The first 193 lines.
[umaalingawngaw ang sirena ng pulis]
Taas ang kamay!
Huwag kang kikilos ng masama!
Kayo ho ba ang nanay ni Juliana?
Ako ang lola niya, Lola Pilar.
Anak ko ang tatay niya, pero matagal na siyang patay.
Ang nanay niya, sumama na sa iba.
Hindi nga namin alam kung nasaan na siya ngayon, eh.
Eh kayo, nasaan ang mga magulang niyo?
'Yung tatay namin patay na.
Si Nanay papunta na raw.
Ah...
Hindi raw ho makakapunta,
kaya ako raw po 'yung ihaharap muna.
May aasikasuhin ho kasing importante.
Meron pa bang mas importante rito?
'La.
Ah, magandang gabi ho.
-Magandang gabi. -Ako si Amelia, nanay nito.
Sandali.
Natatandaan kita.
Ikaw ang guro ni Liana noong unang taon.
Ah, ma'am, ako nga pala si Lola Pilar, lola ni Liana.
-Halika, maupo ka. -Ikinagagalak kitang makilala.
Maupo po kayo.
Ano, Liana?
Hindi ko man lang naramdaman
na magkasintahan na pala kayo ni Victor.
Ano'ng plano niyo?
May naisip na akong plano.
Nag-usap na rin kami ni Liana.
Titigil ako sa pag-aaral, mag-iipon ako...
Pagkapanganak ni Liana,
pag-aaralin ko siya.
Tatlong taon na lang naman at magtatapos na siya, eh.
Kargo ko na siya.
Pagtutulungan na lang po namin.
Dapat lang na magtulungan kayo
dahil wala kayong maaasahan sa iba.
Hindi kami mayaman.
Lalo na siguro kayo.
'La...
Huwag kayong mag-alala, hindi namin kayo iistorbohin.
Kaya kong buhayin ang mag-ina ko.
Matanong ko lang, Victor.
May trabaho ka na ba?
[palakpakan at hiyawan ng mga manonood]
Sige, 'tol.
Patamaan mo.
Oy!
Victor, ititigil ko itong laban na 'to.
Pito.
-Kaya ko, Coach. -Ikinamatay ito ng tatay mo.
-Kaya ko, Coach. - Walo.
Siyam.
Naaalala mo ba si Karing, 'yung anak ni Pule?
O 'di ba maagang nag-asawa?
Ayun, awa ng Diyos, hiwalay na.
Naghanap ng ibang lalaki.
Walang kinaiba 'yan sa nanay mo, 'di ba?
Kung sino-sino munang kinasama
dahil hinahanap niya raw ang kaligayahan niya.
Nahanap niya ba?
Siyempre hindi.
Huwag niyo naman akong ikukumpara sa kanya.
Ganyan na ba talaga ako kawalang kwenta?
Magkamatayan na tayo,
hindi talaga ako gagaya sa nanay ko.
Ay.
- - Oh.
Mukhang ngiting panalo 'yan, ah.
Aba, siyempre, nakatsamba ako.
O, may pambayad na tayo sa ospital.
'Yung mukha mo, oh...
Ramdam ko na nandito talaga ang swerte natin, eh.
Kapag naging kampeon ako,
siyempre ibibili na kita ng magandang bahay, ng kotse,
ng mamahalin na bag, ng damit, kahit anong gusto mo.
Para lang siguraduhin kong
giginhawa ang buhay natin nila Marco.
Mahal kita.
Mas mahal kita.
- -
Uppercut!
Nabalitaan mo na ba 'yung ginawa ni Victor noong isang araw?
Kahit kailan 'yang tao na 'yan...
Alam mo, dapat pag-aaral muna ang isipin ninyo.
Huwag niyong sasayangin ang mga buhay ninyo.
Huwag.
Pag-aaral muna.
Oo naman, Tita.
Nangako ako sa tatay ko
na magiging abogado muna ako bago mag-asawa.
'Nay, huwes ang tatay n'yan.
Hindi ako pwedeng makalusot, baka kasuhan ako.
Naku, ewan ko ba d'yan kay Victor at kay Juliana.
Ang babata pa nagpakasal na kaagad.
Ewan ko... Sinira lang nila ang buhay nila.
Sinayang nila.
Imbes na nag-aral na lang muna.
O, ang dami n'yan, ah. Ba't ikaw ang gumagawa n'yan?
Utos ng reyna.
Hindi niya na raw papapasukin
'yung labandera 'tsaka 'yung plantsadora.
Sabi niya ako na raw ang gumawa ng lahat.
May washing machine naman daw sa baba.
At saka...
'yung ambag daw natin sa, ano, kuryente 'tsaka tubig.
Noong nakaraang linggo pa raw niya hinihingi sa'yo 'yon.
Nasaan na raw?
O, eh ba't naman mainit ang ulo ng mahal ko?
May problema ba?
Eh, naiinis na ako sa nanay mo,
masyado kasing perpekto.
Lahat mali, pwera siya.
Ano 'yon?
Huwag mo na kasing hihiritan.
Alam mo naman 'yon, kontra bulate 'yon, eh.
Mas hindi niya tayo nakakausap o nakikita,
mas okay tayo.
Eh kahit naman ako, ayoko rin dito.
Lahat na lang ng ginagawa ko ay mali.
Kung gano'n na lang ang trato niya sa'kin,
ewan ko ba kung ba't pa ako kinupkop ni Nanay.
Eh...
Kailan na ba kasi tayo lilipat?
Kailan na tayo... bubukod?
Hmm...
Hmm...
Baka...
Hmm...
-Ang tagal. -
Baka ilang buwan na lang, makakalipat na tayo.
Ang galing ko, 'di ba?
Talaga?
- -
Mahal kita.
Mas mahal kita.
Ah, meron din akong sorpresa para sa'yo.
-Sa akin? -Oo. Sandali.
Tsaran!
Totoo ba 'to o ginuhitan mo lang?
Totoo 'yan! Buntis ako.
Liana...
Alam ko...
pangarap mong makasal tayo sa simbahan.
Sa susunod na taon, ibibigay ko sa'yo 'yan.
Talaga?
Sige, ha.
'Yung pinakamalaking simbahan ang gusto ko, ha.
Kahit saan pa 'yan,
basta dumating ka lang.
May darating na mga promoter sa susunod mong laban.
Nasa ikalabing-isang puwesto ka na ngayon.
Kapag nanalo ka, papasok ka na sa top 10.
Ang sunod n'yan...
laban para sa kampeonato na.
Pati 'yung bigating manedyer
na si Ginoong Mendoza ay darating daw.
Teka, Coach, si Emilio Mendoza?
-Mismo. -
Kapag nakuha mo 'to, Victor,
papasok ka na sa malaking liga.
Ilang taon na lang, internasyonal na tayo.
Ito na 'yung pinakahihintay natin, Victor.
Opo, Coach.
Kung nabubuhay lang sana ang tatay mo,
siguradong matutuwa sa'yo 'yon.
Konti na lang, konti na lang.
Bukas, maaga ka, ha.
-Opo, Coach. -Araw-araw na ang ensayo mo.
-Opo, Coach. -
Hi, Bangis, pwedeng magpalitrato at magpapirma sa'yo?
- Isa-isa lang ha. - Teka lang, sandali!
Isa, dalawa, tatlo...
Kunan ko kayo.
-Pwede? -Naku, ma'am...
Hindi kasi ako nangbabastos ng babae kaya...
hindi ako tatanggi.
Isa pa. Isa, dalawa, tatlo...
Liana.
Parang ginabi ka yata.
Kumain na ba kayo? May ulam pa d'yan sa ref.
Ah, sige, salamat.
Sandali.
Ayos ka lang ba?
Hindi.
Ayos lang 'yan.
Nandito naman kami ni Mama, eh.
Salamat.
Mahal...
Kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo. Hindi mo sinasagot.
Bibilhan sana kita ng pagkain, eh.
No comments yet. Be the first to leave one.