The first 200 lines.
SEE YOU IN MY 19TH LIFE
ANG PINAKAMAMAHAL NAMING ANAK, YOON JU-WON
KUNG MAKIKITA LANG KITANG MULI
Kumusta ka na?
Sorry, ang tagal kong di nakapunta.
ANG SAKIT NA MAWALAY SA TAONG MAHAL MO
Director Mun, tara dito.
Ang ganda, di ba?
Di ba parang naglalaho ang mga problema mo?
Kapag binabagabag ka ng trauma mo
at parang nalulunod ka na,
isipin mo lang ang mga bulaklak na 'to.
Di ko maintindihan kung bakit ang bait mo sa 'kin.
Sinasabi mo lang 'yan,
pero mukhang mas okay ka na ngayon.
Kaya gumana rin.
Kakaiba kang tao.
Tama ka.
Kakaiba man ako sa umpisa, pero mahirap akong kalimutan.
Baka palagi mo na akong iisipin, at kalaunan…
mahuhulog ka rin sa 'kin.
Di mangyayari 'yan.
Gano'n. Di mo ba type ang mga magagandang babae?
Sayang naman.
Ano'ng gusto mo?
Ikaw, Director Mun.
Pagkain ang tinutukoy ko.
Kahit anong gusto mo.
Wala ka man lang bang gusto?
Ikaw talaga ang gusto ko.
At wala na akong magagawa ro'n,
kaya respetuhin mo na lang ang gusto ko na kainin kung ano ang gusto mo.
Ms. Ban,
di kita type.
Ano ba kasi ang type mo?
Gusto ko mas matanda sa 'kin.
Ang daming nagsasabing mature ako mag-isip.
Di pa ba sapat ang mental age ko sa 'yo?
Ano sa tingin mo?
Kailan ba tayo matatapos dito?
Di ba kita napapangiti lalo na sa araw na 'to?
Director Mun, okay ka lang ba?
Okay lang 'yan.
Heto, Director.
Seo-ha.
Ju-won?
Wala namang problema.
Okay ka na.
Wala akong kaalam-alam
na pagluluksa pala ang dala ng kamatayan ko
sa mga taong iniwan ko.
Habang ako naman, 19 beses na akong namatay at nabuhay.
ANG IKA-19 KONG BUHAY
ANG IKA-17 KONG BUHAY
DONGBAEK AERIAL GRAND CIRCUS
Sarili ko lang ang iniisip ko.
Tiyo!
Gagawan kita ng rice balls.
Sandali lang ha.
Sige, Ae-gyeong.
Tutugtog ako para sa 'yo.
Kaya galingan mo ang pagkanta.
Talaga?
Heto na, Ae-gyeong.
Nasisiyahan ako sa pagpagulong ng bola
Masaya ako kapag kumakanta
Ganiyan nga.
Na may puting makeup at pulang ilong
Kumakanta ako ng pag-ibig
- Nangako tayo - Ang galing.
Di kailanman magbabago
Ang ating pag-ibig
Gising na, Tiyo.
Patay ka na ba?
Salbaheng bata 'to.
Hindi pa ako patay.
Tiyo, di ka pa puwedeng mamatay hangga't di mo pa natitikman ang luto ko.
Sabi nila, di raw nakakatakot kapag namatay na busog ang isang multo.
Kapag wala ka na, wala na akong kasama.
Kaya kumain ka at mabuhay nang matagal, ha?
Ae-gyeong.
Kahit wala na ako, di ka mag-iisa.
Di ko alam kung gaano pa katagal
pero pangakong mabubuhay akong muli.
Tapos, babalik ako…
para protektahan ka.
Kakayanin mo bang…
mahintay ako?
Ae-gyeong.
Paano ka nagpatuloy sa buhay?
Paano pa ba?
Basta nagpatuloy lang ako.
Mga sampung taon ka pa lang no'n.
Tapos nawala pa ako pati na ang mga magulang mo.
Ae-gyeong.
Nagpapasalamat ako sa 'yo dahil kinaya mo ang buhay.
Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo.
Nagpapasalamat ako na bumalik ka sa buhay ko.
Nagpapasalamat ako na lumaki kang mabuti.
Ang mamuhay nang ligtas at simple na kasama ka…
'Yon lang ang gusto ko.
Diyos ko, ang laki mo na.
Di mo dapat sabihin 'yan sa hitsura mong 'yan.
Tahan na.
Halika. Yayakapin kita.
Ano ka ba, nakakahiya.
Nakakahiya?
Sige na, yakapin mo ako.
- Halika rito. - Sige na nga.
Mahal kong Ae-gyeong.
Hala. Anong tunog 'yon?
Di pa ako kumain buong araw.
Di ba kayo kumain sa birthday niya?
- Birthday? - Ano ka ba?
- Bakit? - Death anniversary ni Ju-won ngayon.
Si Seo-ha. Birthday niya ngayon.
Seo-ha.
Gusto mo bang pumunta tayo ng amusement part sa birthday mo?
- Talaga? - Oo.
Sasama ka, ha?
Mangako ka.
Oo. Pangako.
Di ko kayang palitan ang mama mo.
Pero di ako aalis sa tabi mo hanggang kaya mo nang mag-isa.
Babalik ako…
para makita ka.
Isinulat ang piyesang 'to noong panahon ng pananakop ng mga Hapon.
Tungkol 'to sa taong nangungulila sa kaniyang minamahal.
Pero walang nakakaalam kung sino ang sumulat.
Kung gano'n, paano mo nalaman ang piyesang 'to?
Dahil ako ang nagsulat nito.
Di mo na ako maloloko.
Pag-aralan mo at tugtugin mo 'to kapag nami-miss mo ang isang tao.
Mas gagaan ang pakiramdam mo.
Happy birthday, sir.
Tuwing hinihipan ko ang mga kandila,
naaalala ko ang sandaling…
nawalan ng hininga si Ju-won.
Ang mga birthday ko
ay laging nakaugnay sa kamatayan niya.
Ms. Ban?
Director Mun.
Bakit ka nandito?
Muntik ko nang makalimutan.
May kailangan akong sabihin.
- Ms. Ban, ano ang-- - Alam mo,
pag may nagtapat sa birthday mo, hinding-hindi mo 'yon makakalimutan.
Seo-ha,
tandaan mo 'to sa mga susunod mong birthday.
Gusto kita.
Gusto mo ba ako?
Sasagutin ko 'yan sa birthday mo.
Sa buhay, importante ang timing.
At sa tingin ko, tama lang ang dating ko.
Di ko na puwedeng palampasin 'to ulit.
Gusto kita.
Darating ba si Mr. Ha?
Pumasok ka na.
May bisita ako ngayon.
Maiiwan na kita.
Bakit si Cho-won…
Ano'ng ginagawa mo?
Wala kasing mga plato.
Hipan mo na ang mga kandila bago matapos ang araw.
Tigilan mo na 'yan at umalis ka na sa loob ng lima…
tatlong minuto.
Di talaga kita maintindihan.
Di mo na kailangan.
Di kita maintindihan.
Wala talaga akong maintindihan sa 'yo.
Sabi ko tawagan mo 'ko pagkabalik mo, pero sa iba ko pa nalaman.
Tapos wala kang sinagot sa mga tawag ko.
Ilan beses ko bang sasabihin sa 'yo?
- Ayaw kong ise-- - Alam kong ayaw mo mag-celebrate.
Alam ko 'yon.
Pero 'yon nga ang dahilan kung bakit ginagawa ko 'to para sa 'yo.
Magkaiba tayo.
Magkaiba ang mga pinagdadaanan natin.
Alam kong magkaiba tayo.
At alam kong mas nahihirapan ka…
kaysa sa akin.
Pero…
punong-puno na ako, kaya itigil mo na 'yan.
Ayaw ko sanang sabihin 'to.
Pero masama talaga ang loob ko.
Nandito ka pa rin?
Bakit ka napapunta sa bahay ni Seo-ha?
Heto.
Bakit mo ibinibigay sa 'kin 'to?
Apat na oras ko 'yang ginagawa, ayaw ko kasing masayang.
Masarap 'yan.
Gusto mo ba si Director Mun?
Bakit kailangan mong malaman?
Dahil gusto ko si Director Mun.
At paano kung gusto ko rin siya?
Susuko ka na ba sa kaniya?
Ano'ng nangyari sa 'yo?
Hala.
Kasama niya si Cho-won.
Cho-won? 'Yong kapatid mo?
No comments yet. Be the first to leave one.