The first 200 lines.
SEE YOU IN MY 19TH LIFE
Magaan sa pakiramdam na kalimutan na lang ang lahat.
Kapag may gusto ka, gawin mo.
Kung hindi, di mo na 'yon magagawa at pagsisihan mo 'yon.
Para akong tumatakas sa digmaan.
Naranasan ko na rin 'yan.
Sa pananakop ng mga Hapon, Espanyol, at sa Goryeo dynasty.
Lagi mo na lang sinisingit ang mga nakaraang buhay mo.
Masyado bang sinauna?
Matagal ka nga nabuhay.
Parang banda roon.
Ang ibig mong sabihin,
lugar 'to sa nakaraan mong buhay isang libong taon na ang nakalipas?
Kamakailan ko lang nalaman 'to.
Putol-putol ang naaalala ko sa una kong buhay,
kadalasan sa panaginip ko lang nakikita.
Puwede bang malaman kung ano'ng nakita mo?
May nakita akong lalaki na papunta sa akin sa gitna ng fireworks.
Isang lalaki?
Anong klaseng lalaki?
Nagseselos ka ba sa lalaking mula pa sa nakaraang isang libong taon?
Hindi, 'no.
Nagtatanong lang ako dahil gusto kong malaman.
Di ko pa rin siya kilala.
Pero dahil naalala ko pa rin siya, siguro espesyal siya sa 'kin.
Di naman 'yan cheesy na "isang libong taong pag-iibigan," 'no?
Mukhang maganda 'yang sinabi mo.
Masasabik siguro ako pag nakita ko siya.
Ikaw naman.
Ji-eum.
Paulit-ulit kong binasa.
'Yong storybook sa jewelry box.
Sabi mo, napakaespesyal ko sa 'yo
na kaya kong pagaanin ang mga bato na nagpapabigat sa puso mo.
Tama lang siguro na suklian ko ang mga pinagtapat mo.
Gusto mo ba ako i-date?
Ayaw ko.
Ano?
Bakit?
Dahil dalawang beses kang tumanggi, gano'n din ang gagawin ko.
Pero papayagan kitang tanungin ulit ako.
Gusto mo ba ako i-date?
Ayaw ko.
Ms. Ban.
Gusto mo ba ako i-date?
Oo.
Gusto kong i-date si Mun Seo-ha.
Sandali.
Hindi ko pa 'to nagagawa kaya…
Sandali. Malapit na.
Ayos na.
Bagay ba?
Ang ganda mo.
- May isa pa. - Mayroon pa?
Ta-da.
- Set ang binili mo? - Oo.
Sige, isusuot ko na.
Bagay ba?
Napakaganda mo.
Sa pagkakataong 'to,
dito ka lang sa tabi ko habang-buhay.
Ay, mali.
Ako ang di aalis sa tabi mo.
Okay.
Sana maging masaya tayo sa buhay na 'to.
Opo, ma'am.
Tara na.
MUJINJEONG POND WATER FIREWORKS
Parang banda rito 'yon.
Ano'ng problema?
Masama ba ang pakiramdam mo?
Bigla na lang akong di makahinga…
- Okay na ako. - Sige.
MAY SIMULA AT KATAPUSAN ANG LAHAT
Magpatingin tayo sa doktor.
Okay naman ang pakiramdam mo kanina.
Magpa-test ka muna tapos…
Hindi ako mamamatay.
Bakit mo sinasabi 'yan?
Hindi talaga.
Sorry kung nag-aalala ka.
Pero okay lang talaga ako.
Baka nasamid lang ako.
Okay lang talaga ako.
Mabuti kung gano'n pero biglaan kasi.
Director Mun.
Gusto mo na ba pumunta sa accommodation natin?
Inumin mo muna 'to.
Pinakaba mo 'ko ro'n.
Ang ganda rito.
Director Mun.
Ano'ng ginagawa mo diyan?
Wala.
Mas malawak pala sa personal kompara sa mga picture.
Itong gripo…
Gumagana naman.
Itong ref…
Walang laman.
Director Mun.
Maligo na ba tayo?
Ano?
Agad-agad?
Bakit?
Nag-dinner na tayo kaya masarap sana mag-wine.
At mas komportable pag nakaligo na tayo.
- Sabi ko nga. - Mauuna ka na ba?
Ako?
- O sabay na tayo? - Sige.
Ano?
Ako na ba'ng mauna?
Jack en poy na lang tayo. Jack en poy!
Ayos, panalo ako.
Ang cute mo.
Nasaan ang kuwarto?
Kuwarto? Dito.
Dito ka na maligo at matulog.
Saan ka pupunta?
Sa kuwarto ko.
Bakit dalawa ang kuwarto?
Di ba dapat dalawa kasi dalawa rin tayo?
Siyempre, hindi. Isang kuwarto lang dapat.
Bata pa lang tayo, sa isang kuwarto na tayo natutulog.
Tabi tayong matulog sa kuwarto ko.
Sama ako!
Kasama natin si Cho-won no'n.
Sige na, balikan natin ang nakaraan
at tabi na tayong matulog.
Maligo ka na.
Sige.
Marami bang balita?
May ilang mga article at comments…
ANG EPEKTO NG PAG-AMIN NI DIRECTOR LEE…
Makakalimutan din nila 'yan.
Mawawalan din ng interes ang mga tao sa problema ng iba.
Ang problema kasi, di lang sila interesado sa tiyo mo.
Wala silang pakialam sa balita. Sa hitsura mo sila nagko-comment.
"Ang guwapo ni Mun Seo-ha."
"Bayani siguro siya sa nakaraang buhay niya."
Naku. Naging bayani rin ako sa nakaraang buhay ko.
Ano ba'ng pakialam nila kung binata ka o hindi?
Siguradong madaming pipila sa 'yo para alukin kang magpakasal.
Sorry.
Hala, di ka naman dapat mag-sorry.
Si Ju-won ang dapat mabigyan ng hustisya
pero wala akong nagawa.
Binunyag mo ang katotohanan.
Di ka na rin makakahingi ng tawad dahil patay na si Ju-won.
At saka…
napagaan mo na ang loob ko.
Kailan?
'Yong kay Ban Hak-su.
KUMPIRMASYON NG KABAYARAN NG UTANG
Bakit ba nangyari 'to?
Tatay ko ang pumatay sa 'kin sa nakaraang buhay ko.
Alam kong sinunog mo 'yon dahil tatay ko siya.
Ayaw kong malaman mo.
Kahit gaano pa kalayo ang loob mo sa kaniya,
alam kong masasaktan ka pa rin pag nalaman mo.
Seo-ha.
Lumaki ka na talaga.
Mas matanda ako sa 'yo, Ji-eum.
Cheers.
Su.
Siya si Master Han-ya mula sa templo.
SU, HAN-YA
Ako si Su noon.
Tapos, nandoon si Han-ya mula sa templo na kamukha ni Seo-ha.
Pero sino 'yong tumawag sa 'kin?
SU, HAN-YA
Ikaw ba talaga 'yong lalaking mula sa nakaraang isang libong taon?
Gusto mo ba talaga akong tabihan?
Sige, halika rito.
Isang lugar na lang ang natitira.
SIGE, AKO NA ANG BAHALA
Do-yun.
Mukha kang pagod nitong mga nakaraan.
Kaya tinipid ko ang allowance ko para bilhin 'to.
Maganda 'to para sa mga kasu-kasuan mo.
Maganda rin 'to para sa mga broken.
Kumuha ka.
Dali na, isa lang.
Kumain kaya tayo sa labas mamaya?
Maghugas ka ng mga pinggan.
Aalis na 'ko.
Ingat ka.
Oo.
Parang okay naman siya.
Ang alat.
Di nga talaga siya okay.
Itong lugar na 'to ang magpapakita ng nakaraan kong buhay?
Heto.
Laman ng mga balita ang mukha mo.
Sige na nga. Tingnan na natin ang nakaraan mong buhay.
Ang engrande mong nakaraang buhay.
Ano 'to…
Sabi mo, isa kang pagong sa nakaraan mong buhay.
Isang mahiwagang bato 'yan na mukhang pagong.
Ikaw kaagad ang naalala ko.
Ikaw kasi ang nagsabi na pagong ka sa nakaraan mong buhay.
Naalala mo 'yon?
No comments yet. Be the first to leave one.