The first 200 lines.
Bago ang lahat, nais kong sabihing isang karangalang makilala ka.
Nabasa ko lahat tungkol sa mga laro mo.
Ang husay.
Sayang kung ang utak na kasingtalino ng sa iyo
ay mabubulok dito.
Upo!
Iilan lang ang may kapangyarihang palayain ka sa lugar na ito.
Isa ako sa mga taong iyon.
Maaari nating pagmukhaing tumakas ka.
Maraming taon na ang nakalipas, may nawalang mahahalagang bagay.
Nais naming mabawi iyon.
Tulungan mo kami at makalalaya ka.
May kahulugan ba sa iyo
ang pangalang Tewkesbury?
MAKALIPAS ANG ISANG TAON
Nabasa ko na ang magagandang kuwento, nagsisimula sa kasal.
Nasaan siya?
Ganoon nga ito.
Napakatagal niya.
May paparating.
Sige.
Heto na.
Sa kasamaang palad, ang kasal na ito ay kulang sa mahalagang bagay.
Ako ito.
Hindi nga.
Nagdadalawang-isip ang babaeng ikakasal sa kahulugan ng pagiging lady.
Huwag galawin ang ginger cake. Magtatae kayo.
KASAL NI LORD EARNEST TEWKESBURY KAY BB. ENOLA HOLMES
Oo.
Lady Enola Tewkesbury.
Parang mali.
Hindi!
Anim na taon kong pinatunayan na karapat-dapat ako sa pangalang Holmes.
Isusuko ko na ba iyon?
Gaya ng sabi ng matalinong babae…
-Di matalinong babae, ang aking ina. -Dalawang landas ang maaari mong tahakin.
Iyong sa iyo, o iyong pinili ng iba para sa iyo.
Ngunit si Tewkesbury iyon.
Aw! Tigilan mo nga iyan?
Di ko siya maaaring iwan doon.
Di ko siya iiwan.
Coachman Eric?
-Akala ko umalis ka na. -Nauna si Sherlock?
Mahal, nasa kasal mo na ang lahat bukod sa iyo. Pupunta ka na?
Oo, sige!
Bilisan mo!
Ngayon ang tamang oras para sabihing sa Malta ang kasal ko,
sa maliit na isla sa Dagat Mediteraneo,
sa mga dahilang mahirap unawain.
-Darating siya, kumalma ka. -Siyempre.
Paumanhin, binibini.
Para di ka mabigla, may humahabol sa atin.
Mukhang masama siya.
Mga tulisan, kawatan, at magnanakaw!
Maraming ganoon sa Malta.
MGA PANGANIB SA MALTA
Yumuko ka! Yumuko ka, binibini!
-Di ito para sa isang lady! -Di pa ako lady!
-Bilisan mo pa! -Heto, kunin mo!
Binibini, ano ang ginagawa mo?
Bumaba ka riyan!
Enola!
Ako ito!
Dr. Watson!
Enola, ayos ka lang?
Bakit ka nakamaskara?
Panyo ito.
Nahihirapan ang baga ko sa alikabok.
-Akala mo— -Papatayin mo ako?
-Hindi. -Oo, iyon ang naisip ko.
Bakit mo ako hinahabol?
Tungkol sa kuya mo.
Nawawala siya.
Sa totoo lang, sigurado ako, Enola, dinukot si Sherlock.
Ano?
Alam kong kailangan ninyo ng paliwanag kung paano ito nagsimula.
Ang totoo, nagustuhan namin ang naging takbo ng buhay namin.
Patuloy na naging kampeon ng pagbabago at pag-unlad si Tewkesbury,
at kabilang na ako sa hanay ng magagaling na detektib na Victorian,
kasama ang kuya ko.
Tinulungan niya ang mga may kaya, at ako sa nangangailangan.
Minsan, kasama ko siya sa trabaho.
Naging masaya ako.
At dito, nawawala ang bakas.
Huwag kayong lumapit. Dapat malinis ito.
May sumakay sa kabayo,
at dumaan ang lalaki papunta rito.
-Magandang mungkahi. -May iba pa?
Sinilo ng lubid ang lalaki at binitin diyan.
Nakita mo iyong lubid na hindi naputol?
At ang mga markang ito, dito siya pumadyak para may maapakan ang mga paa.
Sherlock, hindi rito nawala iyong tao.
Dito siya pinatay.
-Si Sherlock Holmes ba iyon? -Di sila gaanong nakakatuwa.
Puro ako imbestigasyon buong linggo, at sa katapusan ng linggo naman…
-Ano ang ginagawa mo? -May regalo ako sa iyo.
-Bulaklak? -Hindi.
Halamang-gamot?
Pumikit ka.
Sige.
-Sandali— -Ano iyan?
Nakita ko siya.
-Ang bait. -Nakakatuwa, ano?
Nakakatuwa ka.
-Masaya iyon. -Medyo mahiyain siya.
Nakakatuwa iyon.
Kapag hindi masaya o nakakatuwa,
kapag kaming dalawa lang,
iyon ang pinakamaganda.
Atras. Pagpasok ko, dumikit ka riyan.
Hindi, Tewkesbury. Tewkesbury!
Kaya habang parang naging simple ang buhay ko,
nagpasya ang mahal ko na gawin ang komplikado.
Enola Eudoria Holmes…
tatanggapin mo ba ako, si Earnest Augustus ng Pamilyang Tewkesbury…
Oo.
May isa pa siyang pangalan. Nagulat din ako.
…bilang asawa mo?
Basahin ninyong lahat!
LADY NA ANG DETEKTIB
Bigla kaming tinutukan ng buong London.
Nakakatuwa.
-Ang ganda. -Naku.
Maliban sa isang tao.
Sherlock Holmes.
Ang pinakasikat na detektib sa mundo, nahumaling sa isang bagay.
Kumusta, Sherlock?
Puro mapa at simbolo iyon, at wala akong maintindihan.
Hindi ko maunawaan kung bakit inililihim niya iyon.
Bulaklak.
-Pinag-usapan natin ang chrysanthemum. -Chrysanthemum?
-Wala nang usapan. -Oo. Paborito ko iyon.
Ano ang susunod?
May listahan ako ng pinakamalalapit sa amin.
Oo, mayroon din ako.
Pahiram ng panulat. Isang tao na lang. Di siya makakapunta.
Heto.
Wala ang nanay mo?
Malugod siyang tatanggapin.
Simula nang ipasa ang Batas sa mga Pampasabog ng 1883,
naging pangunahing pugante…
ang nanay ko.
Kaya kung dadalo siya sa kasalang ito,
malalagay siya sa matinding…
panganib.
Mayroon ka bang tiyo…
-Ina. -…na maghahatid sa iyo sa altar?
Nakausap ko na si Sherlock…
Ta-da.
…at pumayag siya.
-Pumayag? -Oo.
Binabati kita.
Mapipilitan lang siyang gawin iyon,
at hindi siya magpapakitang-gilas o kaya'y magpapakasaya,
ngunit siya na lamang ang pamilya ko, kaya ayos lang.
Hindi rin lahat pupunta sa panig ni Earnest.
Maraming nagmamahal sa kanya, ngunit…
Dahil sa nakaraan ng pamilya, isasagawa ang kasal sa Malta, hindi ba?
…sa Malta iyon.
-Malta? -Saan galing ang ideyang iyan?
Nagtsaa kami ng mga babae,
at siyempre, ang kasal ang pinag-usapan namin.
Sa iba…
Noong napunta sa lugar ang usapan,
tinanong ako ng babae kung saan kami kinasal ni Peter,
at naisip kong napakaganda noon.
Malta.
Magandang pag-alala iyon sa ama mo.
-Patawad. -Naging masaya roon ang asawa ko.
Doon siya naglingkod sa hukbo, doon kami nagkakilala, doon kami kinasal.
Nagustuhan ni Earnest ang mga tag-init doon noong kabataan niya.
Oo.
Ngunit kung nais mo ng ibang lugar, maaari din iyon.
Sa Malta ang kasal ko?
Marami akong naging tanong.
Ano ang isusuot sa isang kasal sa Malta? May kakilala ba ako sa Malta?
Baka libre kayo sa Sabado. Libre ka sa Sabado?
Magpanggap kang lola ko sa tuhod.
At bakit naunahan ako ni Sherlock na malaman iyon?
At bakit siya nag-alala?
Makinig ka, Enola.
May itinuro si Ina tungkol sa lugar.
Kahit maliit na lugar iyon sa Dagat Mediteraneo,
sinakop ang Malta ng mga Phoenician,
mga Romano, at pati ni Napoleon, dahil sa estratehikong puwesto ng lugar.
Mula 1814,
hawak ng hukbo ng Imperyong Britanya ang isla.
Kumusta?
Patawad, senyora.
Bago ko namalayan, sumapit na ang araw ng kasal.
At napunta kami
sa silid na puno ng mga makapangyarihan at iginagalang.
Masaya ang kanyang pamilya na nakapili na ng mapapangasawa ang biskonde,
at ang pamilya ko, komplikado ang naging asal.
Wala na ba sa pamilya mo ang makakadalo sa salusalo sa kasal?
Wala.
Mga ginoo at ginang, bilang gobernador ng Britanya sa magandang lalawigang ito,
karangalan kong imbitahan ang dakilang tagapagtanggol,
Brigadyer Heneral Sampson, para sa talumpati.
Brigadyer Heneral!
No comments yet. Be the first to leave one.