The first 200 lines.
Papa?
Ano 'yon?
Nandiyan ka ba?
Oo.
Pa, tulungan mo nga akong i-drawing si Mama dito sa papel?
Alex, tingnan mo ako.
Noong nakita mo 'yong masamang tao, nasa harap mo ba siya?
O dito ba siya sa side na 'to, o nasa kabila?
- Nasa harap ko siya. - Nasa harap mo siya?
- Oo. - Nakita ba siya ni Mama?
Parang hindi.
Hindi? Ikaw ang unang nakakita sa kanya?
Oo, ako'ng unang nakakita.
May dala ba siyang bag?
Oo.
Binuksan ba niya 'yon, o nakabukas na?
Binuksan niya.
Ano'ng inilabas niya?
Kutsilyo.
Ano'ng ginawa sa 'yo?
- Tinulak ako! - Tinulak ka niya?
Oo.
Tinutusok no'ng masamang tao 'yong gamit niya kay mama.
Ano'ng tinutusok niya?
Kutsilyo. Ayan ang kutsilyo niya.
Nakita mo ba 'yon?
Oo, nakita ko ang kutsilyo.
Nakita mo lahat?
Nakita ko… Oo, nakita ko lahat.
Nasaksihan ng anak ko ang pagpatay sa nanay niya.
Pero walang sinumang makapagsabi kung gaano katagal
bago mahanap ang gumawa nito.
ISANG TAON BAGO IYON
Ha? Ano'ng dala mo?
- May camera ako. - Para saan?
Para piktyuran ka.
Payakap.
Di ba ayaw natin no'n, Alex?
Sina Rachel at Alex, parang iisa lang sila.
Siya ang sentro ng atensiyon ni Rachel araw-araw.
Di siya naaakit sa mga kumikinang na bagay.
Mas gusto niya 'yong mga simpleng bagay sa buhay.
Masaya na siya sa piling ng mga taong mahalaga sa kanya.
Siya 'yong taong matutuwa kahit sa pinakasimpleng bagay.
Ang tagal naman.
Tulog na.
Haplusin mo na si Molly. Humiga ka na at haplusin mo siya.
Noon, nagtatrabaho ako limang araw kada linggo bilang dispatch rider
at bumibiyahe ako sa buong bansa.
Pumunta na ako sa motor ko, at handa na sa araw na 'yon.
Kahit nakapagpaalam na kami, nagpakita pa rin silang dalawa.
Bumaba sila ng hagdan at kinawayan ako.
Di ko malilimutan 'yon, 'yong nakangiti sila.
Nakatayo sila sa hagdan, hawak-kamay.
Kalmado lang si Alex at napakaganda ni Rachel.
Nakagawian na nilang pumunta sa Wimbledon Common.
Kilala ang lugar na 'yon sa pagiging ligtas.
At kailangan din ni Alex ng ehersisyo tulad no'ng sa aso.
Kung hindi, pareho silang di mapakali.
Nagkataong nasa London ako no'n.
Pinapunta ako sa labas ng bayan.
Wala pang mobile phone no'n.
Dalawang beses sa isang araw, tumatawag ako para masigurong maayos sila.
Magtatanghali no'ng huminto ako at nakahanap ng teleponong gumagana,
tapos tumawag ako.
Boses ng lalaki ang sumagot.
At bigla akong kinilabutan.
Alam ko na agad na may masamang nangyari.
Sabi niya, "Pulis ako."
Sabi ko, "Nasaan si Rachel?"
At sabi niya, "May aksidente."
Sabi ko, "Patay na ba siya?" Sabi niya, "'Di ko pwedeng sabihin."
Ako, "Nasabi mo na."
Tinanong ko, "Nasaan si Alex?"
Sabi niya, "Ligtas si Alex. Nasa ospital siya."
Sabi niya, "Diyan ka lang. Magpapadala kami ng police car."
Pagbaba ko ng telepono, napasalampak na ako't humagulgol.
André, nakasubsob ako sa tiyan mo.
I-pause mo na.
Uy, ayoko…
Di ko alam ang sinasabi mo.
O, ayos 'yon.
- Ayos ba 'yon? - Oo.
Lahat ng paniniwala ko sa realidad, biglang naglaho.
Nasa lagay ako
kung saan mailalarawan mo na nasa bingit na ako ng pagkabaliw.
No'ng ika-15 ng Hulyo '92,
sinabihan ako na may natagpuang bangkay sa common na nakita ng isang dog walker.
Trabaho naming harapin ang mga sitwasyon na ganito bilang mga propesyonal.
Kailangan naming ihiwalay 'yong simpatiya sa isang kapwa tao.
Naglalakad ako sa damuhan,
tapos lumiko ako sa kanan papasok sa kakahuyan.
Ito na ang pinakamalalang crime scene.
Parang galit na galit 'yong umatake.
Ang biktima ay inatake, kinaladkad,
sinaksak ng 49 na beses sa bandang leeg at dibdib.
At nakahiga siya na parang nakasangga ang kamay sa mukha niya.
Parang pinoprotektahan pa rin niya ang sarili niya.
Nakakapangilabot.
Sinabi sa akin ng mga detective na inatake si Rachel mula sa likod.
Sinaksak daw siya nang maraming beses at ginahasa siya.
Natagpuan daw si Alex na nakakapit sa nanay niya.
Kinailangan daw siyang akayin palayo
para matingnan siya.
Dinala si Alex sa ospital na ito.
Pagdating ko doon,
sabi nila na kausapin ko daw muna 'yong psychologist
bago ko makita si Alex.
Sabi ng psychologist, matatag daw ang mga bata.
Kaya nilang lampasan ang pinakamalala.
Dapat malaman daw nila
na di na talaga babalik 'yong taong ito.
Karga ng nurse si Alex paglabas, at mukhang kawawa.
May mga sugat siya sa ilalim ng mata at mga pasa sa pisngi.
Tapos ang lalim ng tingin niya, alam mo 'yon,
parang matanda sa loob ng batang katawan.
Tapos binuhat ko siya at sinabi ko 'yong mismong sinabi ng psychologist.
"Nagkaroon ng aksidente. Patay na si Mama, at di na siya babalik."
Tapos nakatitig lang siya. Hindi siya nagtanong.
Pero malinaw na sinasabi niya sa akin, "Alam ko na 'yan."
Para bang, "Di mo na kailangang ipaliwanag sa akin 'yan."
Alex, harap dito at kaway ka sa akin.
Kaway.
Di na siya nagtanong ulit kung nasaan ang nanay niya. Kahit minsan.
Isinarado ang Wimbledon Common
matapos matagpuan ng isang dumaraan ang kalahating-hubad na katawan ng babae.
Sabi ng mga detective, pinatay siya sa pananaksak,
na nasaksihan ng kanyang 2-anyos na anak.
Tinawagan ako ng news editor,
"Nabasa namin sa news na may pinatay sa saksak sa Wimbledon Common.
"Punta na kayo ng crew ngayon."
Pag sinabing Wimbledon,
napakasosyal na lugar ito at magaganda ang mga bahay.
Ang Wimbledon Common, nasa mga 1,100 acre ng parkland ito,
na nasa gilid mismo ng Central London.
Nangyari ang pagpatay sa kasikatan ng araw,
at sigurado daw ang mga pulis na may bahid ng dugo ang killer.
Eve Richings, Sky News.
Kitang-kita ang matinding pagkabigla ng mga pulis na nasa pinangyarihan.
Nakita ng isang dumaraan 'yong kalahating-hubad na katawan.
At nakakapit sa katawan ang isang batang lalaki.
Si Superintendent Bassett, ang opisyal na namamahala sa imbestigasyon,
ang nagbigay ng unang briefing.
'Yong bata ay puno ng putik at dugo.
Posibleng galing ang dugo sa ina niya.
Detective sergeant ako noong panahon ng imbestigasyon,
at kanang-kamay ni John Bassett.
Pagdating namin sa pinangyarihan,
nakita ko na kakila-kilabot ang dinanas niya
sa pag-atakeng ito.
Nang tingnan namin 'yong katawan, hindi natural ang posisyon nito.
Pinunit ang damit niya.
Medyo basa ang katawan niya at paligid nito.
Ibig sabihin, posibleng may nangyari na seksuwal dito.
Nakakatakot na 'yong taong kayang gumawa ng ganoong krimen ay pagala-gala.
Kung nandiyan 'yong taong gumawa nito,
posibleng mangyari ulit ito,
at malaki ang pressure na mahuli ang lalaking ito bago niya maulit ito.
Pangalawang araw ng pagsuyod ng mga pulis sa 1,000 acres ng Wimbledon Common
para sa mga palatandaan sa malupit na pagpatay.
Sa laki ng Wimbledon Common,
alam ko na agad na mahirap ang trabaho namin.
Karaniwan kapag may pagpatay,
malamang may 10 o 15 na opisyal.
Pero dito, parang nasa mga 40.
At halata naman sa simula pa lang na magiging malaki ito.
Opisyal na pinangalanan ang pinatay na ina bilang si Rachel Nickell.
Ang bangkay niya ay kinilala ngayon ng ama ng kanyang maliit na anak.
Kapag makita mo ang mga larawan ni Rachel Nickell,
kapag makita mo ang itsura niya,
parang punong-puno siya ng sigla.
Maaaring makita ng mga tao ang sarili nila sa buhay na iyon.
Matatandaan nila noong 23 sila
o maaalala ang pagiging bagong magulang.
Ramdam natin ang love story sa mga larawang inilabas nila.
May koneksiyon agad.
Parang di ko pa naranasan 'yon dati,
at di na naulit mula noon.
Hindi kami mapaghiwalay. Naramdaman namin na nagtugma kami.
Ito 'yong karanasan na pinapangarap ng mga tao.
'Yong ma-in love sa isang tao at kumpleto ka pag kasama mo siya.
Pareho kaming pinagpala na meron kami no'n.
No'ng mabuntis si Rachel, nabigla ako.
Nasa 25 ako no'n, tapos 19 si Rachel.
Nakatutok siya sa pagtatapos ng pag-aaral, pagkakaroon ng career, magandang trabaho.
Pero no'ng sandaling nakita ni Rachel na desidido ako,
kita niya na kakayanin namin ito.
Kaya tinuloy lang namin.
'Yong unang pagbuhat mo sa anak mo
at makita siyang humihinga,
supernatural 'yon.
Talagang supernatural.
Mapapaniwala ka sa magic pagkakita mo ng batang ipinanganak.
Natural na ina si Rachel.
Ano siya… Napakagaling niya.
Matindi ang pagmamahalan nilang dalawa.
Talagang kontento sila sa isa't isa.
Baka normal na reaksiyon ito.
Sana sa akin na lang nangyari 'yon imbes na sa kanila.
Sabi ng detective na bumalik kami sa apartment
No comments yet. Be the first to leave one.