The first 200 lines.
Parang mga superhero ang mga surgeon.
Dahil kapag may problema at nanganganib tayo,
sila ang hinahanap natin para iligtas tayo.
Sino pa ba ang pagkakatiwalaan mo ng buhay mo?
Isang discovery na parang eksena sa pelikula.
Ang transplant ng organ na gawa sa lab.
Si Paolo Macchiarini…
…ay parang superhero.
Misyon niyang iligtas ang mundo.
Isa siyang himala.
Gumagawa kami ng mga bagong organ.
Kailangan nating umunlad.
Kailangan natin ng mga bagong paraan para mag-transplant.
Naniniwala siya na kaya niyang bawasan ang paghihirap sa mundo.
Diumano, si Paolo raw
ang private surgeon ng presidente ng USA, ng Pope.
Kung meron kang checklist ng lahat ng gusto mo sa lalaki, siya 'yon.
Pasok na pasok siya d'on.
Mahal kita. Mas higit araw-araw.
Matalino siya, maraming alam. Marami siyang alam na wika.
Mahal kita.
Pero lahat 'yon, kasinungalingan.
Walanghiya! Hayop ka!
Maraming niloko ang lalaking 'to.
Engaged ako sa isang halimaw.
Manloloko si Paolo.
Kaya dapat namin siyang pigilan.
Ginawang parang mga lab rat ni Paolo Macchiarini ang mga tao.
Sinusuka na niya 'yong sarili niyang laman.
'Yong unang liver transplant, 'yong unang kidney transplant,
'yong unang heart transplant… Naging maayos ba? Hindi.
Tingin ko, ito na ang kinabukasan.
Magiging maayos na lahat sa susunod na mga pasyente.
Pinahihirapan ba niya ang mga tao hanggang mamatay?
Ito ang pinakamalaking scam sa kasaysayan ng medisina.
Puwedeng impostor siya, pero puwede ring henyo siya.
Baka nga ililigtas niya ang sangkatauhan.
Ang lalaking ito ba ay superhero, supersurgeon, at pinakamamahal ko?
O baka isang mapanganib na manloloko
at mamamatay-tao?
Sa journalism, merong mahalagang rule.
Huwag kang mai-involve sa subject ng kuwento.
Bilang journalist, dapat wala kang kinikilingan.
Pag gumagawa ka ng kuwento, marami kang nakakasama,
nakakasama mo sila nang madalas,
at di ka puwedeng ma-involve sa kanila nang personal,
di puwedeng makipagrelasyon.
Pag nangyari 'yon, mawawala ang pagiging patas mo.
At may magandang dahilan kung bakit dapat may ganitong hangganan.
Napapanatili kasi nito 'yong integridad ng journalism.
Pero, sa kasamaang-palad, hindi gan'on ang nangyari.
Bata pa lang ako, gusto ko nang maging journalist.
Mahiyain ako noon.
Sobrang mahiyain.
Ayokong nasa harap ng camera.
Mas gusto kong nasa likod lang ng camera.
Kasagsagan ng career ko n'on.
Gusto ko ang trabaho ko sa NBC.
Single mother ako,
at wala sa isip ko ang makipagrelasyon.
Gustong gumawa ng kuwento ng NBC tungkol sa regenerative medicine.
Di ko pa naririnig 'yon. Wala akong alam d'on.
Kaya nag-research kami tungkol dito.
MAKAKAGAWA BA TAYO NG MGA ORGAN?
Isa 'tong exciting na field ng medicine
na ang layunin ay maging posible
ang makakuha ng pamalit sa organs o body parts nang isang pitik lang.
PINASADYANG BODY ORGANS
Kung maputulan ka ng paa, masira ang isang organ mo…
MAKABAGO
…makakakuha ka ng bago sa lab.
UNANG LAB-GROWN ORGAN MATAGUMPAY NA NA-TRANSPLANT
ISANG CELEBRITY SCIENTIST
Itong pangalang 'to, laging lumalabas.
PAGLAGPAS SA HANGGANAN
Si Dr. Paolo Macchiarini.
Siya raw ang pioneer sa larangang 'to.
Mula sa surgery
hanggang sa discovery na parang eksena sa pelikula.
Nagdiriwang ang mga doktor ngayong gabi.
Ang transplant ng organ na gawa sa lab.
Si Professor Paolo Macchiarini
ng Karolinska University Hospital sa Stockholm
ay nagsagawa ng surgery sa tulong ng international team.
Ang bansag sa kanya, Ang Supersurgeon.
Hinahangaan siya at pinupuri.
Halos para siyang diyos.
STEM CELL THERAPIES, PAPUNTA NA SA TUNAY NA MUNDO
Sumikat siya at naging laman ng mga headline
dahil sa makabagong pamamaraan gamit ang mga stem cell.
Isinagawa na mga surgeon sa Sweden
ang kauna-unahang synthetic organ transplant sa mundo.
Isang 36-anyos na lalaking may cancer ang nakatanggap ng bagong windpipe.
Ang unang reaksyon niya, tumingin siya at sinabing, "Baliw ka."
Tapos sabi niya, "O, ano?" Ang sagot ko, "Oo."
"Pero ito lang ang pagkakataon mo ngayon."
"Sigurado ka bang magtatagumpay 'to?" sabi niya.
Ang sagot ko, "Ewan ko."
"Bakit?" sabi niya.
"Di ko pa kasi nagawa 'to."
Pinapalitan niya 'yong windpipe ng plastic windpipe.
Tapos paliliguan 'yong plastic windpipe ng stem cell ng pasyente.
Ang mangyayari dito,
hahalo 'yong stem cells sa plastic tube,
tapos ita-transplant ito sa pasyente.
Sa bawat mga article, ang tawag sa kanya rebelde.
Di tulad ng iba, siya 'yong tipong handang sumugal.
Pag mas kumplikado ang operasyon, mas mataas ang tsansa ng panganib.
'Yong unang liver transplant, 'yong unang kidney transplant,
'yong unang heart transplant…
Naging maayos ba? Hindi.
Wala kaming bolang kristal para makita ang puwedeng mangyari sa hinaharap.
Tingin ko, ito na ang kinabukasan.
Ang sabi ko, "Matapang 'tong lalaking 'to."
Gusto niyang gawin ang di ginagawa ng iba,
'yong iligtas ang mga taong wala ng pag-asa.
Sabi ko sa team ko, "Itong taong 'to ang dapat nating kausapin."
Kaya nakipagkita kami sa kanya.
Kasama ko n'on 'yong katrabaho ko.
Pagtingin ko, pumasok siya,
tapos tumingin siya sa akin.
Tapos nagkatinginan kami, tapos…
Nginitian niya 'ko, tapos bigla na lang,
para akong high school na kinikilig.
Basta, ang bilis ng mga pangyayari.
Tapos ang una kong naisip, "Ano 'yon?" Alam mo 'yon?
Tapos ang sunod kong naisip,
"Kung anuman 'yon, kalimutan mo na 'yon."
Pinilit ko 'yong sarili kong mag-focus sa trabaho.
Basta inayos ko 'yong sarili ko.
Parang nagba-blush pa nga ako, sa totoo lang.
Pero may nangyari, e.
Nagkatinginan kami tapos parang may… spark.
Biglang hindi ako mapakali.
Ang susunod na balita
ay tungkol sa kung paanong nagliligtas ng mga buhay ang stem cell technology.
Si Hannah Warren, dalawang taong gulang, ay isinilang na walang windpipe.
May isang solusyon.
Noong panahong 'yon, hawak ni Dr. Macchiarini
'yong kaso ng batang si Hannah Warren.
Siya ang pinakabatang makakatanggap ng makabagong transplant na 'to.
Hindi siya makakain, hindi makalunok,
hindi niya kayang gawin ang ginagawa ng isang normal na bata.
Buong buhay niya, nasa ospital sya.
Pero nakakatuwa siya.
Napakabibong bata.
Pambihirang bata si Hannah.
Masayahing bata.
Pa-kiss naman si Daddy.
Desperado ang mga magulang niya.
Ilang beses na siyang muntik mamatay.
Halos sumuko na sila.
Tapos nakilala nila si Dr. Paolo Macchiarini.
-Hello. -Salamat po.
Sa tingin ko, isa sa mga bagay na nakakatuwa kay Paolo…
Di siya tipikal na surgeon.
Mukha talagang may malasakit siya.
Gusto mo alisin natin 'to?
Parang mapagkakatiwalaan 'tong taong 'to.
'Yong ikabubuti mo ang iniisip ng taong 'to.
Nagdesisyon kami na gagawin namin 'yong kuwento ni Hannah,
at malaking bahagi ng kuwentong 'to si Dr. Paolo Macchiarini.
Gagawin ang operasyon sa Illinois,
at magtatagal si Paolo nang isang buwan doon.
Kaya nakailang balik ako sa Illinois para mag-film.
N'ong kinukunan na namin si Paolo,
nagbibiruan kami na para siyang si George Clooney
kasi mahilig si Paolo sa mga motor.
Pag nakasakay siya sa motor,
ibang-iba talaga 'yong dating niya.
Maraming babae sa opisina ang kinikilig sa kanya.
Gusto naming kunan si Paolo na naka-motor kaya umarkila kami ng motor.
Tapos kinunan siyang nakasakay sa motor.
May ilang oras pang natitira d'on sa pag-arkila
kaya sabi niya, "Sino'ng gustong umangkas?"
Medyo nag-aalangan pa 'ko.
Sabi ko sa iba, "Sino'ng may gusto?" Sabi nila, "Ikaw na lang."
Sinuot niya 'yong helmet sa akin,
tapos maingat niyang kinabit 'yong strap.
Inayos niya 'yon sa ulo ko, nahihirapan kasi ako.
N'ong oras na 'yon, naramdaman ko 'yong naramdaman ko
n'ong una kaming nagkatinginan sa restaurant sa Boston.
Parang intimate, parang may kalandian.
Tapos umangkas ako sa kanya sa motor.
Sabi niya, "Kumapit kang mabuti, mabilis 'to."
Pag nakaangkas ka sa motor, yayakap ka talaga.
Maganda n'ong araw na 'yon. Malakas 'yong hangin.
Nakahawak ako sa kanya.
Naaalala ko pa, nakikipagbiruan ako sa mga kaibigan ko,
"Umangkas ako sa motor kasama si George Clooney."
Nagsimula na kaming lumabas n'on kapag may shoot,
o kaya pagkatapos ng shoot.
Parang di ako makapaniwala na itong taong 'to,
itong supersurgeon na 'to,
sobrang maalaga pala
at handang makinig sa 'kin at sobrang interesado siya.
Di nagtagal pagkatapos niya akong iangkas,
nag-dinner kami isang gabi.
Nasa hotel kami sa Illinois. Parang dalawang floor 'yong pagitan namin.
Nasa elevator kami n'on, kaming dalawa lang.
No comments yet. Be the first to leave one.