The first 183 lines.
Kathang isip ang karakter at pangyayari sa series.
Ligtas na kinunan ang bata nang may guardian.
- Takbo! - Tulong!
Naku hindi!
Okay ka lang?
Okay ka lang. Okay ka lang? Okay ka na ngayon.
Hala grabe.
Lola, lumayo ka na, ngayon na!
Bakit ako lalayo? Ito ang tahanan ko.
Mamamatay ka 'pag 'di ka lumayo.
Si Tito…
Si Tito Gungtan…
Ipinagpalit ko na ang lahat ng mga bata.
Umalis ka na. Pumunta ka sa kabilang ibayo.
Lumayo ka hangga't kaya mo,
sa lugar na hindi ka mahahanap ni tito.
Kumain na tayo.
Mula umpisa alam mo ang lahat?
Alam mo… Pero bakit?
Bakit mo ginawa 'yon?
Napakahina mo.
Natatakot ako na bigla ka na lang lumayo.
Nasasaktan ka dahil sa kasalanan ng magulang mo.
Naaalala ko ang mga kasalanan ko 'pag nakikita kita.
Napakabigat sa puso ko.
Kaya nga
gusto kong mabuo bawat piraso ng puso mo nang minsan.
Para maging malakas ka.
Gusto kitang alagaan
gaya no'ng panahong 'di ka pa nasasaktan.
Pero
'pag babalikan kung anong nasa loob ko
ay hindi ko kasalanan.
Ikaw.
Kawawa kong apo.
Kasalanan kong lahat.
Hindi man lang
kita naalagaan, nag-iisa ka lang.
Paano ko maalis ang lahat nang kasalanan ko?
Anong sinasabi mo?
Hindi ko inaalala 'yon.
Ang Lola mong 'to…
…ay namuhay dito mula nang mabuo ang Tamra.
Alam mo ba kung paanong binuo ang Tamra?
Ang Tamra ay binuo ng mga lola.
Ang bawat nakatira dito
ay may lola.
Kapag ang mga apo ng mga Lola ay tumanda na,
at maging lola na din,
sila ang papalit dito sa isla
at mangangalaga buong buhay nila.
Yeom-ji,
bata ka pa,
sa tingin mo nasasaktan ka masyado,
anomang oras ay masasaktan ang puso puso mo.
Pero isang araw,
ay magiging lola ka din at yayakapin ang Tamra nang mas higit pa.
Kinupkop kita no'ng nakatira ka sa kalye.
Umaasa akong gano'n din ang gagawin mo at ibabahagi mo sa ibang bata ang saya.
Iyan ang pangarap ko.
Tito.
Sorry, Tito.
Pero alam ko nang lahat ngayon.
Alam ko kung nasaan ang ibang Hareubang.
Hindi mo na kailangan si lola ngayon, 'di ba?
Ako lang ang kailangan mo!
Hindi niya ba sinabi sa 'yo ang tungkol sa Law of Causality?
Bata lang din ako.
Hinihiwa ng sakit ang buong katawan ko
na 'di ko masabi ang pagitan ng langit at lupa no'ng araw na 'yon.
Sa lugar na 'yon,
kasama namin si Geum Baek-ju.
Ano?
Ang mga batang nawalan at namatayan ng mga magulang.
Iyon ay malinaw na pamamaslang.
Alam ni lola lahat pero nagbulag-bulagan siya.
Panahon nang pagbayaran niya ang mga kasalanan niya.
Okay,
hindi ako aalis.
Hahayaan ko siyang sumama sa 'tin.
Tito…
Nakalimutan ko
na tao ka lang din.
Irerespeto ko ang gusto mo.
Kaya
dapat mo ding tanggapin ang kahihinatnan.
Van.
Nakita mo 'yon? Nakita mo, 'di ba?
Sa tingin ko kaya ko kaunting praktis pa.
Kaya kong buuhin ang harang.
- Tumigil ka. - Ano?
Sandali. Kaya ko nang bumuo ng harang.
Please, teka lang.
Sandali. Sige na!
Sinasabi kong kaya ko nang bumuo ng harang.
Huwag mong gawin. 'Di mo kailangang gawin.
Bakit? Sige na!
Bakit? Anong nangyayari?
Kausapin mo ako.
Hindi mo sasabihin?
Umallis ka na lang.
Hindi ko 'to gusto.
Ano ang hindi mo gusto?
Ayaw kong mawala ka.
Lola.
Lola!
Welcome.
Ms. Geum Baek-ju.
Gusto kong bumalik ang anak ko.
Tingnan ko.
Walang hiya ka!
Inilayo mo ang anak ko
para lang ipakita ang walang kwentang bagay na 'to?
Anong sabi mo, anak?
Napakahusay, maraming anak ang inalagaan mo.
Pero
hindi na mabilang. Kung gaano karami ang pinatay ko?
Dapat subukan mong magligtas kahit isa.
O kaya ang isang nakikita mo.
Apo!
Lola… tumakbo ka na.
Pakawalan mo siya, ngayon na!
Alam mo ang gusto ko.
Sabihin mo kung nasaan ang ibang mga bata.
Saksakin mo ako.
Sa gano'ng paraan pupunta sa mga bata ang espiritu ko, 'di ba?
Apo!
Alam ko na.
May paraan.
Itutuloy ba natin kung saan tayo natapos?
Hayop ka,
napakarami mong kasalanan.
Kaysa si lola…
…ako ang patayin mo.
Gawin mong kapalit si lola.
Kung 'yan ang hiling mo.
Kung gusto mong iligtas ang batang nasa harapan mo,
bakit 'di mo pakawalan ang mga batang dati nang patay?
Kahit sa batang 'to ay wala na akong panahon.
Kaya sabihin mo.
Hindi!
Lola…
Humahagulgol na si Baek-ju.
Nagmamakaawa na ang harang na bato.
Siyempre.
Nakikinig ang mga anak sa ina.
Dapat makinig sila sa iyak ng ina nila.
Kung gano'n, ngayon, dapat pa bang umiyak ulit?
Nakikita kong wala kang pagsisi sa mga mata mo.
Hayaan mo na si lola.
Gusto mo nang matapos ang buhay mo.
Dahil sa 'kin kaya nagkaro'n ka ng halaga.
Tama ka.
Pero ngayon,
Nagsisisi akong nakilala kita.
Nandito ang taong nakita ko sa propesiya.
Napakadilim ng kalangitan dito.
Nahahalata kung nasaan ang mga masasama.
Anong ginagawa mo dito?
Lola.
Okay ka lang?
Samahan mo si Yeom-ji sandali.
Sa ganitong pagkakataon ko pala makikita ang batang pari.
Kilala mo ako?
Mas kilala ko ang kapatid mo kaysa sa 'yo.
Anong gagawin mo diyan?
Anong dapat kong gawin?
Iniisip kong dapat ko nang iligtas si Won Mi-Ho,
at kasabay na ding makapaghiganti.
- Mabibigo ka pareho. - Malalaman natin 'yan.
Kahit ano pang gawin mo,
maglalaho ka nang 'di man lang ako nahahawakan.
Mayro'n pa pala akong gustong sabihin sa 'yo.
Anong masasabi mo? Gusto mo bang marinig?
Gusto mo ba?
Malamang, pinupunuan mo ang tawag ng Panginoon sa paglaban mo sa 'kin.
Pero ang Diyos mo ay walang pakialam sa kahanga-hanga mong pag-iisip.
No'ng inalis ang organ mo,
no'ng naging mapagnasang demonyo ang kapatid mo,
at no'ng pinatay mo ang kapatid mong mapagnasang demonyo,
nasaan ang Diyos mo?
Sige na, napakadaldal mo.
Hudas ang lahi mo, sigurado.
No comments yet. Be the first to leave one.