The first 132 lines.
Kathang isip ang karakter at pangyayari sa series.
Ligtas na kinunan ang bata nang may guardian.
May kapatid ka rin ba?
Oo, noon.
Naniniwala akong may masama at mabuti.
Kaya sa Diyos ako kumampi, ang kabutihan.
Pero pinatay ko ang sarili kong kapatid.
Nang makita ko ulit ang kapatid ko,
naisip ko na sa wakas, dininig na ang panalangin ko.
Pero ngayon…
…hindi ko na alam.
Kung 'yon ba ay plano ng Diyos o pang-aakit lang ng demonyo?
Depende 'yon sa kung anong gusto mong paniwalaan.
Sa tingin ko ay dati ko pa alam
ang tungkol sa kapatid ko.
Pero ang hirap paniwalaan.
Hindi ako naniniwala kasi ayokong paniwalaan.
Saan ka galing?
Tito.
Gising.
PAGKALIPAS NG 9 TAON
Sino ka?
Gising ka na ba talaga?
Ano ang ginawa mo sa amin?
Hindi para sa tao ang punyal na 'yan.
Tito.
Sumunod ka sa akin.
Nirerespeto ko
ang lahat ng nangyari sa 'yo at ang lahat ng mga ginawa mo.
Sabihin mo nga. Sino ka ba?
Nauunawaan ko na nagtataka ka kung sino kami.
Sa lugar ng kawalan.
Inalis ka namin doon.
Ano?
Mukhang hindi ka naniniwala sa 'kin.
'Di kita masisisi.
Matagal na panahon na rin 'yon.
SINAUNANG TAMRA
Papatayin kita ngayon kapag tumanggi ka.
Dapat mapaamo mo 'yan dahil kung hindi…
Tama na!
Pakiusap, tumigil ka na!
Kung gano'n, gagawin mo na?
Ikaw ang pinili ng Geumgangjeo!
Gungtan at Van!
Sa inyo na ang Geumgangjeo!
Gamitin niyo 'yan para paslangin ang mga mapagnasang demonyo.
Para mailigtas niyo ang Tamra at ang mundo mula sa sigalot.
Iyon ang misyon niyo. Para doon kaya kayo nabubuhay.
Tumayo ka. Subukan mo ulit.
Hindi ko kaya 'yon.
Mamamatay ang lahat kung susuko ka. Maaatim mo ba 'yon?
Ulitin mo.
Kumusta ang pagsasanay mo ngayon?
Tinitiyak kong mas huhusay pa siya.
Mga demon slayer ba sila?
Oo.
- Tama na iyan. Ibalik na sila. - Opo.
Ako si Wonjeong.
Kainin niyo 'yan. Masarap 'yan.
Babalik ulit ako.
Dahan-dahan lang. Dadalhan ko kayo ulit.
Bakit ang mga taong 'yon, 'sing lakas ng mapagnasang demonyo?
-Mga demon slayer sila. -Mga demon slayer?
Ibig sabihin, monghe sila na ang misyon ay pumatay?
Inialay nila ang katawan at kaluluwa nila para pumatay ng mapagnasang demonyo.
Tatanda ang mga batang 'yon nang nagliligtas ng maraming buhay.
Sariling desisyon ba nila 'yon?
Grabe ka. Pinuwersa mo silang maging mga demon slayer?
Walang sino man ang maaaring gumawa niyan.
Sinasabi mo ba na ayos lang sa 'yong maging malaimpyerno tayo dito?
Pinupuwersa mo silang pumatay.
Bakit ginagawa mo silang makasalanan?
Isipin mo naman ang paghihirap nila.
Wala silang alam tungkol sa paghihirap.
Ano ang ibig mong sabihin?
Tinanggalan ko sila ng emosyon.
Kaya hindi nila alam kung ano ang saya, lungkot, galit, o konsensya.
Hindi sila nakakaramdam ng paghihirap
dahil kaya lang sila nabubuhay ay para pumatay ng mapagnasang demonyo.
Masyado ka pang bata,
kaya kademonyohan ang tingin mo sa ginagawa ko.
Pero hangga't wala pang harang at hindi pa naikukulong ang mapagnasang demonyo,
ang tanging makakapagprotekta sa tao
ay silang mga demon slayer na nilikha ko.
Kung makakabuo ka ng harang ngayon, hindi na kakailanganin ang demon slayer.
Pero imposible iyon, 'di ba?
Kaya alis na.
Patawad.
Huwag kang mag-alala. Tatapalan ko lang ito ng dahon.
Wonjeong!
- Anong problema? - Kasalanan ko ito.
- Iwanan na natin siya dito. - Hindi!
Dapat tumakas na tayo, kung hindi, mamamatay tayo.
Wonjeong.
Alam ko na ang pinakamahalaga kay Wonjeong ay ang nararamdaman niya.
- Pero 'di ko inakalang gagawin niya ito… - Bumalik na si Van!
Ipasok si Wonjeong!
Van, ang lakas ng loob mo!
Bitaw! Bitawan niyo ako!
Bitaw!
Bitawan niyo ako!
Ang lalakas ng loob niyo!
Naawa sa inyo si Wonjeong. Pero 'di 'yon nangangahulugang tao kayo.
Hindi na kayo makakaalis dito.
Mapupunta kayo sa impyerno
'pag tinalikuran niyo ang tungkulin sa pagpatay ng mapagnasang demonyo.
Gusto niyo bang maging malaimpyerno ang buhay niyo?
Ito mismo
ang impyerno.
Alisin sila rito!
Asan…
Nahimatay ka. Ang demon slayer na si Van ang bumuhat sa 'yo papunta rito.
Ibig kong sabihin, ang mga batang iyon…
Ano na ang mangyayari sa kanila?
- Tiyak papatayin na sila. - Hindi!
Hindi mo ba naisip na pwedeng mangyari iyon?
Pinahihirapan sila dahil sa 'yo.
Tingnan mo ang kabayaran ng pagtalikod sa tadhana.
Sinabi ko na sa 'yo ang Law of Causality.
Ang mga ginagawa natin ay may bunga.
Kung hindi dahil sa 'yo, hindi sana pinarurusahan ang mga batang iyon.
Kung bubuo ako ng harang,
ano ang magiging bunga no'n?
Kung tatanggapin ko ang tadhana ko
at magkakaroon ako ng kapangyarihang bumuo ng harang…
…hindi na ba sila papatayin?
Oo, kung may ganoon kang kapangyarihan,
maaari mong tulungan ang mga batang 'yon.
Sige. Iyon lang naman ang gusto ko.
MAKALIPAS ANG 15 TAON
Pakiusap…
No comments yet. Be the first to leave one.