang puntahan?"
Tapos di ako makakatanggi.
Kaya pupuntahan ko, pero may masama akong kutob.
No comments yet. Be the first to leave one.