The first 200 lines.
"ANG TANGING LALAKING KINATAKUTAN KO
AY ISANG BABAENG
NAGNGANGALANG GRISELDA BLANCO."
PABLO ESCOBAR
- Hello? - Carmen?
Bakit?
Uy, si Griselda ito.
Griselda? Ayos ka lang?
Makinig ka, alam kong matagal na, pero hihingi ako ng pabor.
Ano'ng nangyayari?
May nangyari sa amin ni Alberto
at iniisip kong kung may makakaintindi...
Naku, honey. Pasensiya.
Gusto mong pag-usapan?
Oo, pagdating ko riyan.
Dito? Pupunta ka sa Miami?
Kasama ang mga bata. May isa ka pang kuwarto.
Di ba?
Oo, pero sobrang liit n'on.
Darating kami nang umaga.
Carmen. Maraming Salamat.
Lintik.
Handa na kami.
Ma...
Sobrang aga pa. Di ba puwede ang ibang flight?
- Nakaempake ka na ba? - Oo.
- Si Alberto? - Sa kotse ko na ipaliliwanag.
Nasa'n si Ozzy?
Ewan. Nasa banyo?
Ozzy, aalis na tayo!
Sandali, kailangan kong dumumi bago sumakay ng eroplano.
Dali!
Tara na.
Ma.
Magdidiborsyo na kami ni Alberto.
At lilipat na tayo sa Miami.
Asar 'din naman ako r'on.
Huwag kang ganyan sa ama mo.
Di ko siya ama.
Dixon, di ko kailangan ang ganyang asta ngayon.
Ayusin mo ang English mo.
Ayaw ko sa Miami.
Alam ko, anak.
Pero aayos din ang lahat.
Heto na.
- Carmen, ang ganda ng bahay mo. - Salamat. Malapit na nga.
Nagulat akong nandito ka na.
Ako rin.
Di ka maniniwala sa nangyari sa akin.
Mag-uusap tayo, okay? Ipapakita ko ang kuwarto. Tara.
Halikayo.
Heto ang kuwarto.
Ang ganda.
Isa sa inyo, matutulog sa upuan.
Buwisit.
Dixon!
Pasensiya na, mahaba ang biyahe.
Hindi, ayos lang. Ayaw ko ring matulog sa upuang 'yan, Dixon.
Bale sa tingin mo, gaano kayo katagal dito?
Hanggang maayos ko lang ito.
Makahanap ng lugar.
Sana ayos lang sa 'yo.
Oo naman. Maiwan ko muna kayo.
Tumigil ka, Dixon!
Tama na!
Makinig kayo, pakiusap.
Oras na makakuha ako ng matitirhan, aalis na tayo.
Pangako.
Pansamantala, maging magalang kayong bisita.
Huwag kayong gago.
Walang magmumura, at ibaba n'yo ang toilet seat.
Ma, paano mo siya nakilala?
Nakilala n'yo siya sa Colombia.
Nakakasama namin siya ni Alberto noon sa New York.
Di marunong mag-Espanyol?
Dito siya lumaki. Gan'on talaga 'yon.
Ayaw kong mag-English palagi.
Alam ko.
Pakinggan mo ito.
"Fuck you."
'Yan lang ang aralin mo.
Di mo kailangang mag-English para malamang ayaw niya tayo rito.
Alam ko, anak.
Inaayos ko na 'yan.
Di ako makapaniwalang narito ka na.
Ako rin.
Alam kong mabigat ito.
At gusto ko lang ipaalam na kung may problema,
hahanap ako ng motel...
Hindi, Griselda, di 'yan.
Alam mong nakikiramay ako sa sitwasyon mo.
Matindi ang diborsyo namin ni Reynaldo, okay?
Pero...
Ayaw mong ipaalala ko sa 'yo ang bagay na 'yon, kuha na.
Maraming babaeng iniiwan ang lalaki, di ang buhay.
Di mo alam ang ginawa niya sa akin.
Sinaktan ka?
Mas malala.
Makinig ka, Carmen.
Di ako tumawag sa 'yo dahil lang maraming tayong masasayang alaala.
Tinawagan kita kasi nakita ko ang ginawa mo.
Di mo lang pinalayas si Reynaldo.
Nagsalita ka. Ginawa mo ang nararapat.
Ngayon, may sarili ka nang travel agency.
Nakakamangha.
Dapat may patunguhan ang oras ko bilang stewardess.
Alam mo, 'yan din ang gusto ko.
Ano?
Sarili kong negosyo.
Matapos ang pinagdaanan ko, seryoso, Carmen,
wala na ako sa negosyong droga.
Bakit di ka magtrabaho sa agency ko?
Para tulungan ka. Makita mo ang pagpapalakad ng negosyo.
Kailan ang simula?
8:00 a.m. At huwag kang mahuhuli.
May masisiyahang maging boss ko.
Para kay Alberto at Reynaldo. Makuha sana nila ang nararapat sa kanila.
Ipag-iinom ko 'yan.
Kung makakagawa tayo ng 65 kilo mula sa paste na 'to, matutuwa sa atin si Boss.
Kaya ka nag-aral ng math, di ba?
Arturo?
Nanay mo.
Naku naman...
Sa telepono.
Di siya tumitigil.
- Ma, sinabi ko na... - Arturo, ako ito.
Ano ba, Griselda! Di mo dapat ako tawagan.
Ayos lang ba kayo?
Oo, ayos lang. Ayos lang kami.
Alam niya ba kung nasa'n ako?
- Walang nakakaalam, huwag mo... - Nasa Miami ako.
Lintik.
Di niya alam kung nasa'n ka, pero pinapahanap ka niya.
Ikaw ba? Pinahirapan ka ba?
Hindi, accountant lang ako. At sinabi ko ang totoo. Di ko alam.
Salamat naman.
Arturo, makinig ka.
May kilo akong nailabas.
At kailangan kong ibenta.
Mananatili ako rito at magsisimula ulit.
Bumuo ng sarili ko.
Oras na siguro.
Magandang ideya ba 'yon?
Pinakamaganda kumpara sa dati.
Naaalala mo si Manny Suarez, 'yong bumibili ng cocaine kay Fernando?
Oo, taga-Miami. Patay na siya.
Oo, pero may nababanggit siyang lugar dito na maraming aksyon.
Sa The Mutiny.
The Mutiny.
Tama.
Sweetie, may ipapayo ako sa 'yo.
Mag-ingat ka.
Walang nagbabantay sa 'yo.
Walang ibang nagbabantay sa akin maliban sa 'yo.
Sige na. Sa susunod ulit.
Kung gusto mo, pupunta ako...
- Kumusta ang pananghalian? - Ayos lang. May customer?
Wala.
Pero dumating ang kartero.
Binentahan ko ng ticket ng Puerto Vallarta, pero wala.
Mas dadali pa ito. Ituturo ko ang sasabihin mo.
Alam mo, kailangan ko ang tulong mo riyan. Sige, pakiusap.
Okay, ayos. Kumain ka na. Masarap sa kapehan sa kanto.
- Okay? - Sige, oo.
Punasan mo ulit.
Hindi malinis.
Patingnan mo ang mata mo, gago.
Colombiano ka?
Oo.
Pero pumunta ako ng America para maghugas ng pinggan.
Alam ko.
Hi!
Naku...
Pasensiya na.
Buwisit! Puno 'yon.
Ayos lang 'yan. Uy, ibibili kita ng isa pa.
Okay?
Tapos na.
Coral Gables Travel.
Alam ko yata ang lugar na 'yan.
Baka pumunta ako, at bumili ng ticket pa-Rio.
Mahal 'yon.
Walang problema.
Naku, nakatira lang ako sa suite sa taas nito.
Mahilig ka siguro sa mamahaling bagay, ano?
Lintik.
Nakilala ko ang tamang babae.
Di 'yong tipong pang-payat na gringo.
Sige lang, mama. Walang problema.
Ano'ng mayroon d'on?
Si Rafo Rodriguez. Tinatawag siyang Amilcar.
Amo mo siya?
Amo namin siyang lahat, mama. Sa isang banda.
Lintik.
Alam mo ito.
Di tulad ng basurang alam mo, ano?
Oo.
Alam mo, puwede kitang bentahan ng isang kilo.
Teka. Tulak ka na ba o ano?
Mukha ba akong tulak sa 'yo?
No comments yet. Be the first to leave one.