The first 190 lines.
And cut!
Break na muna si Carlo...
- Habang inaayos pa 'yong fight scene. - Aah! Carlo, tapakan mo 'ko!
Kahit ako na lang ihagis mo, basta mayakap mo 'ko.
Carlo, pa-picture, kahit isa lang!
Nakita ko siyang pumasok doon sa eskinita!
- Saan? Dali, gusto ko magpa-litrato! - Doon! Magpalitrato tayo!
Sige, sasabihan ko 'yong iba na mag-abang!
Okay, sige!
Ba't puro mga weirdo 'yong pumapasok dito?
Welcome sa Hiraya Komiks!
Kailangan n'yo po ng tulong?
Hindi, ah, tumitingin-tingin lang.
- Ah, sige. - Salamat.
May nakapagsabi na ba sa 'yo na kamukha mo si Carlo Aquino?
Sabi nga e.
Tara na nga!
Carlo, mahal na mahal kita! Saan ka na ba?
Sabi ko na nga ba e! Ikaw 'yon e!
- Sssh! - Nasaan na ba 'yon?
Nandito lang 'yon e.
Uy! Uy! Psst!
Uy! Ginagawa mo?
- Wala na? Wala na? - Oo, wala na. Wala na.
Salamat.
Oh.
Anong mga binebenta n'yong libro dito?
Malamang, komiks. Hindi ba halata?
Ah.
Parang mga Marvel, gano'n?
Hindi naman. Mga lumang Pinoy komiks lang.
Ano 'yon?
'Yong alin?
'Yong tumatawa.
Ha? Ako lang nandito.
Ayun o! Hindi mo naririnig 'yon?
Uy! Walang ganiyanan!
Dito e. Dito lang...
Paraan.
Dito nanggagaling.
Dito o!
- Hoy! - Sandali, tinitingnan ko.
Hoy, Carlo! Ano'ng ginagawa mo?
Susi!
Hala! Uy, ano'ng gina...
Bawal hawakan 'yan!
Uy, ibalik mo sabi e!
Ipapahamak mo pa ako e!
'Wag kang mag-alala.
Kung masisira ko 'to, babayaran ko na lang.
Hindi 'yan binebenta!
Hindi ba bentahan 'to ng komiks?
Oo! Pero hindi 'yan!
Kabilin-bilinan kasi ng lola ko na walang puwede humawak niyan.
Kahit nga ako bawal e!
Hayaan mo.
Hindi kita ipapahamak.
Saka, malakas kaya ako sa mga lola.
Hmph.
Kuwento ito ng isang mahiwagang isla
na nakakubli sa karagatang libo-libong taon na.
Ito ang Isla ng Tawa-Tawa.
Kilala ito bilang dakilang lihim ng Dagat Pasipiko.
Lumilitaw lang ang isla kada 100 taon
kung kaya't walang nakakakita sa kanila
maliban lamang sa piling mga tao.
Ayon sa alamat...
Dagdagan mo naman ng feelings.
- Ano? - Epic story ang kinukuwento mo,
dapat tunog-epic din.
- Okay. - Hmm.
Ayon sa alamat,
tuwing ika-100 taon,
pito sa pinakamahuhusay at pinakanatatanging nilalang
ang pinipili para sumali sa isang palaro.
Susubukin ang kanilang lakas,
talino,
tapang, at puso!
Sa huli,
ang matitirang manlalaro ang mananalo at makakatanggap
ng kayamanan para sa buong sangkatauhan!
Kayamanan na tulad ng apoy!
Teka, teka, teka.
Basahin mo naman na parang nagbabaga ang boses mo!
Kayamanan na tulad ng apoy!
Tama! 'Yan!
- Koryente! -
'Yan! Ganiyan!
- Makina! -
Galing! Malupit! 'Yan! Ganiyan! Sige pa.
Tuwing ika-100 taon,
nakakatanggap ang mga tao ng kayamanan na nagpapaunlad sa ating lahi.
Ano naman kaya ang sunod nating makukuha?
Malalaman natin 'yan sa susunod na isyu ng
Lulubog-Lilitaw na Isla ng Tawa-Tawa!
Ba't wala nang kasunod?
Ano 'tong mga 'to?
Paano ako napunta rito?
Excuse me po.
Puwede ko bang malaman kung nasaan ako?
Dito ba ako bumagsak?
Kuya.
Ano ba 'to? Trip-trip ba 'to?
Nasa set ba tayo?
Direk?
Hindi ako nagigising. One, two, three, gising!
Hindi kaya ako nananaginip?
Kuya!
Kuya!
Pambihira naman o!
Buhay ba 'to?
Hello?
Caloy!
Sino ka?
Uy, Caloy! Caloy!
Ako 'to!
Jerald!
- Jerald? Napoles! - Jerald!
Je! Buti nandito ka.
Akala ko, ako lang mag-isa.
Ako 'to! Ako 'to, hah.
Saan ba tayo napadpag na naman?
Hindi ko nga rin alam e! Basta ang naalala ko,
nagbabasa ako ng comic book tapos, boom!
Dito na ako napadpad.
Oo, tama e. Ako naman.
E nasa pansampung step ako ng skincare ko.
May narinig ako na paulit-ulit na tawa na parang ewan,
pinulot ko 'yong comic book.
Tapos no'n, nagulat na lang ako,
- nandito na ako. -
Aba, narinig ko rin 'yong tawa na 'yon.
- 'Yong tawa, 'di ba? - Oo!
- - Ano 'yon?
- Ano naman ito... -
Ugh! Ay! Ha?
- -
Diyos ko po!
Naghahanap lang ako ng tisyu e!
Ate Cai?
Ugh! Sino po sila?
Ako 'to, si Andrea! Si Blythe!
Ako 'yon o!
Oh, oh, oh, oh, oh.
Ay, oo nga! Andrea!
- - Kumusta ka na?
Sandali, sandali, sandali.
Ayun o!
Alam mo, pakiramdam ko,
may iba pang tao dito sa islang 'to.
Pupuntahan natin?
- Oo, puntahan natin. - Pahiram muna ako ng damit.
- 'Wag na, ayos ka na. - Wala akong damit, e.
- Ayos na 'yan. - Kanina pa 'ko pinapapak ng lamok.
Hayaan mo, alay ka na riyan.
- Sige na! Sige na! - Halika na. Hayaan mo na!
Paano ba 'to?
Gamitin mo 'yon, 'te!
Oo nga! Sandali, sandali.
Ilapit mo ako sa 'yo!
Bakit parang umiikot lang ako? Sandali.
- Ito! Ito! - Aah, ayoko malaglag!
Ate, ibabato ko 'to sa 'yo!
- Ayan! 'Yan, 'yan, 'yan! - Ha? Kunin mo, ha?
Sige, sige!
- Aah! - 'Yan!
- 'Yan, 'yan, 'yan. - Kapitan mo, hihilahin kita!
Sino'ng mas malapit?
- Ako, ako. - Okay, okay.
Kaya mo ba ako matulak gamit 'yong sagwan?
Kaya, kaya.
- Tulak mo. - Halika, hindi.
Pagdating ko ro'n, ibabato ko 'to sa 'yo, hihilahin kita pabalik.
Ang galing mo!
Ililigtas ko tayo, Ate Cai!
- Aah! Umiikot! - Aay!
Tulong!
Ayaw niya!
Umiikot lang nga ako, 'di gumagana 'yong plano natin!
E paano ikaw lang ang nakagawa ng paraan.
Kunin mo nga ulit, 'te.
- Ayokong mahulog! Sandali! - Wala bang tao rito? Tulong!
Saan ba tayo pupunta?
'Di ko rin alam, nilalamok na 'ko e.
Hindi. Silipin na nga lang natin 'to.
O. O 'di ba?
Ang laki. Paano mo malalaman kung saan papunta diyan?
- Uy! May gumagalaw ata. - Ano 'yon?
- - Uy!
Halika na, tara na! Tara na!
No comments yet. Be the first to leave one.