The first 200 lines.
Hinga nang malalim.
Sabayan mo 'yung paghinga ng inaasinta mo.
Mamili ka.
'Yung pinili mo,
sabayan mo ng kilos, sabayan mo ng anggulo.
Tatapatan mo 'yan.
Huwag masyadong magalaw.
Iisa ang paghinga niyo.
Iisa ang huling hinga mo bago mo pisilin ang gatilyo
at ang huling hinga niya bago siya mamatay.
Sige, gawin mo na.
Maya. Maya, gawin mo na.
Maya, akin na 'yan!
Halika na nga. Halika na.
Tensyonado ka pa rin.
Matagal pa bago mo matutunan ito.
Sa palagay mo ba, Maya,
bakit ko ito tinuturo sa iyo?
Kung wala na ako, sinong mag-aalaga sa iyo?
Nandiyan naman po si Bala, eh.
Hindi ba, Bala?
At… at si Lola.
Matanda na 'yon. Mauuna pa iyon kay Bala.
Kailangan matuto kang alagaan ang sarili mo.
Eh, hindi naman po ako magiging caretaker dito habang-buhay katulad niyo, Tang.
Narinig mo ba 'yung kuwento tungkol sa anak ng isang taga-bayan?
Mang Ruel ba iyon?
'Yung iniwan po niya 'yung anak niyang pipi?
Oo.
Iniwan ni Mang Ruel 'yung anak niya.
Sandali lang.
May kailangan siyang bilhin sa kabilang bayan.
Tapos pagbalik niya,
wala na 'yung bata.
Wala na.
Walang makakita, hindi mahanap, nawala.
Tay, ilang beses niyo na pong nakuwento sa akin 'yan, eh.
Hindi lang po kayo, pati na rin si lola saka...
kung sinu-sino pang matanda diyan.
Pero hindi nila alam kung ano nga ang nangyari sa bata.
Kaya ikaw, 'wag na 'wag kang pupunta kung saan-saan.
Lalo na doon sa harang.
Delikado.
May dumampot po ba talaga sa kanya?
Malay po natin, gumala lang po pala siya sa labas.
Ang punto, kailangan matuto kang mag-isa.
Piliin ang sarili. Tulungan ang sarili kaysa sa iba.
Mukhang masarap iyan, ha.
Kahit na iyan pa 'yung hapunan natin kagabi.
Inubos ko lang 'yung padala sa atin ni Papa.
'Di naman kasi ako makaalis, eh.
Para bumili.
'Di naman din puwedeng ilabas si Baby.
Paubos na pala ang padala sa atin ni Papa. Baka kailangan ko na rin humingi.
Huwag kang humingi. Ako na bibili nun.
Gusto mong sumama sa akin, 'no?
Halika, dali. Sama ka.
O, ito na, ito na, ito na.
Ayaw mo namang matulog, eh.
Okay na ako.
Talagang ayos na ayos ka, ah.
Hindi ba dapat? Uniporme ito, eh.
Hindi ba tayo papasok?
May natanggap akong tawag kanina lang.
Sa wakas meron nang natagpuan na nakakita kung saan napunta 'yung bus.
Mabuti naman at meron nang balita diyan sa wakas.
Oo.
Pero mamaya, basta pabayaan mo lang ako, ha, Dom...
Ano pangalan mo? Domingo? Domingo ba?
Yes, sir.
Hayaan mo lang ako, ha. Pero alerto ka.
Akong bahala.
Yes, sir.
Mga pulis. Takbo! Dali!
Kalaban! Takbo!
Takbo!
Sandali!
Si Benny? -Si Benny? -Sir!
Sir, wala akong kasalanan!
Nasaan si Benny?
Ako po. Ako po si Benny.
O, sakto. Sinusuwerte ako.
-May alam ka raw tungkol sa bus? -Sir?
Tatlong buwan na 'yung binayad ng boss ko sa inyo.
Wala na kaming utang.
Bayad na kami sa mga pulis.
Binigay namin dun sa kasama niyo nung isang linggo.
Talagang mababaon kayo sa utang dahil ilegal ang negosyo ninyo.
Sir, sir!
Benny.
Makinig ka.
May bus na umalis sa San Jose 10:00 nang gabi noong Lunes.
Papuntang Maynila. Dalawang oras lang papuntang Maynila.
Kaya dapat bago magmadaling araw nasa Maynila na siya, sa istasyon.
Walang dumating na bus. Walang dumating na drayber.
Wala din 'yung konduktor tsaka lahat ng pasahero, wala.
Nabalitaan ko nagbago daw ang ruta, dumaan dito sa negosyo ninyo.
Wala kang narinig? Wala kang nakita?
Sir, hindi ko ho ito negosyo. Wala ho akong alam.
Hindi nga iyon ang tanong, eh.
So wala kang alam?
Kung magtatago ako
ng bus...
Bakit ako magtatago ng bus?
Siguro hindi rehistrado, o baka naman merong krimen na nangyari sa loob.
O baka naman merong drayber na lasinggero kaya nahulog sa bangin 'yung sasakyan.
Pero kahit ano pang nangyari, siguradong merong maling naganap,
at ‘pag may maling naganap, siguradong mayroong mananagot, tama ba?
At ‘pag nagtago ako ng bus, sisiguradihin ko syempre,
hihingi ako ng tulong sa mga taong gumagawa ng ilegal.
Kaya nga tinatanong kita. Mayroon ka bang nalalaman
na mga tao na may ginagawang ilegal na trabaho
na kaibigan mo o kaya boss mo?
Sir. Hindi ko ho ito negosyo. Trabahador lang...
Sinabi mo na nga iyan, 'di ba?
Benny naman, eh.
Paulit-ulit ka kasi, eh. 'Di naman ako tanga, eh.
So wala kang alam?
Wala ho talaga, eh.
-Wala kang kakilala? -Wala po.
O, sige. Salamat.
Hawakan mo.
O, bakit?
Sir!
Huwag po! Huwag!
Sir, huwag.
Hindi iyon ang sinabi ng kaibigan ko. Sinungaling 'yung kaibigan ko?
-Sinungaling? -Sir, wala talaga akong...
-Baka wala talagang siyang alam! -Bayaan mo!
-Sabihin mo. -Sir, wala ho talaga akong alam, sir.
-Sinungaling ang kaibigan ko? -Sir, wala talaga akong alam.
-Benny! -Sir, huwag! Sir! Sir!
-Isa. Dalawa. -Sir...
Nasaan ang bus?
Huwag!
Putangina.
Bakit ba ako na-partner sa isang kapitan na may sayad?
Buti sana kung may sayad lang, kaso kapitan pa.
Paano ako magsusumbong? 'Di ko siya puwedeng isumbong.
'Di naman ako puwedeng pumalag.
Anong gagawin ko?
Pulis ako.
Pulis ako.
Bawal akong manakit ng kapwa.
Dapat nga ako pa ang nagtatanggol sa mamamayan ng Pilipinas dahil pulis ako.
Tama.
Dapat may prinsipyo, dapat naka-uniporme.
Dapat ginagawa natin 'yung trabaho natin.
Nagawa ba natin ang trabaho natin?
Nakuha ba natin ang impormasyon na kailangan natin?
Wala tayong problema diyan? Wala? Wala.
Sir?
'Yung susi nasa ignition pa.
Mukhang ito nga naubusan ng gasolina, eh.
Baka may makarinig sa atin.
Dito ka lang, ha. Kaya ko na ito.
'Wag kang aalis diyan.
Babalik din ako.
Nakita ko sa may puno.
Meron bang wallet o ID sa loob?
Wala, eh.
Wala naman akong nababalitaan na mga NPA dito sa atin
o kahit anong klaseng rebelde.
Ni maliit na krimen.
Walang plaka, walang ID sa polo,
walang footprints, walang nakakita, walang kahit ano.
Saan tayo mag-uumpisa kung ang meron lang tayo ay wala?
Lahat naman nagsisimula sa wala.
Sir!
Bala!
Bala!
Saan mo napulot iyan?
Doon po paglagpas po ng harang.
Sinabi kong huwag na huwag kang lalapit dun, hindi ba?
Gumala lang po.
-May narinig po kasi... -Gumala?
Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo?
Huwag kang lalapit doon.
Huwag kang lalampas.
Wag kang papasok.
Sinabi niyo na rin po, 'di ba, na kayanin ko mag-isa.
Alam mo ba ang ginawa mo?
Hindi mo alam kung ano ang nangyari.
Alam mo ba ang sitwasyon natin ngayon?
Hindi. Dahil wala kang alam.
Wala!
Paano mo natamaan 'yung ibon?
Ginawa mo ba 'yung tinuro ko?
Sabay po 'yung paghinga namin.
Sakto po hanggang sa huling hininga.
Para sa mga nagbabagang balita.
Nahanap na sa wakas ang nawawalang bus.
Matatandaan natin na ang bus ay patungo sanang Maynila,
ngunit hindi na nakarating.
Walang may alam kung saan napunta o anong nangyari.
Walang testigo.
Ngayon natagpuan na, ang mga kamag-anak...
Tay, ano pong itsura ng Maynila?
Masyadong magulo.
Masyadong marumi.
No comments yet. Be the first to leave one.